CHAPTER 40

8.9K 247 40
                                    



My hottie Tambay will be posted and pay to read on patreon and vip group. Mag start po ako bukas ng updates.







Walang sino man na naroon sa lobby ng ospital ang nakaisip ng puwede pala itong mangyari, dalawang bala ng baril ang tumama sa dibdib ni Eros na siyang nagpatumba dito. 


"E-eros!! Eros!!" Agad na nilapitan ni Sienna ang asawa na nakahandusay sa sahig at animo'y wala ng buhay.


 Gano'n din si Nicollo na napatayo na mula sa wheelchair at nilapitan ang ama. Ang mg bodyguards naman at security guard na nandoon ay agad nahuli at napaputukan din ng baril si Danilo Rodriguez na siyang bumaril kay Eros.




"My god Eros, no, no, no please.." Sienna was crying so loud and lok so helpless, hanggang sa may lumapit na din doon na mga doktor at agad dinaluhan si Eros na nasa sahig pa din. 




"Mommy.." Nicollo held her hand as they follow the doctors who put his Dad on the stretcher. He was shocked too, kitang-kita niya kung paano binaril at saluhin ng Daddy niya ang bala na para sa kanya dapat.



"Nicollo.." Nagpumilit pang pumasok si Sienna sa loob ng emergency room para samahan sana ang asawa sa loob pero pinigilan na siya ng mga nurses na naroon. "Ang Daddy mo.." She cried continuously, her tears of sorrow and nervousness made her speechless. Parang ilang segundo lang ay magkakausap pa sila hanggang sa nakarinig na lang siya ng sunod-sunod na putok ng baril. 


Nicollo had a lump on his throat and was blinking away the tears, Thalia was standing also infront of them and like him she was too stunned to speak on what happened. Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin niya dahil hindi talaga siya makapaniwala sa nangyari.


"Hindi m-mamatay ang Daddy mo diba? Nicollo h-hindi ko kaya!" Napayakap lalo si Sienna sa anak na mas matangkad sa kanya, nang-lalambot siya na parang ano mang oras ay mawawalan siya ng malay dahil sa nangyari. Hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama sa asawa niya, hindi talaga.




"Of course Mom hindi mamamatay si Daddy okay? Hindi siya mamamatay." Misery was written all over his face, parang hindi pa maabsorb ng utak niya ang nangyari dahil hindi niya talaga 'yon inaasahan. His Dad, his Dad who always made sure that everything will be okay in terms of having a trouble in life. Then now sinakripisyo nito ang sailing buhay para sa kanya. Hindi niya inaasahan 'yon dahil kung hindi siguro naging alerto ang Daddy niya ay malamang siya ang nabaril kanina.




   "Nicollo.." Ang humahangos na si Rios Sandoval kasama si Samuel ang tumawag sa pangalan ng binata.



"Tito Rios.." 


"Daddy!" Sabi din ni Thalia na tinakbo ang pagitan ng kanyang ama at yumakap dito.


"Come here, nadampot na ng mga pulis ang bumaril sa ama mo." Sabi ni Rios na walang emosyon na mababakas sa mukha, nasa San Juaquin pa sila at pabalik na nga sana sila ni Samuel ng ospital pero ilang minuto lang sila nahuli ay ito na ang nangyari.




Bumitaw naman si Nicollo sa pagkakayakap ng kanyang ina at pinaupo ito sa upuan na nasa harapan ng emergency room. Hawak ang tiyan na may benda ay lumapit siya kay Rios na kaibigan ng Daddy niya at ng Tito Samuel niya. 



"B-Binaril niya si Daddy, m-mabilis ang pangyayari hindi namin inaasahan na nandito pala siya. A-akala ko po ba nakakulong na siya? Bakit siya nandito? Ako dapat ang babarilin niya pero tinulak ako ni Daddy at sinalo niya ang bala na para sana sa akin." Nicollo felt layers of unsettling emotion and a great pang gripped his heart because of what happened. At wala siyang alam kung ano ba ang susunod na mangyayari dahil ipinasok sa loob ng emergency room ang ama niya. Kung malala ba ang pagkakatama mg suspect kanina sa Daddy niya o hindi naman ay hindi niya alam.



"Tumakas siya at kaya nga nagmamadali kami na makapunta dito ay dahil alam kong dito siya pupunta. Talk to your mom sumama ka muna sa akin sandali." Ani ni Rios na nilingon ang kaibigan na si Samuel na yakap-yakap ang anak.

Sinunod naman 'yon ni Nicollo, he kneeled infront of his mom and held her hands. Ayaw man niyang iwan muna ito ay kailangan niya munang lumabas sandali. At ng makapag-paalam ay kinausap niya ang girlfriend na si Thalia at Daddy nito na samahan muna ang Mommy niya bago siya sumama kay Rios.


Sienna kept crying and crying, naninikip din ang dibdib niya sa labis-labis na emosyon na nararamdaman niya ngayon. Takot, kaba at para siyang tuliro.


"T-Tita tinawagan ko po si Ate Miracle.." Sabi ko ng tumabi ako sa kanya, Tita Sienna's hand was trembling and she was still crying.


"I-I don't know iha, b-bakit binaril niya si Eros? Bakit niya binaril ang asawa ko." Umiiyak na sabi ni Sienna, she can't see his self without her husband. Hindi talaga dahil mahal na mahal niya ito. Pero tiwala siya na malalagpasan ito ni Eros, he's strong and he can really make it for their family.


Niyakap ko si Tita Sienna, hindi ko man nakita kung paano nabaril si Tito Eros ay alam kong niligtas niya si Nicollo. Kami kase ni Tita Sienna ang magkasabay na naglalakad at nauna kaya nagulat na lang ako ng marinig ko ang pagsigaw ni Tito Eros kanina.

Ang bawat sumunod na minuto ay naging parang isang mahabang oras para kay Sienna na nasa labas pa din ng emergency room. Samantalang si Thalia ang tinawagan ni Miracle na papunta na ng ospital. Hanggang sa makalipas ang halos bente minutos ay may lumabas na din sa wakas na doktor mula sa emergency room.


"D-Doc! H-how's my husband? Kumusta ang asawa ko? Kumusta si Eros?" Sunod-sunod na tanong ni Sienna.


"We're really sorry to say this Mrs. Jacinto but your husband didn't make it. Sa puso po tumama ang bala ng baril. He died at 10:07 in the morning."



#maribelatentastories

The governor's sonWhere stories live. Discover now