CHAPTER 04

15.3K 426 10
                                    




Pinatay ni Nicollo ang laptop na nasa harap matapos hanapin ang social media ni Thalia. And now he found out that she's really a heiress of Dawson family, the owner of leading pharmaceutical company here in Philippines and Asia. Mayaman pala talaga ito at nag-iisang anak ng mag-asawang Dawson dahil ang dalawang sumunod na kapatid ng dalaga ay puro lalake. So maybe that's why she was like boyish?

But she's living normal in Estrella on her ranch. Dinampot ng binata ang tubig sa ibabaw ng lamesa niya at ininom 'yon, noong nakaraan pa sana niya gusto bisitahin si Thalia pero napaka busy niya kase sa Munisipyo at anong oras na din kase siya nakakauwi. And even on weekend he was also busy, tiningnan niya ang rilo na pang-bisig. Alas singko na ng hapon at puwedeng-puwede na siyang umuwi, dadaan muna siguro siya sa restaurant ng Ninong Oscar niya para bumili ng pagkain bago siya pumunta sa rancho ni Thalia. He can visit her now and sana nandoon ito.

Mid east resto..

"Good evening po, nandito din po pala kayo Ninong June, Ninang Angela." Bati ni Nicollo ng makita ang dalawa at tsaka nagmano sa mga ito, ito ang magulang ng Kuya Aidan niya na napangasawa ng Ate Miracle niya at kaibigan din ng mga magulang niya noon pa man.

"Dine-date ko lang ang Tita Angela mo, alam mo na." Sabi ni June na nakaakbay pa sa asawa.

Sumenyas ang binata sa waiter para mag-order. Sa tagal niyang kumakain dito ay kabisadong-kabisado niya na ang lahat ng menu ng Mid east resto kaya hindi niya na kailangang magbasa pa sa menu list.

"Ako din Ninong June malapit ng may ma-date." Kuwento niya sa Ninong Hunyo niya matapos mag-order at umupo sa harap ng mga ito, hindi naman siya magtatagal dahil hihintayin niya lang ang order niya para makapunta na siya sa Estrella. Pinauwi na din kase niya ang dalawang bodyguard at driver at siya na lang mag-isa ang pupunta doon. Nakabili na din siya ng bulaklak kanina ng may madaanan siyang flower shop, giving flowers on woman never get old dahil walang makaka-hindi na babae sa bulaklak.


"Talaga Nicollo? Wow taga saan ba 'yang babae na sinasabi mo?" Si Angela ang unang nagsalita.

"Taga Estrella po pero tsaka ko na po Ninang sasabihin ang pangalan kapag kami na talaga." Parang sigurado na sigurado na sabi ni Nicollo kahit pa hindi niya alam kung may boyfriend na ba ito o wala.

"So nililigawan mo pa lang gano'n ba?" Tanong naman ni June.

"Yes po, magpapaalam pa lang sana mang-ligaw. Medyo hindi kase maganda ang nangyari noong unang beses kaming nagkakilala eh." Kuwento pa ng binata pero iba talaga ang naging epekto ng makita niya ito ulit at puntahan sa rancho nito. Parang huminto ang pag-tibok ng puso niya dahil napakaganda ni Thalia lalo na habang bumaba sa kabayo nito.


"I see, pero marunong ka bang mang-ligaw Nicollo? Wag ka ng magtanong sa Daddy mo dahil walang alam sa gano'n 'yon." Natatawa pang sabi ni June.


"Kaya nga po eh, 'yon din sabi ni Mommy sa akin noong nakaraan." Kuwento ulit ng binata, napaka pikon pa naman ng Daddy niya at hindi talaga ito pumayag sa sinabi ng Mommy niya na hindi naman daw nito niligawan ang Mommy Sienna niya noon dahil nagpakasal nga agad ang dalawa.


"Hindi talaga marunong mang-ligaw ang balae kong 'yon Nicollo pero magaling 'yang ama mo kapag mang-dudugas sa amin ng pera." Aba tandang-tanda pa ni June kung ano 'yong huling hiningi ng walang hiya niyang balae hanggang ngayon. Hindi lang basta isang condo unit kung hindi isang buong condo building niya lang naman.

Nicollo chuckled hindi niya ipapagtanggol ang amang si Eros dahil alam niyang totoo 'yon. "Kayo ba Nong marunong ba kayo mang-ligaw? Ngayon pa lang kase ako mang-liligaw eh."


June grinned on his question. "Tumpak na tumpak ang pinag-tanungan mo Nicollo dahil matutulungan kita diyan!"


Para namang lumakas ang loob ni Nicollo na ituloy nga ang pinaplano niya dahil sa sinabi ng Ninong June niya. Hindi man siya mapayuhan ng Daddy niya mukhang ang Ninong June naman niya ang makakatulong sa kanya.


