CHAPTER 03

16.5K 468 19
                                    



Good pm, on going po ang pre order ng book ni Thunder at Bullet, open for installment!






"Hiyaaaa!" Sigaw ko ng patigilin ko ang kabayo kong si Mefenamic ng makita ko na may tao sa bukana ng rancho, yes you heard it my horse name is Mefenamic and I named her like that after our pharmaceutical company made again our own brand of mefenamic acid. This is friesian horse from Netherland and this one cost 8 million pesos, at pikit mata ko 'tong binili gamit ang sarili kong pera dahil napakamahal naman talaga. Pero teka bakit nandito ang lalakeng ito? Ito 'yong akala mo may-ari ng daan kagabi ah.

"H-hi.." Nicollo lost his word as he stared on the woman infront of her, napaka suwabe ng ginawa nitong pagbaba sa kabayo pero ng lapitan siya nito ay magkasalubong naman ang mga kilay.

"What are you doing here? trespassing ka, alam mo bang hindi ka dapat pumasok ng basta-basta?" Tita Abigail told me about him, Mayor pala siya ng bayan ng Burgos at anak ng dating gobernador ng probinsiya ng San Juaquin. Mayor tapos gano'n mag-drive? Napaka-kaskarero sa kalsada.

"Maganda nga 'yon eh, basta-basta tsaka biglaan." Makahulugang sabi ng binata, ngayon niya lang mas nakita ang mukha nito kumpara kagabi. And she's really uniquely beautiful, she have angelic face even if she frown. Matangos ang ilong nito at may mahahaba din na pilik mata, morena din ito at hanggang balikat niya.

"Are you done staring me? Sabi ko anong ginagawa mo dito?" Ulit ko ulit sa tanong ko. He's wearing a color dark blue pants paired with a white t-shirts. And that made it show his tattoo on his arms.

"I'm here to apologize for what happened last night, sorry for the trouble. And I'm Nicollo Jacinto." Inabot ni Nicollo ang kamay sa dalaga pero tiningnan lang nito 'yon at parang nagdadalawang-isip pa kung tatanggapin o hindi.

"No worries wala naman tama ang sasakyan ko katulad ng sa 'yo, I'm Thalia, Thalia Dawson." Pagpapakilala ko at abot na din sa kamay niya. Pgakauwi ko kagabi dito sa rancho ay agad kong tiningnan kung may tama ang sasakyan ko at buti na lang wala kahit pa binangga ko ang sasakyan niya kagabi.

Nicollo felt happy when she accepted his hand, at parang na-magnet pa nga siya dito dahil ang tagal niyang binitawan ang malambot na kamay nito.

'Hindi mo na sana ako sinadya pa dito, out of way 'to at medyo malayo din mula sa Estrella." Sabi ko ng bitawan niya na ang kamay ko.

"I made a mistake so natural lang na sadyain kita dito, anyway ang ganda ng kabayo mo." Puri ni Nicollo sa katabing kabayo ng dalaga. Itim na itim ang kulay nito at alam niyang high breed na kabayo 'yon dahil mahilig din sa kabayo ang Tito Gael niya na nakatira sa Paraiso at pinsan ng Daddy niya.

"Mefenamic was really beautiful, 1 year na 'to sa akin."

'Mefenamic?" Ngtatakang tanong ni Nicollo.

'Yes her name is Mefenamic, she's a friesian breed my intelligent and friendly horse." hinimas ko pa ang ulo ng kabayo ko. Ito ang una kong kabayo na nabili at masasabi ko na pinaka-paborito ko sa lahat. And I remembered how my Mom freaked out after she found out I bought this. Talagang nagpunta sila agad dito sa rancho ni Daddy, pero in the end wala naman na silang nagawa dahil nandito na nga.

"Ngayon lang ako nakarinig ng hayop na pinangalan sa gamot." Parang hindi makapaniwala na sabi ni Nicollo.

"My family own a pharmaceutical company that's why." Kibit balikat kong sabi.

He nodded, he's not interested on animals pero mukhang mag-iiba ngayon dahil sa babaeng kaharap niya. "Yong Tito ko mahilig din sa kabayo, and he even gave my Dad a horse before kaso namatay na lang sa katandaan eh, 'yong Tito Gael ko." Pagpapahaba ni Nicollo sa usapan habang nakatingin sa magandang mukha ng kaharap.

"Gael? May kilala ako na gano'n din ang pangalan."

"Really? My Tito Gael live in Paraiso. Gael Hidalgo." ani ni Nicollo, pero sa totoo lang hindi naman daw binigay ng Tito Gael niya ang kabayo sa Daddy niya dahil hiningi daw ng Daddy Eros niya 'yon na pang-bayad ng tulungan nito ang pinsan.

