CHAPTER 33

12.7K 265 3
                                    


El padrino is already completed on patreon and vip group.

Leon dela vega is on going and pay to read.




"What you're doing here Dad?" Akala ni Nicollo ay kulang lang siya sa tulog kaya nakikita niya ang Daddy niya pero hindi pala dahil totoong nandito talaga ito kasama ang Tito Gael niya.

"Oo nga Jacinto ginagawa mo dito? Sa pagkakaalam ko anak mo ang ininvite ko at hindi ikaw." Sabi din ni Samuel, nakita pa nga niya ang apat na bodyguards nito dahil nakabukas ang main door ng bahay niya.

"I invited myself, what else? Aba si Kuya Gael ininvite mo tapos ako hindi? Wag ka namang ganyang balae." Kalmadong sabi ni Eros, nalaman niya kase mula sa asawang si Sienna na inimbitahan pala ng Dawson na 'to ang anak niya at dahil kaibigan nito ang pinsan niyang si Kuya Gael ay tinawagan din niya ito at tinanong kung invited din ba. At ng mag-oo nga ay sinabi niyang sasama siya dito, mamaya pa nga sana ito luluwas dito sa Maynila pero nagpumilit na siya na umalis ng maaga.

"Ninong ng anak ko si Gael kaya natural na imbitahin ko siya, eh ikaw ano ba kita?"

Ngumisi si Eros, 'yong ngisi na alam niyang mabwibwisit ang kausap niya. "Eh di ano pa? Balae.."

Napatayo tuloy si Samuel sa sinabi ni Eros, si Nicollo naman ay napailing katulad ng Tito Gael niya.

"Daddy naman.." Pabulong na saway ng binata sa ama. Buti na lang at nagpunta muna si Thalia sa kuwarto nito kung hindi siguradong mahihiya din ito kagaya niya.

"Tantanan mo nga ako Eros sa mga pa-ganyan mo. Tsaka may regalo ka ba na dala? Aba hindi ka na nga invited baka wala ka pang panuhol na dala man lang." Ani ni Samuel, pag sinusuwerte ka nga naman oo, malakas mang-bwisit talaga ang bwisita niya na dumating eh.

"May regalo ako no, nasaan na ba 'yong may birthday?" Tanong ni Eros, aba hindi siya magpapahuli no, he brought a gift like his Kuya Gael.

Tinawag naman ni Samuel ang anak na si Noah, actually his son don't want a party for his birthday. But his wife Brielle was the one who said she want to throw a party of their son kaya wala na silang nagawa dahil mahirap naman kontratahin ang asawa niya dahil baka mawalan siya ng sex time. 

Lumabas naman ang anak ni Samuel na si Noah, nag-bless ito kay Gael at binati ang mag-ama na Jacinto.

"Happy birthday iho, ako 'yong Daddy nitong si Nicollo at magiging balae ng Daddy mo." Pagpapakilala ni Eros kay Noah na naroon na.

"Ulit-ulit talaga Jacinto, nakakadami ka na." Saway na naman ni Samuel, bakit ba nakakainis kapag siya ang nagsasabi ng balae?

"Tama naman ang sinabi ko ah, tsaka naalala mo ba ikaw nga 'yong tawag ng tawag ng balae sa akin tapos ngayon itatanggi mo? Heto nga pala Noah." Kinuha ni Eros ang isang susi mula sa kanyang bulsa at ibinigay dito.

"W-Wait, seryoso po ba ito?" Parang hindi makapaniwala na sabi ng binatilyo ng makita ang susi ng motor na Harley Davidson. 

"Yes, it's a Harley-Davidson Milwaukee 114, at nasa labas na siya actually." Masayang sabi ni Eros, ganito na siya kagalante ngayon magregalo dahil lagi niya ngang sinasabi aanhin ba naman niya ang pera. 

"Wow, thank you po! Thank you po!" Tuwang-tuwa na sabi ni Noah, na napatakbo na palabas ng bahay para tingnan ang motor na niregalo sa kanya. 

"Tsk, yabang talaga.." Napaismid na sabi ni Samuel pero deep inside ay natutuwa siya sa niregalo ni Eros sa anak niya, hindi niya kase 'yon inaasahan dahil maski siya kahit naman kaya niyang bilhan ng gano'n ang anak ay hindi niya muna ginagawa dahil nga bata pa ito masyado at isa pa ang usapan nila ng asawa ay pagagamitin lang nila ng motor o sasakyan ang mga anak nilang lalaki kapag nag-eighteen na ang mga ito. But the excitement he saw on Noah seems like he will change his decision. 



   The birthday party of Noah was held also on the Dawson residence, only friends and family friends are invited. And mostly nandoon lahat ang kaibigan ng mag-asawang sina Samuel at Brielle na Ninong at Ninang ng kanilang mga anak.

"Don't you miss this place? I mean dito ka na kamo lumaki diba?" Nicollo asked after he drunk his bottle beer. Nasolo din niya sa wakas ang nobya, nagsipag-datingan kase ang mga kababata nito kanina at ito muna ang inasikaso ni Thalia. Hindi niya alam na katulad din pala ng dalaga ang pamilya nila, sila kase ay kung sino ang kaibigan ng mga magulang nila ay ang mga anak din ng mga ito ang kaibigan nila ng Ate Miracle niya. 

"Sometimes, kaya kapag gano'n ay umuuwi din ako dito pero mas dinadalaw naman nila ako sa rancho ko kaya hindi ko din sila namimiss ng todo. Isa pa kung anong mero'n naman ang bahay na 'to ay 'yon 'yong mga memories na kasama ko ang mga magulang at kapatid ko kaya medyo ayos lang din." Sagot ni Thalia, itong bahay na 'to ang binili ng Daddy niya ng malaman na nag-eexist pala siya. She was 7 years old that time and she can really say that this house have many memories of her childhood. Pero syempre nabago 'yon habang lumalaki siya dahil nga lagi siya noon nagpupunta sa Lolo niya, ang Papa ng Mommy Brielle niya at doon nagsimula ang pagkahilig niya sa farming at mga hayop. 

"But I saw how much your brothers missed you.." Ani ni Nicollo, kulang na lang ay huwag pakawalan nila Jasper at Noah ang Ate nila ng makita ito kanina. They kept hugging and hugging their sister and it feels like the three have really strong bond.

"Ganyan naman sila kapag umuuwi ako dito, kung hindi nga lang siguro nag-aaral ang mga 'yan ay baka sumunod na 'yan sa akin sa rancho." Natatawang kuwento ni Thalia. "Wait, I saw what your Dad gift to Noah, my god Nicollo ang ganda nung motor!" 

"Yeah, I saw that too. Hindi ko nga din alam na susulpot dito si Daddy eh."

"That's okay our father knew each other, tsaka natutuwa ako kapag nag-aasaran silang dalawa." I shook my head, my Dad was pikon and Tito Eros too they kept teasing each other and calling each other balae then mapipikon naman ang isa.

"Indeed, but what I like the most is atleast parang may basbas na nila tayo dahil sa pagtawag nila sa isa't-isa ng balae.

#maribelatentastories

The governor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon