CHAPTER 18

14.9K 387 26
                                    


Hi! Yong mga nag-order po ng book ni Maria tsaka nung my daks chef by tue pa po ang dating ng book. Kase isasabay na ni paper ink yung libro ni Thunder at bullet.

Kaya magiging on hand book na si Thunder at bullet nextweek. May excess copies pa po ako. Pm niyo ko sa fb page ko sa may gusto.

Maaayos na din pala fb account ko nextweek. Hehe makakalaya na sa restriction keme.








"Masasapok talaga kita Nicollo dahil sa mga ganyan mong padalos-dalos na gawa. Hindi mo ba naisip na baka mabuntis mo si Thalia?"

"Dad hindi mo naman maiisip 'yan diba lalo na kapag nandoon ka na." Sagot naman ni Nicollo, gabi na siya umuwi ng bahay nila at katatapos lang nilang mag-anak mag-hapunan. Nalusutan na niya ang Mommy niya pero hindi ang Daddy Eros niya.


"At talagang nangangatwiran ka pa?" Naka isang linya ang kilay na sabi ni Eros. "Gumamit ba kayo ng proteksyon ha? Baka naman pati condom man lang hindi ka gumamit, ay naku Nicollo sinasabi ko lang talaga sa 'yo."
Hindi naman siya against sa pre-marital sex basta dapat maingat lang. Lalo na itong anak niya na hindi lang naman simpleng tao kung hindi Mayor sa kanilang lugar. And what if his son got his girlfriend pregnant? Natural magagalit ang ama ni Thalia na si Samuel Dawson.


"H-hindi nga Dad." Parang proud pa na sabi ng binata, noong pauwi na siya niya naalala ang tungkol doon. Beside if ever he got Thalia pregnant ready naman siyang akuin ang responsibilidad sa nobya. Nasa tamang edad na din naman siya para mag-asawa so why not.


"Ay putangina talaga, anong hindi? Diba lagi kitang binibilinan maski noon pa na always have safe sex? Kaya anong hindi?" Tumaas na ang boses ni Eros, buti na lang din talaga at nandito sila ngayon sa ibaba at ang asawa niyang si Sienna ay nasa itaas naman na.

"Eh sa hindi nga po Dad, nakalimutan ko nga. Tsaka wag na kayong magalit, In case naman na may mabuo kami ni Thalia pananagutan ko naman siya." Nicollo explained to his father, ayaw pa nga niya sana talaga umuwi kaso tawag na kase ng tawag ang Mommy Sienna niya at nalaman 'yon ng nobya kaya pinilit siya nitong umuwi kanina.

"Dapat lang dahil ayoko ng anak na tumatakbo sa responsibilidad. Pero paano si Samuel ha? Ang Daddy ni Thalia? Alam ba niyang may relasyon na kayong dalawa o hindi pa?"

Umiling si Nicollo, Thalia family didn't knew about them, he mean ang relasyon nilang dalawa. Na sila na nga.


Ngaling-ngaling batukan na ni Eros ang anak sa gigil niya dito. "Once na malaman ng Dawson na 'yon na may nangyari na sa inyo ng anak niya sigurado ako na babantayan ka no'n Nicollo. At natural lang 'yon dahil si Thalia lang ang nag-iisa niyang anak na babae." Parang naalala tuloy niya ang sinabi ni Samuel sa kanya na "it's pay back time" noong magkita sila sa Paraiso at mukhang madadali ngayon ang kayamanan niya.

"Wala naman po kayo Dad dapat ipag-alala, Thalia and I was okay. What ever we have right now were both happy on that so wag na kayong masyadong mag-overthink diyan."