"Wow, small world, that's my Ninong." akalain mo 'yon Tito pala ng lalakeng ito ang Ninong Gael ko. "Actually sa kanya ako na-inspire magkaroon ng kabayo at bumili ng sarili kong lupa. His place is so amazing right? Ang ganda-ganda kaya sa Paraiso." Kuwento ko, at galing nga ako doon noong nakaraan dahil anihan na naman sa hacienda nila Ninong Gael. Gustong-gusto ko kaseng tumutulong sa mga tauhan niya kapag nag-aani na sila ng mga gulay. At hindi ako nagpapabayad, tama na sa akin 'yong may maiuwi na gulay dito sa rancho ko at bibigyan ang mga tauhan ko.

Baka naman kase meant to be tayo kaya ganito? Muntik ng isa-boses ni Nicollo pero baka kase ipasipa siya nito sa kabayo. "Small world nga kung gano'n, hayaan mo kapag nagkita kami ni Tito Gael babanggitin kita sa kanya."

"Sige.." Nakangiti ko ng sabi.



Hindi na nagpa-abot pa ng gabi si Nicollo sa rancho ni Thalia dahil inaalala niya na baka gabihin sila sa daan. Takot pa naman ang Mommy Sienna kapag gano'n lalo na at uso sa katabing probinsiya nila ang mga patayan ngayon ng mga pulitiko na ina-ambush. Kung siya lang kahit umagahin pa siya kaso ayaw din niya kase na nag-aalala ang Mommy niya lalo pa at naoperahan na ito sa puso. But now his attention was caught of a woman, isang babae na nakatira sa rancho at mahilig sa kabayo.

Jacinto mansion..

"Good morning Dad, good morning Mom." Masayang bati ni Nicollo ng maabutan sa hapag ang kanyang mga magulang, gaya ng laging nangyayari naka-pulupot na naman ang Daddy niya sa Mommy niya.

"Parang ibang-iba ang awra mo ngayon Nicollo ah, may ginawa ka na namang kasalanan no?" Tanong ni Eros matapos inumin ang tinimplang kape ng asawang si Sienna, umupo ang anak sa harap nila, bihis na ito at kakain na lang ng almusal bago pumasok sa Munsipyo.

'May kasalanan agad? Grabe ka naman sa akin Dad, kapag si Ate Miracle hindi mo ginagaganyan." Kunwaring tampo ng binata at nginitian ang Mommy niya ng sandukan siya nito ng pagkain. Ito ang gusto niya sa Mommy Sienna niya eh, kahit lagi siya nitong nasesermunan napaka-maasikaso naman nito pagdating sa kanya, minsan pa nga ay dinadalhan pa siya nito ng pagkain sa Munisipyo na syempre kinaka-inggit ng Daddy niya.

"Miracle is my princess tsaka mabait ang Ate mo no, ikaw puro kakulitan lang ang ambag mo sa amin ng Mommy mo."

"Mommy oh si Daddy lagi na lang akong ginaganyan." Kunwaring sumbong ni Nicollo sa ina pero ngumiti lang ito sa kanya na sinabayan ng pag-iling. "Baka Dad nakakalimutan mo ako ang taga-pagpatuloy ng apilido mo kaya dapat hindi mo ko ginaganyan."

"Tsk, tigilan mo ako sa ganyan mo Nicollo, so ano nga? May ginawa ka na naman bang kalokohan ha?" Balik na tanong ni Eros, nakakapag-duda talaga kapag masaya ang anak niya para kaseng may kasalanan na naman itong ginawa.

Tiningnan ng binata ang ama, lagi talaga siyang ginaganito nito na nakasanayan na lang din niya. At sabi nga ng Mommy niya para daw silang aso't-pusa. "Nope, wala kong ginawa na kasalanan Daddy pero I need your help."

"Help? Parang delikado 'yan ah, anong tulong ba?" Biglang sumeryoso si Eros dahil sa sinabi ng anak niya, huling narinig niya mula kay Nicollo na help ay ng may sapakin itong empleyado sa Munisipyo pero kung siya din ang nasa posisyon nito ay gagawin niya 'yon lalo pa at nagpapa-under table ang empleyado sa mga nag-aapply ng business permit.

"Itatanong ko lang sana kung paano ba mang-ligaw, syempre bago kayo kinasal ni Mommy niligawan mo muna siya diba? So paano Daddy?" Nicollo got serious, sayang nga lang at hindi niya nahingi ang number man lang ni Thalia kagabi, pero di bale pupuntahan niya na lang ito ulit sa rancho nito.

Pero bago pa makasagot si Eros sa tanong ng anak ay isang malakas na tawa ang narinig nilang mag-ama mula kay Sienna, literal na tumawa talaga ito ng malakas at napahawak pa sa tiyan.

"Mommy?"

"Baby?"

Lumipas pa ang ilang sandali bago natigil si Sienna sa pagtawa at tiningnan ang anak. "Don't ask your Dad about ligaw thing anak, nagpakasal kami agad ng Daddy mo diba? At hindi ako niyan niligawan dahil hindi 'yan marunong mang-ligaw." Sabi ni Sienna habang nakatingin kay Eros.

Napabusangot naman si Eros. "Baby!" Parang bata na sabi nito na napapadya pa sa sahig.

#maribelatentastories

The governor's sonWhere stories live. Discover now