Kabanata 10 : Lihim ng Reyna

285 44 15
                                    

Kabanata 10 : Lihim ng Reyna

Hours later


"Alex." gulat na sabi ni Rio ng maabutan si Alex sa kuwarto nila ilang oras na hindi ito nagpakita.

"Hello." sabi ni Alex habang nasa kama ito nakaupo, nakasandal at nagtitipa sa laptop.

"Saan ka galing?" sabi ni Rio.

"Sa bayan." sabi ni Alex.

Napatingin si Rio sa labas ng bintana gabi na ng mga oras na iyon. Ang mahabang araw sa kanya ay nagdulot ng tensyon sa lahat.

"Nagkakagulo sa labas, anong meron?" sabi ni Alex habang nakatingin ito sa laptop.

Napatingin si Rio sa asawa hindi ito nakatingin sa kanya kaya napahingang malalim siya dahil ganoon si Alex kapag may trabaho ito o nakatutok sa laptop hindi siya nito tinitingnan.

"Nahuli ang espiya." sabi ni Rio habang nakatitig kay Alex, nakapantulog na ito at tulad pa rin ng dati kalmado ito na sa lahat yata ng grupo nito ito lang ang walang iniisip na problema o parang dinadaanan lang nito ang mga pangit na nakikita nito.

"Espiya? Talaga?" sabi ni Alex.

Hindi pa rin tumitingin si Alex habang pinapakiramdaman si Rio. Nang makita niyang nahuli si Peso kanina ng isuplong ng kasama nitong arabo agad siyang nagtungo sa kuwarto. Nag-isip ng plano kung paano maililigtas si Peso.

"Oo. Hinahanap kita kaso nawala ka kanina sa event." sabi ni Rio.

"Hinihintay kasi kita, ang tagal mo bumaba kaya naisip ko hindi ka na dadalo at iyon pumunta na lang ako ng bayan." sabi ni Alex na ikinatitig ni Rio dito.

"Mag-isa ka lang?" sabi ni Rio.

"Oo." sabi ni Alex habang patuloy na nakatutok sa laptop nito.

Napahingang malalim uli si Rio, ganoon kasi si Alex masyado ito natutong mag-isa. Iniisip nga niya nasobrahan ito sa pagtuturo bilang maging independent na tao.

"Anong ginawa mo doon?" sabi ni Rio sabay lakad sa vanity desk at tinanggal ang suot na alahas.

Pasimple naman tumingin si Alex sa asawa, nakagayak ito nakasuot ng kasuotan na naaayon sa lugar na iyon at sa okasyon na nagaganap. May mga alahas itong suot at lahat alam niyang mamahaling ginto na pinagtataka niya dati pero never niya itong tinanong kung bakit may mga alahas itong mamahalin pero ngayon luminaw sa kanya na galing iyon sa hari na asawa nito.

"Naghanap ako ng mga halaman nila dito na ginagawa nilang gamot." sagot ni Alex saka ito nagpokos uli sa laptop.

Hindi umimik si Rio, maraming halaman sa bansang iyon. Mga medicinal plants na forte na gawin gamot ni Alex. Mula ng nadiskubre nito ang Love Leaf na nagpagaling kay AJ nagpokos si Alex at ang lab sa mga halamang gamot na ngayon ay ginagawa ng Love Leaf Laboratory na nasa Pinas kung saan si Alex ang Co-Chairman ni AJ.

Nang hindi umimik si Alex muli itong nagsalita.

"Maryamiyah, isang medicinal plant na puwedeng gamitin as sedative, an appetite stimulant, a blood thinner and for relief from trapped gas and indigestion." sabi ni Alex na ikinahinto sa pagsusuklay na sana ng buhok ni Rio.

Napangiti si Alex saka ito muling nagpatuloy ng mapahinto si Rio.

"Ibang katawagan ng maryamiyah ay sage, puwede itong pakuluan at gawing tsaa nakakatulong sa sakit ng tiyan, panlalamig, at pamamaga ng mga buto." sabi pa ni Alex.

Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : CompletedWhere stories live. Discover now