Kabanata 13 : Utos ng Ikalawang Hari

240 47 17
                                    

Kabanata 13 : Utos ng ikalawang Hari

Canmore Palace

Kinabukasan


"Anong nangyayari?" sabi ni Alex ng makitang nagkakagulo sa loob ng palasyo

"May nakapasok sa loob ng palasyo, at ang sabi po doc. Isang espiya." sabi ng isang albaghaya habang nakasilip ang mga ito sa balcony ng palapag ng palasyong iyon.

"Espiya na naman? Nahuli na ba?"tanong ni Alex.

Umaga ng araw na iyon kagigising lang niya ng lumabas ng kuwarto nila ni Rio at tulad ng dati wala ang asawa sa kama nila.

"Hindi pa po nahuhuli kaya isinara ang lahat ng lagusan sa palasyo. At nakabantay lahat ng sundalo sa loob at labas ng palasyo." sabi ng albaghaya

Napasilip si Alex sa baba mula sa mataas na palapag na iyon kung saan may kuwarto ang mga albaghaya.

"Doc, alam niyo po ba kung anong nangyari sa espiya na pinugutan ng ulo?" tanong ng isang albaghaya sa mahinang tinig.

"Hindi." sabi ni Alex

"Doc, huwag kayo maingay kasi ang sabi nila balak ng espiya na nakapasok ngayon sa palasyo na kunin ang bangkay ng babaeng napugutan ng ulo. At mukhang alam ng hari na may balak ang kampo ng espiya na kunin ang katawan niya kaya naman ang katawan at ulo ng espiya ay nakalagak sa loob ng palasyo para ipain sa darating pang espiya." mahinang sabi ng albaghaya.

Napatingin si Alex sa albaghaya dati itong escort sa El Casa isa sa mga nilagay ni Aj at ibinigay kay Jan Carl.

"Saan ba nakalagay ang katawan at ulo ng espiya? Alam mo ba?" tanong ni Alex.

"Ang sabi nila sa dungeon ng palasyo, dooni nilalagay ang mga presong naging balakid sa palasyo." sabi ng albaghaya.

"Okay." sabi ni Alex saka ito sumilip uli sa balcony.

...................

Lagusan ng Palasyo

"Shit, paano ako lalabas?" hinihingal na sabi ni Aj ng makatago sa lagusan ng palasyo bago pa siya mahuli ng mga tauhan ni Amon.

"Mautak ang siraulong iyon, alam niyang darating ako." sabi ni Aj saka ito napangisi.

Napatingin si Aj sa paligid, iyon ang lagusan na dinaanan nila ng tumakas sila nila Shiloh. Makitid ang daan at halatang ginawa iyon sa panahon ng maaaring para sa giyera na magiging daan para mailigtas ang mga nasa loob ng palasyo. Makapal naman ang pagkakagawa ng mga bato kaya kahit bombahin siguro iyon mahirap masira.

"Kailangan bumalik ako sa loob, pero paano?" sabi ni Aj saka ito napaupo sa lapag habang hinihingal

Pagod na siya dahil mula ng pumasok siya wala pa siyang iniinom na tubig, ang hingal niya ay kakaiba na tila mauubusan siya ng hangin.

"Kailangan matapos ang lahat kundi mababaliw siyang tuluyan. Delikado ito kapag nakialam na sila Papa sa ginagawa ni Amon." sabi ni Aj sabay napapikit ito dala ng pagod.

...............

Cloud Nine.

Hours Later


"Hindi totoo iyan."
sabi ni Monty saka ito napaluha ng masabi ni Sebastian ang nangyari kay Peso.

"Sinusubukan ni kuya AJ kunin ang katawan o kahit ulo ni Peso pero tingin po namin mahihirapan siya kunin dahil ang espiya o ang pinugutan ng ulo ay hindi naibabalik sa pamilya nito. Tinatapon po ito na tila basura lang." sabi ni Allen.

Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : CompletedWhere stories live. Discover now