"Talaga po? Sige Ninong June paano ba ang gagawin? Nakabili na ko kanina ng bulaklak bago ako pumunta dito tapos dadalhan ko siya ng pagkain."

Pero bago pa makasagot si Hunyo ay piningot naman ang tenga niya ng asawang si Angela.


"Huwag kang magpapaniwala sa Ninong mo Nicollo dahil isa pa din 'yang hindi marunong mang-ligaw at hindi din niyan ako niligawan." Sabi ni Angela na inirapan pa ang asawa, napaka yabang talaga ng asawa niya magkuwento, eh hindi naman din talaga ito nang-ligaw sa kanya.


"Grabe ka naman Angela niligawan din kita no." Sabi ni June na himas-himas ang tenga na piningot ng asawa niya. I really courted her and even worshipped her'yon nga lang sa kama.


"At kailan 'yan aber? Baka ibang babae ang sinasabi mo pero ako wala kong matandaan na niligawan mo ako no!" Nakataas ang isang kilay na sabi ni Angela.


"Tsk, pareho lang po pala kayo ni Daddy eh, tama nga ho talaga na mag-balae kayo." Sabi ni Nicollo, siya namang pagdating ng Ninong Oscar niya na bitbit ang order niya na nakalagay sa kulay brown na paper bag.


"I heard it, wag 'yang si Hunyo ang tanungin mo Nicollo dahil hindi din niyan niligawan ang Mommy mo at alam na alam ko 'yon."

"Pare!" Kontra ni June kay Oscar.

"Sa akin ka na lang makinig, hindi ko niligawan ang Ninang Luna mo dahil may pagka-tigre na ugali niyan kahit noong mga bata pa kami sa Israel. Pero pumayag agad ako ng sabihin ng magulang ko na pakasalan ko siya. I'm not good on courting but I showed it to my wife how much I like her and love her kahit pa hindi niya alam at nandito na ako sa Pilipinas dahil sa restaurant ko." Paunang kuwento ni Oscar na siyang may-ari ng Mid east resto na ilang dekada na ang tagal at dumami na lang ng dumami ang branch sa ibang lugar hindi lang dito sa probinsiya ng San Juaquin.


Para namang na curious si Nicollo sa sinabi ng Ninong Weizman niya, hindi ito pala kuwento gaya ng Ninong June niya pero alam niya at nakikita niya kung gaano nito kamahal ang Ninang Luna niya. "Then how you showed it to Ninang Luna?"

"He's the one who paid my tuition fee Nicollo, na akala ko nakapasa ako sa scholarship noong magka-college ako at kumuha ng dentistry sa Israel. And I only found out about that when he said that to me after I got pregnant. Masyadong sigurista ang Weizman na 'to at talagang binuntis ako para wala kong kawala sa kanya." Si Luna na mismo ang nagkuwento na naroon din pala. "He also built a house for me and even surprised me with a dental clinic, at hindi naman ako niligawan ng Ninong mo alam ko naman na totoo siya sa akin dahil pinakita niya 'yon noon hanggang ngayon."




Nicollo got inspired on his Ninang Luna and Ninong Oscar love story. Nakalakihan niya kase ang pagiging madaldal ng Ninang Luna niya katulad ng Tita Abby niya na kamag-anak yata ni apeng daldal at kanina nga lang ito nagkuwento ng gano'n. Tama, hindi mo man masabi na gusto mo ang isang tao puwedeng-puwede mo naman 'yon ipakita at 'yon ang gagawin niya!

Pasado alas said imedya na siya nakarating sa rancho ni Thalia at hindi gaya noong unang beses siya nagpunta dito ay may security na sa may gate, akala pa nga niya ay hindi siya papapasukin nito pero pinapasok naman siya habang sakay ng kotse niya.


And he was surprised while driving on the drive way inside. Dahil akala niya ay patag na lupa lang ang loob nito pero hindi pala dahil katulad ng Paraiso ng Tito Gael niya ay may pa-burol din pala ang rancho na parang naka-elevate. Bumaba siya sa sasakyan matapos ihinto 'yon malapit sa sinabing bahay daw ni Thalia ng guwardiya kanina. At masaya siya na makita ito agad kahit na nakatalikod ito sa kanya kaya naman tinawag niya na ito habang bitbit ang bulaklak at paper bag na naglalaman ng pagkain.

"Thalia!"

Agad naman napalingon si Thalia ng marinig ang pagtawag ng kung sino sa pangalan niya, and to her surprised it was Nicollo.

Agad lumapit ang binata sa kinaroroonan ni Thalia pero napahinto siya sa paglalakad ng ma-realize kung ano ba ang hawak nito. Walang iba kung hindi isang ahas!


#maribelatentastories

The governor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon