Kabanata 19 : Alas

300 38 6
                                    

Kabanata 19 : Alas

Hours Later

El Paradiso Mental Hospital


"Good evening, Doc Alex." sabi ng isang nurse sa reception Area ng makita si Alex.

Hindi umimik si Alex at deretso lang ito naglakad.

Nagtinginan ang mga nurse sa reception area sa inasta ni Alex.

"Baka bibisitahin ang ex wife niyang baliw." sabi ng isang nurse ng makalayo si Alex.

"Sigurado." napangising sabi ng isa pang nurse.

Samantalang deretso sa paglalakad si Alex papunta sa kuwarto ni Rio ng may humarang sa kanya.

"Doc, nabisita po kayo?" sabi ng nurse na ikinatigil sa paglalakad na Alex.


"Kamusta siya?"
sabi ni Alex na ikinatitig ng nurse kay Alex.


"Natutulog po Doc."
sabi ng nurse na ikinatingin ni Alex sa salamin pero nakatakip iyon ng kurtina.

"Bakit nakasara?" sabi ni Alex.


"Ayaw niya po makakita ng tao. Nagwawala po siya."
sabi ng nurse.

Hindi umimik si Alex at akmang pupunta ito sa kuwarto ni Rio ng harangan ito ng nurse.


Napatingin si Alex sa nurse na ikinangiti ng nurse.

"Katutulog lang po niya." sabi ng nurse.

"Alam kong tulog kasi sabi mo kanina, kaya nga titingnan ko kahit tulog pa iyan o gising." sabi ni Alex saka nito hinawi ang nurse pero hinawakan ito ng nurse sa braso na ikinatigil ni Alex sa akmang pagpunta sa kuwarto ni Rio.


"Doc, sabi ng resident doctor na naka-assign sa kanya bawal po daw magpapasok muna kasi under observation si Doc Rio."
sabi ng nurse na ikinakunot noo ni Alex.


"Doctor ako at kung hindi kung sino-sino lang."
sabi ni Alex saka nito inalis ang kamay ng nurse na nakahawak sa kanya at pumasok ito sa kuwarto ni Rio.

Pagkabukas ng pintuan pinagmasdan ni Alex ang kuwarto. Tipikal na private room. Wala ng nakaturok na kung anumang suero kay Rio iyon nga lang nakapulupot ang tela sa katawan nito kaya halatang hirap ito makagalaw habang nakaderetso lang ang pagkakahiga.

"Hindi pinatanggal ng resident Doctor iyong nakapulupot na tela sa katawan niya kasi nga po nagwawala siya." sabi ng nurse na sumunod kay Alex.

Hindi umimik si Alex pero naglakad ito papunta sa side table ni Rio kung saan may mga gamot na nakalagay.

"Apat na gamot po ang iniinom niya, ayon po sa reseta ng doctor na may hawak sa kanya." sabi pa ng nurse habang pinagmamasdan ang galaw ni Alex.

Kinuha ni Alex ang mga gamot na nasa side table na ikinatingin ng nurse dito.

"May problema po ba doc?" sabi muli ng nurse ng hindi naman nagsasalita si Alex habang nagmamasid lang ito sa paligid at gamit o gamot na naroroon.

Napatingin si Alex kay Rio na mahimbing na natutulog sa kama, sa ilang linggo na nakakulong ito roon halatang nangayayat ito.

"Ayaw niya uminom ng gamot, kaya po imbes na capsule ang pinaiinom sa kanya tinuturok na lang po." sabi ng nurse na ikinakunot noo ni Alex sa sinabi ng nurse.

Umupo si Alex sa kama sa tabi ni Rio saka nito tinitigan ang dating asawa.

"Iwan mo muna kami." sabi ni Alex sa nurse pero hindi sumunod ang nurse kaya tumingin ni Alex sa nurse.

Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang