Napansin kong lihim na nagkatinginan sina Ced at Jema. I don't know why, but something's weird on how they exchanged glances.

"Teka, nakapag hapunan na ba kayo? Eh baka hindi pa? Nagluto pa naman ako nang specialty kong kare-kare. Baka gusto ninyong dito na kumain? Marami naman akong niluto" sagot ni Mommy

"Naku Tita! Tamang tama po, gutom na gutom na nga po kami eh" sagot ni Tots

Bakit parang scripted? Ngiting ngiti pa yung mokong nang nakakaloko eh.

Nang makarating kami sa kusina ay pansin kong madami ngang nailuto si Mommy.

Hindi naman basta nagluluto ito nang madami eh.

Siguro ay nasegundahan na siya ni Tots nang pauwi kami.

Kaya siguro hindi na to nag-aya kumain kanina sa labas, samantalang gutumin tong isang to.

"Jema anak, kain ka pa oh. Wag kayong mahihiya ni Ced ha, ito namang si Tots ay sanay na yan dito kaya wag niyo na pansinin itong isang ito. Kain lang kayo" alok ni Mommy kina Jema at Ced

"Salamat po. Sobrang sarap po nang luto ninyo. Sana po maachieve ko rin po yung ganito kasarap na Kare-Kare" nakangiting sagot naman ni Jema

Magkatabi nga pala kami ni Jema sa lamesa. Sa tapat namin ay sina Tots at Ced, habang napapagitnaan naman namin ni Tots si Mommy.

"Hayaan mo Hija, basta free ka pwedeng pwede kita turuan magluto. Ako naman ay wala masyadong pinag kakaabalahan kundi ang panunuod lang nang Kdrama" sagot naman ni Mommy

"Talaga po? Ano pong mga palabas ang mga pinanunuod ninyo? Baka po may marerekomenda po kayo sakin? Kakatapos ko lang po kasi nang All of us are dead, mababakante na naman po ako sa Kdrama" sagot ni Jema

"Talaga? Nako, balita ko nga sa mga kumare ko ay maganda yang palabas na yan! Maganda rin yung My Love from the Star, ang bida ay si Kim Soo Hyun. Napanuod mo na ba iyon? Sabi nang kumare ko ay matagal na daw iyong palabas na yon. Fan kasi ako nun kaya pinapanuod ko ang mga palabas niya maski noon" sagot ni Mommy

Medyo nakaka catch up naman ako sa kwentuhan nila, kasi madalas magkwento sakin si Mommy nang mga tungkol sa pinapanuod niya.

Minsan pa nga napilitan siyang ikwento sakin yung pinanunuod niya habang nanunuod siya dahil sa dami nang tanong ko.

Ang ending inulit niya yung episode kasi hindi niya naintindihan gawa nang kaka kwento sa akin.

"Nako Tita, napaka ganda din po pala nang taste niyo. Gwapo din po yon. Napanuod ko na din po halos lahat nang palabas niya, maski pelikula po" sagot ni Jema

From someone like Jema, hindi ko inaasahang mabilis niya lang makakapalagayan nang loob si Mommy.

Lalo na kapag naaalala ko yung sinabi niyang hindi siya sumusunod sa nanay niya.

I think, forever nang tatatak sakin ying sinabi niyang iyon.

Nagkwentuhan pa sila nang nagkwentuhan hanggang sa maski si Ced ay nakisali na rin.

Lowkey fan din daw kasi siya nang Kdrama pero more on Kpop daw.

Kami naman ni Tots ay nakinig lang sa kwentuhan nilang tatlo.

Nakakatuwa rin kasi sila pakinggan na mag usap nang tungkol sa mga bagay na kinawiwilihan nila.

Matapos kumain ay hindi na rin sila nagtagal. Nag paalala pang muli si Mommy sa susunod nilang bonding nila Jema at Ced.

Inaya niya pa nga ang mga ito na mag Kdrama marathon minsan. Na agad namang sinang ayunan nang dalawa.

I felt happy seeing my mom get comfortable with new people that she get to meet.

May the 4th Be With YouWhere stories live. Discover now