Prologo : Tila

369 38 2
                                    


(Play the theme song for this chapter)

 Prologo: Tila

Cheung Hospital, El Paradiso

Years Ago


"Lana!!!" sigaw ng isang lalaki na ikinatingin ni Rio habang pababa ito ng kotse.

"Huwag kang susuko!" umiiyak na sabi ng kasama ng pasyente na halos mabaliw ito habang duguan ang babaeng nakahiga sa kama.

Napatingin si Rio sa paligid, nagkakagulo ang mga tao sa labas ng emergency building kung saan hindi maubusan ng pasyente ang nag-iisang malaking hospital na iyon sa isla. Puno ang loob ng gusali dahil kasagsagan pa iyon ng pagsalubong sa bagong taon.

Hindi naman na bago sa kanya ang ganoong mga eksena. Paano ba naman disi otso anyos pa lang siya laman na siya ng hospital na sa murang gulang isa na siyang doctor kaya naman sa edad na twenties pangkaraniwan na sa kanya ang nakikita. Iyon nga lang sa lahat ng doctor na nakita at nakasama niya iilan lamang ang may dedikasyon sa trabaho dahil ang iba pera muna bago buhay.

Napangiti si Rio ng mapadako ang mata niya sa isang nilalang na pawisan at nakatutok lamang sa dalawang tao ang ina at ang munting buhay na sinasagip nito.

Napahingang malalim si Rio saka ito naglakad pero napahinto ito ng magulat sa nakita.

"Oh shit." mahinang usal ni Rio na natigagal sa nasasaksihan.

"Lana!!!" sigaw muli ng lalaki kasabay ng malakas na uha ng sanggol na ikinahiyaw ng lahat pero ang lalaking tinitingnan ni Rio patuloy ang paggalaw na tila wala itong kasama sa paligid dahil ang kilos ng lalaki ay nakatuon lamang sa babae at sa sanggol.

"Mabubuhay ka." sabi ng lalaki na tinitingnan ni Rio.

Ibiniga ng lalaki na isang doctor ang sanggol na inilabas nito sa nurse na katabi nito saka nito binalikan ang ina ng sanggol.

"Lana, huwag mo ako iiwan." sabi ng kasamang lalaki ng pasyente na malamang asawa ng nasa stretcher bed dahil kanina pa ito sumisigaw ng mga katagang naririnig lamang niya sa magkarelasyon.

"Lana, lumaban ka. Hindi ko kaya mawala ka." humahagolhol ng sabi ng lalaki na hindi man lang alintana ang itsura nitong putikan na halos hindi na makilala.

Naitulolos sa kinatatayuan si Rio, isa siyang doctor pero may mga pagkakataon na nagugulat pa rin siya sa mga kaganapan sa loob ng hospital tulad ngayon ang babae nasa stretcher bed ay may tama ng bala at...

"Mabubuhay ka." mahinang seryosong sabi ng doctor sabay bigay ng CPR sa pasyente na hindi alintana nito kung anong itsura ng babae.

Napatingin si Rio sa babae na ginagawan ng CPR ng doctor, malayo sa babaeng nais ng lalaki, mataba ang babae, may kaitiman at ang balat hindi makinis dala ng pagbubuntis na halos buong katawan ng babae may stretchmarks. Ang mukha nito ay malayo sa babaeng nanaisin ng isang lalaking halikan, babaeng hindi kaakit-akit at babaeng madalas pagtawanan ng lahat.

Pero heto ang doctor sa harapan niya tila bulag dahil ang nasa isip nito ay kung paano iligtas ang buhay ng babaeng wala naman halaga sa lipunan dahil ang babae...

"Itabi niyo muna iyan." sabi ng security na ikinatingin ng Rio at sa pagbaling niya ng tingin napangisi siya dahil nahihinuha na niya, ang inililigtas ng doctor ay ang mag-asawang madalas nilang makita sa bayan na nakatira sa gilid ng daan. Isa sa mga dumadaming salta sa islang iyon na gusto tumira sa mayamang lugar ng El Paradiso.

Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz