Kabanata 17 : Pagbabago ng Kapalaran

260 33 8
                                    


Kabanata 17 : Pagbabago ng Kapalaran

El Paradiso Mental Hospital


Nakatingin lang si Alex kay Rio, habang nasa kama ito at hindi pa nagigising mula ng mabaril ito.

"Kamusta siya?" sabi ng ama-amahan ni Rio na ikinatingin ni Alex dito.

Kasamahan ito ng tita Chhaya niya sa El Casa dati bilang escort. May katandaan na rin pero di tulad ng tiyuhin at tiyahin niya higit na ang ikinatanda ng mukha ng lalaking nasa harapan niya.

"Hindi pa po siya nagigising." sabi ni Alex.

"Hindi na niya ako dinadalaw mula ng sinabi niyang inilabas na si Strawberry." sabi ng matandang lalaki saka ito pinunasan ang luha.

Hindi umimik si Alex dahil wala naman siyang alam sa ginagawa ni Rio basta kasi magkasama sila sa iisang bahay okay na iyon sa kanya.

"Malihim si Rio, pero alam mo ba ang hindi lang niya inililihim sa akin iyong tungkol sa nararamdaman niya kay AJ. Ang sabi niya sa akin dati, nabaling ang loob ni Aj sayo ng magamot mo si Aj. Nahinto siya sa pagiging doctor at ng itago niyo siya bilang operator ng Canmore Telecom nag-simula siyang umiba." sabi pa ng matandang lalaki.

Hindi pa rin kumibo si Alex dahil hindi naman lingid sa kanya na naaasar talaga sa kanya si Rio kaya niya nga sinusuyo niya ito lalo na ng maging mag-asawa sila at naging operator ito ng Canmore telecom.

"Hindi ko akalain na aabot sa ganito. Mabait naman siya, katunayan kahit hindi ko siya anak tinuring niya akong isang tunay na ama. Magalang siya, maalalahanin kaya nga nagpapasalamat ako na kahit na hindi ako nagkaroon ng anak tinumbasan naman niya ang kakulangan ko. Naging close kami, to the point na alam niyang nagkagusto ako kay Chhaya, naging escort at minsan naging stalker ng babaeng mahal ko.

Pero minsan nagsisisi ako na sana hindi ko na lang kinuwento. Kasi kahit na hindi ko siya kadugo, pakiramdam ko nakuha niya ang pagkahumaling ko sa ina ni Aj. Na alam kong masakit kapag hindi ka pinapansin ng taong mahal mo." napaluhang sabi ng matandang lalaki.

Nakatitig lang si Alex sa salamin kung saan nakikita nila si Rio na nakahiga sa kama. Nasa isa itong kuwarto ng mental hospital sa El Paradiso, maliit na hospital lamang para sa mga baliw.

"Nagpapasalamat ako sayo kasi hindi mo siya sa Manila pinadala kundi dito, kung saan madadalaw ko siya. Alex..." udlot na sabi ng matandang lalaki na ikinatingin ni Alex dito.

"Bakit ho?" sabi ni Alex na hindi niya alam kung magagalit o tatangggapin ang lahat ng nalaman sa matandang lalaki.

".... sorry sa ginawa ng anak ko. Alam kong napilitan lang kayo magpakasal sa isa't isa pero sana huwag kang mag-give up sa anak ko. Selfish man ang sasabihin ko o sinasabi ko sayo pero sana Alex subukan mo uli unawain siya." sabi ng matandang lalaki.

"Nauunawaan ko po kayo, pero hindi ko kailangan kunsintihin ang mga bagay na mali lalo na at may mga buhay na nawala at nasaktan. Naka-stick po ako sa binitawan kong pangako sa ambisyon ko at iyon ay pangalagaan ang buhay na bigay ng Diyos. Masakit man pero gusto ko tahakin ang daan na alam kong hindi ako matutulad sa kakambal ko." sabi ni Alex na ikinaluha ng matandang lalaki.

"Okay. Gagalangin ko ang desisyon mo. Pasensya ka na ulit." sabi ng matandang lalaki saka nito pinunasan ang luha.

"Sorry." sabi ni Alex na ikinangiti ng matandang lalaki.

"Ang ilog ay dumadaloy papunta sa dagat. Malayo at mahaba ang tatahakin ng tubig pero sa huli umiikot lang ito at babalik sa kung saan nagmula.

Ang sabi ng nanay ko sa akin dati kaya River ang pangalan ko kasi tulad ako ng ilog, at kaya naman Rio ang pinangalan ko sa anak ko dahil para sa akin tulad siya ng ilog Grande sumakto sa pangalan niya na alam ko darating ang araw ang tubig ay babalik kung saan ito nagmula." sabi ng matandang lalaki na ikinahingang malalim ni Alex.

4.5 Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : CompletedWhere stories live. Discover now