CHAPTER 42

9.8K 279 39
                                    





Hello sa lahat po ng nag-order ng book bundle ni Azul at Isabel by wed ko po siya mapapa-ship. Di po kineri ni paperink mapa ship ngayon. Thank you!





Nicollo POV

Simula pa kahapon ay wala pa akong tulog at hindi man lang talaga ako dalawin ng antok. I don't know but until now I can't still accept that my Dad passed away, at wala akong ibang magawa kung hindi maupo lang dito sa harap ng kabaong ni Daddy at titigan kung nasaan siya simula ng dumating ito kaninang madaling araw. Mabilis naisagawa ang autopsy sa katawan niya dahil na din sa tulong ni Tito Rios at ilang kaibigan pa ni Daddy at oo nahuli na si Danilo Rodriguez gaya ng gusto naming lahat pero parang useless na din 'yon dahil wala na ang Daddy ko at kung paano na kami nito sa susunod na mga araw ang hindi ko na alam. 



I'm blaming myself for what happened to my Dad, kung hindi naman talaga sa akin ay hindi mangyayari ang lahat ng 'to. We are all mourning for the his sudden deaths, our family, his friends and the people of San Juaquin. Ang dami naming natatanggap na mga bulaklak para kay Daddy simula ng malaman sa balita na wala na talaga siya na nandoon sa garden at labas ng mansyon. At simula pa kahapon ay walang sino man sa amin ang humaharap sa media, parang hindi ko din kase kayang makipag-usap sa ibang tao dahil hindi ko pa talaga napoproseso ang nangyari sa Daddy ko. Dad gave his life for me, sa akin na anak niya. At kahit sinasabi sa akin ni Mommy simula pa kahapon na hindi ko kailangan sisihin ang sarili ko ay hindi ko talaga magawa. I can't helped it but to blame myself for what happened to him, pati na ang galit ko sa bumaril sa kanya ay binuhos ko ng magpunta kami ni Kuya Aidan kagabi sa presinto dahil binugbog ko talaga siya.  And I'm not contented on that, gustong-gusto ko patayin ang Rodriguez na 'yon dahil buhay ang kinuha niya sa amin. Buhay ng Daddy ko na mahal na mahal namin. 



 Thalia remind to me that I need to be strong for my family lalo pa at ako ang lalake, my mom and sister kept crying and crying. At awang-awa talaga ako na makita silang ganito. Pero 'yon na lang naman ang magagawa namin ngayon, ang umiyak. We are all on grieving process for our lost and the ranging of profound sadness enveloped us. I don't know if this is guilt or regret but I'm still hoping that all of this was only a dream. Wala akong magawa kung hindi panoorin si Mommy na umiyak habang nasa harap ng kabaong ni Daddy dahil alam ko higit siyang nasasaktan sa trahedyang nangyari sa pamilya namin.





At kung paano ba ako magsisimula ngayong wala si Daddy ay hindi ko alam dahil hindi ko naman itatanggi na lagi siyang nakaalalay sa akin lalo na ng pumasok ako sa mundo ng pulitika. My Dad always be on my side, he will always be my number one supporters kahit pa lagi kaming nag-aasaran na dalawa ay hindi naman maitatanggi na lagi din siyang naka-suporta sa akin. And I will miss that, I will miss those time that we were together, that we are happy as a family. Siya, si Mommy si Ate Miracle at ako, at kung paano maaalis ang sakit na nangingibabaw sa dibdib ko ngayon ay ang hindi ko pa alam. 





     "Have a rest Mom, hindi matutuwa si Daddy kapag nakita niyang ganito ka." Sabi ni Miracle ng lapitan niya ang Mommy niya na nakatayo sa harap ng kabaong ng Daddy niya. Her Dad casket was color black like her Dad wants when he was still alive, binilin na ito sa kanila ng Daddy niya na oras na mamatay ito ay itim na kabaong ang paglalagyan ng katawan nito kaya 'yon ang sinunod nila. Her father deaths brought shock and numbness on them, and even her husband Aidan said to him that she need to calm down for their children she can't really do it. The disbelief on what happened to his Dad last long. Na hanggang ngayon ay parang hindi pa din sila makapaniwala na wala na talaga ang Daddy niya. 



"Hindi pa din ako makapaniwala Miracle. look at your Dad napaka-guwapo pa din ng Daddy mo at parang natutulog lang siya." Hinimas pa ni Sienna ang salamin sa kabaong ni Eros, she cried in gasped and wiped her tears while looking on her husband. She even yelled and cried in tears yesterday when the doctors said Eros was really dead, dahil hindi niya 'yon matatanggap. Na bakit sa dinami-dami ng masasamng tao ay ang asawa niya pa ang namatay, it's seems like the death of Eros was a brutal loss on her side. But she need to redefined herself and be strong for their kids dahil tama naman ang sinasabi ni Miracle sa kanya na hindi matutuwa ang asawa niyang si Eros dahil ganito siya ngayon, mahina at walang magawa kung hindi maiyak na lang.




"Dad did it for Nicollo Mommy, at alam ko kahit buhay siya ngayon ay hindi niya pagsisisihan ang pagsalo sa bala na ginawa niya na para dapat kay Nicollo." Miracle held her mom hand, they will not get over their grief, and they will not go through on the grief. But she guess living with pain of loosing someone will never get way easily, lalo na ang Daddy niya na hindi lang sila ang nagmamahal kung hindi pati na ang mga kaibigan nito at ng buong probinsiya ng San Juaquin. 




"Just give me a little time Miracle, magpapahinga din ako maya-maya pero hayaan mo muna ako dito kasama ang Daddy mo." Pilit pang ngumiti si Sienna sa anak niya dahil alam niyang nag-aaala din ito sa kanya. Naka ilang alok na ang mga anak niya ng pagkain sa kanya pero ayaw niya pa din kumain dahil para bang hindi siya nakakaramdam ng gutom. Pare-pareho silang wala pang tulog simula pa kahapon at pakiramdam niya ay hindi niya magagawa ni pagpikit ng mata dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon. 



Miracle nodded to her, alam niyang hindi pa din natatanggap ng Mommy niya ang nangyari sa Daddy niya at pare-pareho lang naman sila. ALam nila lahat kung gaano kamahal ng Daddy Eros nila ang Mommy Sienna nila at siguradong mas magiging mahirap para sa kanila ang mga susunod na araw na wala na ito. 




Sienna was looking on her husband intently and the gloominess on her eyes was so visible. And there is no word can explain how much pain she felt right now. Muli niyang hinimas ang salamin ng kabaong ni Eros, para lang itong tulog dahil gano'n na gano'n pa din ang mukha. Pero ito ang katotohanan na wala na ang asawa niya na lagi siyang kinukulit na makipag-sexy time, wala na ang asawa niyang tumatawag sa kanya ng baby, wala na ang asawa niya na araw-araw pinapakita at pinaparamdam sa kanya kung gaano siya ka-importante at kamahal nito. At wala ng Eros Jacinto na minahal niya at kaisa-isang mamahalin niya sa buong buhay. 



At sa sobrang sakit na nararamdaman ni Sienna sa pagkawala ng asawa niya ay wala siyang nagawa kung hindi yakapin ang kabaong ni Eros ng sa gano'n man lang ay maramdaman pa din niya ang presensiya nito. "Mamimiss kita, ikaw lang ang mamahalin ko. M-mahal na mahal kita Eros, hanggang sa muli.."



Bday ko na sa wed, tumatanggap po ako ng regalo at cake😗 thank you in advance!😆

#maribelatentastories

The governor's sonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang