Kabanata 11 : Pagpatay sa Espiya

320 50 21
                                    

Kabanata 11 : Pagpatay sa Espiya


Napatitig si Alex kay Rio na ikinangiti ng babae sa kanya.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Rio kay Alex.

"Okay naman." sabi ni Alex saka nito niyakap ang baywang ni Rio.

"Hmmn. Magaling ba ang gamot na ginawa ko?" tanong pa ni Rio.

"Oo." sabi ni Alex saka ito napapikit ng haplusin ni Rio ang batok niya na tila minamasahe nito.

"Mukhang stress ka, umuwi ka muna kaya." sabi ni Rio.

"Ayoko." sabi ni Alex.

"Panigurado hinahanap ka na sa Cheung Hospital." sabi ni Rio.

"Gusto ko dito, katabi mo." sabi ni Alex sabay yakap kay Rio.

Napatitig si Rio kay Alex, madalas naman siya sundan nito lalo na noong nagtatrabaho siya sa Canmore telecom. Kahit na malayo ang Manila sa El Paradiso gumagawa ito ng paraan para makita siya.

"Maraming problema dito." sabi ni Rio.

"Kaya nga nandito ako sa tabi mo kasi marami problema." sabi ni Alex.


"Alex, si Amon ang may problema na hindi madali ang pagpapatakbo ng palasyo."
sabi ni Rio.

"Kaya kailangan ka niya?" sabi ni Alex.

"Oo. At ikaw kailangan mo muna magpahinga." sabi ni Rio saka nito idinikit ang labi kay Alex at masuyo itong hinalikan.

......................

Bayan

"Nandiyan na ang espiya." sabi ng isang Pinoy na umuusyoso sa naturang pagkakagulo ng mga tao sa bayan na iyon.

Napatingin si Shiloh sa paligid, dagsa ang tao sa lugar na tila nasa sinaunang panahon siya sa dami ng gusto makakita ng kaganapan. Mga barbaro na ang iba natutuwa pang makakita ng taong papatayin.

"Nasaan na siya?" sabi ni Shiloh sa sarili habang may bandana ang ulo nito at tanging mata ang nakikita. Bumili siya sa bayan ng kasuotan ng mga lalaki roon, mahabang damit na pang-muslim.

...................

Samantalang kanina pa rin nagmamasid sa bayan si AJ, hindi niya makita si Shiloh sa dami ng tao. Pero ang pinakanakapokos siya ay sa espiya na pupugutan ng ulo.

Ilang sandali lang ng may mga bumaba sa isang magarang kotse na ikinatingin ni Aj.

"Minister Jamal." sabi ni Aj sa isip ng makita ang arabong sinabing huling nakasama ni Peso saka ito bahagyang nagtago ng makita napatingin ang arabo sa mga tao na napakadami.

Kahit tiwala si AJ na hindi siya makikita kailangan niya magsiguro kahit na nga ba madami ng tao roon na halos magkakapareho ang suot hindi mo na pagkakaabalahan tingnan ang lahat.

Kilala niya ang mga ministro ng palasyo dahil minsan na siyang nagpanggap si Amon na hindi nahalata ng mga ito.

..................

Palasyo ng Canmore

"Ready ka na?" sabi ni Amon ng makita si Rio sa pasilyo.

"Oo." sabi ni Rio.

"Nasaan si Alex?" sabi ni Amon.

"Natutulog." nakangiting sabi ni Rio na ikinangiti ni Amon.

4.5 Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : CompletedWhere stories live. Discover now