CHAPTER 06

13K 387 17
                                    

Hi! Restricted po ang fb account ko for 2 days, so by Tuesday pa po ako makakalaya sa fb prison🤦‍♀️😅 by tuesday na lang din ako mag-a update sa M.A series and Sultry Seductive. Sakto lang dahil may lagnat din naman ako.




"I saw your social media account, and I guess that one is your personal account, but most of the picture was posted in public. Mahilig ka pala mag-party no?" Sabi ko kay Nicollo, hindi naman na ako nagulat pa ng makita ko siya kanina dito sa rancho dahil nag-text naman na siya sa akin kagabi na pupunta nga daw siya. Sabado ngayon at hindi ko alam na ganito niya ako kaaga pupuntahan balak ko pa naman ilabas ang mga kabayo ko at mangabayo .

"Well m-medyo." Alanganin din na sagot ng binata, baka mamaya mamali ang sagot niya tapos ayaw pala ng gano'n ni Thalia. "Madalas akong maimbitahan at minsan hindi talaga ako nakakatanggi."

Tiningnan ko ang mga tauhan ko na gumagawa ng panibagong fish pond, mero'n naman na akong fish pond dito pero kase gusto ko mag-alaga ng tilapia o kaya ng bangus kaya nagpagawa ako ulit ng bago. 'Yong ngayon kase ay puro hito ang nakalagay at napapakinabangan ko naman siya dahil 'yong mga nakukuha naming isda doon ay nabebenta naman namin sa palengke na malapit dito. "Pero ang dami ko din na nakitang babaeng nakapulupot sa 'yo, and I know that's not your mom or sister."

Nicollo smiled, ang aga niya nagising kahit tanghali naman talaga siya bumabangon tuwing sabado at linggo, pero heto at mag-aalas otso pa lang ng umaga ay nandito na siya sa bahay ng nililigawan niya. "Those woman who asked to take a picture with me, then 'yong iba nata-tag sa akin. Mahirap kase tumanggi lalo na kung public servant ka tapos mga simpleng pa-picture lang naman ang hinihingi kaya nag-go go na ako." Hindi naman sa pagmamayabang pero siya talaga ang male version ng Mommy Sienna niya and everyone says he's really a good looking guy.

'I see.." Tiningnan ko siya, it's been awhile since someone got interested to me and ask me if they can court me, karamihan naman kase ng mga nang-liligaw sa akin ay puro negosyo ang gusto, at alam mong ayaw at hindi sanay sa simpleng buhay na katulad ng gusto ko. "I'm just curious what made you decided to court me, I mean look at me, I'm simple and honestly I'm contented on my life here in my ranch, hindi ako 'yong tipo ng babae na puwede dalhin sa mga party dahil ayaw ko sa mataong lugar."

"Your simpleness made me like you plus 'yong sinikmuraan mo ako noong unang beses tayong nagkita. I don't know but yes I like you and hindi naman kita minamadali." Agad na sagot ng binata, Thalia was so frank at ngayon lang talaga siya naka-encounter ng ganitong klase ng babae.

Wehhh di nga? "Pero sabi ni Tita Abby madami ka daw ex girlfriend at mula nga daw noong high school ka at bago maging mayor ay madami kang naging babae. And even Kuya Sky also said that."

'Tsk, syempre sasabihin talaga ni Tita Abby 'yon, pero si Kuya Sky sinabi niya talaga 'yon?" Tanong ni Nicollo hindi naman kase niya kaedad ang Kuya Sky niya na anak ng Tita Abby niya dahil ang halos kaedad talaga nito ay ang Kuya Aidan niya pero nag-uusap naman sila lalo pa at pulitiko din ito.

"Yes Kuya Sky told me that, so ano babaero ka gano'n?" Aba mabuti na 'yong habang nang-liligaw pa lang siya ay alam ko kung puwede ba akong mahulog sa kanya o hindi no!

"I did have girlfriends, siguro nasabi lang ng Tita mo 'yon at pinsan mo dahil alam nila na mabilis akong magpalit ng girlfriend. I was young back then and I know hindi lang naman siguro ako ang gano'n, teens love to explore at maski relationship ay gano'n din. Isa pa noong college ako naging chickboy pero hindi ko naman 'yon pinagmamayabang dahil alam ko sa sarili ko na lahat ng babaeng dumaan sa akin ay sineryoso ko at minahal ko."

