"Girl code sis. Bet na bet yan ni Carly ih" sagot ni Ced na kinakunot nang aking noo.

Nanaman? Pagsasaluhan na naman ba namin ang iisang lalaki?

Saglit akong napaisip

"Gusto rin ba siya ni Dean? Nasa anong stage na ba sila? Sila ba?" sunod sunod kong tanong

Kasi as far as I know ay single itong si Carly.

Napaisip naman si Ced

"Hmm... They rarely see each other. As far as I know, matagal nang crush ni Carly si Dean pero sa Bar lang sila first time na nagkausap" sagot ni Ced

Kung dumating agad siguro ako ay, ako ang malamang na kausap ni Dean sa Bar nang gabing iyon at hindi si Carly

"Pero para kasing hindi interested si Dean, base sa napapansin ko. Parang he's just too kind to entertain Carly. Alam mo yung walang glow sa mga mata ni Dean habang nakatingin siya kay Carly. Ganun. Hindi sa sinisiraan ko sila at minomotivate kita. Pero yun kasi sis yung observation ko." dagdag ni Ced

"Wala pa naman palang sila e. Eh di I'll let Dean decide kung sino ang mas magugustuhan niya samin ni Carly. If he chooses Carly over me, I will accept it wholeheartedly. Pero I have to play fair, ilalaban ko yung nararamdaman ko for Dean." sagot ko kay Ced

Minsan na akong nasulutan ni Carly. Bagay na hindi alam nila Jho at Ced. Akala nila nagbreak lang kami nang ex-boyfriend ko dahil nanawa siya sakin.

True enough! Kasi naghanap siya nang iba. Tumikim siya nang ibang putahe dahil lang sa hindi niya matikman yung akin.

Akala ko nga after that incident ay kusang lalayo si Carly, pero mali ako. She stayed, kahit alam niyang nasaktan niya ko na siyang kaibigan niya.

O baka naman hindi niya kasi ako tinuturing na kaibigan kaya niya nagawa iyon.

After the talk with Ced, she told me na inaya siya ni Tots for a date, kaya naman nakaisip ako na what if mag double date kami, together with Dean?

"Sure ka? Baka naman mag panic at mag hysterical na naman si Dean dahil sa'yo. Masyado mong pinapraning yung tao, sismars" ani Ced

"I'm sure naman na wala na siyang magagawa noh" sagot ko sa kaniya

"Paano mo naman nasabi?" mataray na tanong sakin ni Ced

"Wala ka talagang kabilib bilib sa kin noh? Trust me, ako nang bahala" sagot ko sa kaniya

Nang makausap ko si Tots tungkol doon sa plano ko, pinag usapan agad namin ang gagawin

Ako na ang nag suggest na sa kanila kami mag kita kita.

Nalate pa nga kami nang kaunti dahil hindi mapakali itong kaibigan ko, masyadong nagpapaganda.

Hindi rin pala muna namin ito pinaalam kina Jho. Ayoko kasi munang malaman nila, mamaya niyan kumontra pa yon eh.

Nang makarating kami sa bahay ni Tots ay kitang kita ko kung gaano nagulat si Dean.

Nang umalis siya at pinuntahan si Tots sa kusina ay lihim ko siyang sinundan.

Dahan dahan rin akong pumasok nang kwarto at sinenyasan si Tots.

Ginawa ko ang best ko para landiin itong baby boy ko.

Kahit alam ko sa sarili ko na lalandiin ko siya, iba pa rin pala sa pakiramdam kapag kumagat na siya sa pain.

Pakiramdam ko nanlambot yung tuhod ko at parang gustong gusto kong manghina, the moment he kissed me back.

Parang daig ko pa yung na-dementor's kiss. Parang sinuck yung soul ko dun.

May the 4th Be With YouWhere stories live. Discover now