CHAPTER 02

18.2K 421 17
                                    



"Tangina!" Halos mapasubsob si Nicollo ng banggain siya ng sasakyan sa kanyang harapan. Pero hindi niya inalintana 'yon dahil hinabol niya pa ang tingin ang tatlong mga naka-motor na walang helmet at alam niyang menor de edad. Malapit na eh, muntik na sana niyang maabutan eh kaso dumating lang 'tong sasakyan na 'to. Kinalas niya ang suot na seatbelt at dali-daling lumabas ng sasakyan. Wala pa naman siyang kasama ngayon na driver at maski bodyguard pero kung sino man ang driver ng sasakyan na 'to ay lagot talaga sa kanya.

Thalia hurriedly removed her seatbelt after she saw the driver infront of them came out from the car. Lokong 'to ah, siya na nga nakabangga tapos siya pa ang mukhang matapang.

"Are you fuck--" hindi na natuloy ni Nicollo ang sasabihin ng makita ang babaeng bumaba mula sa driver side ng kulay puting Toyota hilux na bumangon sa kanya. She's wearing a maong shorts and checkered polo and black boots too. Pero hindi niya inaasahan ang sunod na nangyari dahil bigla siyang sinikmuraan nito.

"Siraulo ka, ang lawak-lawak ng kalsada kung magpa-pakamatay ka huwag kang mang-damay!" Bulyaw ko sa lalakeng nasa harapan ko, ayaw na ayaw ko pa naman ay 'yong feeling siga sa daan at kung makaasta ay akala mo kung sino.

"My God Thalia! Bakit mo-- Nicollo?" Sabi ni Abigail pagkababa ng sasakyan at makilala ang nagmamay-ari ng binangga ng pamangkin niya.

Agad naman tiningnan ni Thalia ang Tita niya. "Do you know her Tita?"

"I know him iha, anak 'yan ni Eros." Nag-aalalang nilapitan ni Abby ang binata lalo pa at hawak nito ang tiyan. She saw what Thalia did to him.

"Tita Abby.." tawag ni Nicollo ng makita ang kaibigan ng mga magulang niya.

Pero bumuwelo lang pala si Abby dahil.. "Siraulong bata ka, bakit ka nang-cut ng sasakyan ha?" Sabi niya sabay kurot sa tagiliran nito.

"Aray ko Tita! May hinahabol kase ako." Ilag naman ni Nicollo sa mga kurot at hampas ng Tita Abby niya, nabigla siya sa ginawa ng babae sa harapan niya kanina ng sikmuraan siya nito lalo pa at babae nga ito! At masakit talaga 'yon!

"Isusumbong kita kay Mommy mo Nicollo, lagot ka talaga sa kanya. Nakuuuu!" Sabi pa ni Abby na naka-pameywang pa.

"Tita Abby naman may hinahabol nga po kase ako tsaka sino po ba 'yang kasama niyo? Tanong ng binata na ang tingin ay na kay Thalia. Maganda, maganda sana kung hindi siya nito sinuntok.

"Pamangkin ko 'yan Nicollo, hala sige umuwi ka ng bata ka." Tinulak pa ni Abigail si Nicollo papunta sa sasakyan nito.

"Pero Tita 'yong kotse ko." Reklamo ng binata ng makitang yupi ang unahan ng sasakyan niya, siguradong lagot siya sa Daddy niya dahil regalo pa naman nito 'yon sa kanya.

"Kasalanan mo naman 'yan, ang bilis-bilis mo kase magpatakbo ng sasakyan. Sige na umuwi ka na at 'yong tatay mo na ang bahala diyan."

"Tita Abby!" Napapadyak na lang ang binata ng akayin na ng Tita niya ang sinasabi nitong pamangkin at sumakay ang mga ito sa sasakyan ng mga ito. Damn! Paano na 'yo ngayon?

Jacinto mansion..

Isang pingot sa tenga ang nagpabitaw ng hawak na kutsara at tinidor ni Nicollo habang nag-aalmusal siya sa mahaba nilang lamesa.

"Mommy!"

"Diba pinagsabihan na kita kagabi? Hindi ka pala nakinig tapos umalis ka pa pala." Sabi ni Sienna matapos maupo sa harap ng anak, gabi na kagabi ng makatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang si Abigail at sinabi nga nito ang nangyari sa anak niya at sa mga ito kagabi sa Estrella.

The governor's sonWhere stories live. Discover now