"And I never had a boyfriend, my parents always said to me na kapag may mang-liligaw daw sa akin ay dapat kong ipaalam sa kanila. And they knew about you already." At sa totoo lang maya-maya o baka mamayang tanghali ay nandito na ang mga 'yon dahil nagsabi si Mommy na uuwi nga daw sila dito. Maliban kase sa rancho ko ay may dalawa pa kaming property dito sa Burgos isa ang bahay ng lolo ko, ang papa ni Mommy at ang isa naman ay ang bahay na pinagawa ng Daddy ko noon para may nauuwian kaming bahay dito. Pero wala naman nakatira doon at care taker na lang ang nag-aalaga, pero minsan pinupuntahan ko din.

"I'm willing to meet your parents Thalia, wala naman akong masamang hangarin sa 'yo and of course I want to show some respect on them." Nakangiting sabi ni Nicollo, gano'n naman talaga dapat eh. Kapag mang-liligaw ka ng babae mahalaga din na makilala mo ang pamilya niya ng sa gano'n maging panatag ang mga ito at kilala kung sino ang kasama ng anak nila. And he's willing to do that, he can meet them anytime basta magsabi lang sa kanya ang dalaga.


"Paraiso..

"Wow long time no see Dawson, ano 'to kaya niyo ba ako pinapunta dito dahil miss mo na ako?" Sabi ni Eros ng makilala ang kasama ng pinsan niyang si Gael Hidalgo. His Kuya Gael called him and asked if he can go here on his hacienda. At dahil wala naman siyang ginagawa ngayon dahil kakagaling lang din niya sa balae niyang pikunin na si Hunyo ay dumiretso nga siya dito.

"In your dreams Eros, sa laki ng nadugas mo sa akin noon akala mo mamimiss kita? Ano ka gold?" Sagot ni Samuel na nagsalin ng alak sa kanyang baso. Nasa rancho na ng anak niyang si Thalia ang asawa niyang si Brielle at dalawang kapatid pa nito at kanina nga lang sila pagka-pananghali dumating. Pero umalis din siya agad dahil nga pinuntahan niya itong kaibigan niyang mang-lulupa na si Gael at tsaka niya sinabihan ito na papuntahin ang pinsan nitong mang-durugas.

"Hindi ka pa ba nakaka-move on Samuel? Aba halos dalawang dekada na 'yon ah." Tatawa-tawa pa na sabi ni Eros, kapag nagkikita talaga silang dalawa ni Samuel ay hindi talaga nito palalagpasin na sabihin sa kanya ang nahingi niya ditong 10 million worth of medical products noon na hindi naman din siya ang nakinabang dahil ipina-mudmod niya 'yon sa mga bayan dito sa probinsiya ng San Juaquin. He was the Governor that time, and Abigail asked his helped, na huwag nga daw papasukin ang Samuel Dawson na 'to sa San Juaquin na hinahabol naman noon ang napangasawa na din na si Brielle.

"Hindi talaga ako makaka move on kahit kailan Eros dahil napaka- mangdurugas mo talaga."

Napapailing na lang tuloy si Gael habang nakikinig sa dalawa, alam niya ang pinunta ni Samuel dito at mukhang madadali ngayon ang pinsan niyang si Eros ng walang kalaban-laban.

"Alam mo ba kung ano ang pinunta ko dito ha? at kung bakit nandito ka?" Tanong ni Samuel, hindi niya talaga nakikita ang sarili na ito ang magiging balae niya kung sakali. Hindi talaga! As in never kaya dapat tumutol na agad siya habang maaga pa.

"Dahil naiinip ka na sa Maynila gano'n ba? At gusto mo naman makalanghap ng sariwang hangin?" Panghuhula na sagot ni Eros na tinanggap ang binigay na alak ng Kuya Gael niya.

"Your son is courting my daughter Eros."

"Oooohh.." Tatango-tango na sabi ni Eros. " So siya pala ang tinutukoy ng anak ko." Now he understand why his son asked him how to court a woman, so anak pala ni Dawson ang natitipuhan ng anak niya kung gano'n? "So? my son is a good man, he's a Mayor Samuel, siya ang Mayor ng Burgos."

Nalukot naman ang mukha ni Samuel sa sinabi ng kaharap. "Wag mo akong ma so so diyan Jacinto, it's payback time." Biglang napangisi si Samuel habang nakatingin ng maiigi kay Eros. Tama, lintek lang tlaaga ang walang ganti ngayon. Kung noon hindi siya nakapalag dito ano ba naman 'yong bumawi siya sa anak diba? "Remember 'yong sampung milyon?" He even smiled and grinned devilishy to him. Lintek lang talaga ang walang ganti ngayon kay Jacinto.

#maribelatentastories

The governor's sonWhere stories live. Discover now