Wag mag-overthink? Eh kung hindi na lang kaya batok ang ibigay ko sa batang 'to? "Anong wag mag-over think? Alam mo naman diba kung ano ang hiningi ko kay Hunyo para magkatuluyan sila ng ate Miracle mo diba? Iba ang trato ng isang ama kapag babae ang anak niya Nicollo. Baka mamaya kung ano ang hingiin ng Dawson na 'yon "

Parang alam naman na ni Nicollo ang gustong ipahiwatig ng ama sa kanya. "Hayaan mo Dad kung ano man ang hingiin sa 'yo o sa akin ng Daddy ni Thalia kapalit ng relasyon naming dalawa, eh sure na sure ako na sa amin pa din naman 'yon mapupunta." Tatawa-tawa na sabi niya, his Dad already have a last will testament even his Mom. Sa kanya nakapangalan ang banana plantation nila samantalang sa Ate Miracle naman niya ang lupa ng Mommy nila na Velasquez farm.

Ano daw? Parang hindi pa agad naunawaan ni Eros ang sinabi ng anak niya pero ng maintindihan naman niya ay.. "Dawson can't have our plantation Nicollo, hinding-hindi ako papayag na mahingi niya sa akin 'yon dahil 'yon ang unang-una kong negosyo at dugo at pawis ang pinuhunan ko doon!"


Nicollo shook his head while looking on his father, mas malala pa sa mas malala mag-overthink ang Daddy niya. "Sa akin pa din naman 'yon Daddy mapupunta tsaka kapalit naman no'n ay isang magandang apo." Biro niya na lang dito.


"Anong magandang apo? Sinasabi ko sa 'yo Nicollo ayoko sa Samuel na 'yon!" Eros can't really imagined na magiging mag-balae sila ng Dawson na 'yin. Hindi talaga, as in! Tiningnan niya ang anak na tumayo na mula sa pagkakaupo nito. "Nicollo? Come back here! Nicollo!!"



Eros took a deep breathe when he remembered the conversation with his son a week ago. Parang tumatama na ang sinabi sa kanya ni Sienna ah, na si Nicollo daw ang magiging sakit ng ulo niya. Napa-inat na lang siya habang nakatingin sa mga tauhan na nag-aani ng mga saging, nasa plantasyon niya siya ngayon at nagpupunta talaga siya dito kapag ganitong anihan. Bago pa siya maging mayor at gobernador noon ay ito na talaga ang negosyo niya na galing pa sa kanyang magulang. Lumaki na lang ng lumaki ang lupain niya dahil kapag kumikita siya dito ay binibili niya ng lupa. Pero natigil siya sa pag-iisip tungkol doon ng..


"Balae!"

"Balae!"


Napalingon tuloy si Eros ng marinig ang boses na 'yon. Alam niya ang boses ng balaeng si June kaya alam din niyang hindi ito 'yon.



"Good morning balae!" Ang nakangiting sabi ni Samuel ng makalapit kay Eros habang kasunod ang kaibigan niyang si Gael Hidalgo.



"Anong balae pinagsasabi mo diyan Samuel? Tsaka bakit nandito ka?" Nagtataka na sabi ni Eros at kasama pa talaga ang pinsan niya, heto na nga ba ang sinasabi niya parang hindi niya matatanggap na itong Dawson na 'to ang magiging balae niya kung sakali.



"Naikuwento kase nitong si Gael na anihan nga daw dito sa plantasyon mo kaya sabi ko tutulong ako kako." Nakangiti pang sabi ni Samuel Dawson, nakasuot ito ng kupas na pantalong maong at kulay puting t-shirts. Naka rubber shoes lang din ito at naka sumbrero.



"So? I don't need your help Samuel, tsaka nakikita mo naman diba ang dami ko ng tauhan." Tinuro pa ni Eros ang mga tauhan niya na abalang-abala sa pagkuha ng mga saging, ito ang mga ine-export nila papuntang ibang bansa.


"Ah basta tutulong pa din ako para naman alam ko kung paano ba ang gagawin dito kung sakaling mapunta sa akin ang sagingan mo balae.." Nakangising sabi ni Samuel.




What the hell! Sinasabi na nga ba!  "Anong magiging sa 'yo? Hindi magiging sa 'yo ang plantasyon ko no!" Tutol agad ni Eros.

"Believe me Eros magiging mag-balae tayo." Tatawa-tawang sabi ni Samuel na inakbayan pa talaga ang dating gobernador.



#maribelatentastories

The governor's sonWhere stories live. Discover now