Kabanata 14 : Ulo ng Espiya

347 47 22
                                    

Kabanata 14 : Ang Ulo ng Espiya

Mental Institution, Bansa ng mga Canmore

"Nasaan ako?" sabi ni Aj ng magising siya sa isang kuwarto. Tumayo si Aj pero nagulat ito ng makitang nakatali ang mga paa niya.

"Oh shit." sabi ni Aj ng ma-realize kung nasaan siya dahil ang suot niya ay puti at mahabang damit na may logo ng hospital ng mga baliw sa bansang iyon.

....................

Canmore Palace

Kinabukasan

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Alex ng makita si Eye.

"Isa itong malaking balita, ang asawa ko pinakulong mo." sabi ni Eye kay Alex.

"Huwag mong ipagkakalat ang nagaganap sa palasyo kung hindi..." sabi ni Alex.

"Ano? Ipapapugot mo ang ulo ko? Huh! Kung kaya mo." sabi ni Eye.

Napatiim ng bagang si Alex dahil hindi niya akalain na malayang nakakapunta si Eye sa palasyo.

...............

Manila

"Buksan natin ang tv bilis." sabi ni Umiko sa mga pinsan saka nito mabilis na binuksan ang tv.

"Ang kilalang business tycoon na si Amon Valiente ay ngayon ay nakakulong sa isang mental institution sa bansa ng mga Canmore. Ang kakambal nitong si Doctor Alex Valiente ang nagpakulong sa hari ng Canmore Palace, habang siya ang pumalit sa trono.

Ang kaso na inihabla ng nakaupong hari ay ang pagtangkang pagpatay ni Amon Valiente kay Aj Valiente na ngayon ay nasa hospital at nagpapagamot.

Ang susunod na kaganapan ay muli ko ihahatid para sa kompleto at makatotohanang ulat. Ito si Eye Hamilton ang inyong mata sa makabuluhang balita."

"Oh Shit! Inulat niya iyong asawa niya. Timang din eh 'no." sabi ni Haco na hindi makapaniwala sa ginawa ni Eye.

"Hindi niya naisip na isa itong lamat sa grupo natin." sabi ni Raven.

...................

Hospital, Bansa ng Canmore

Weeks later

"Kamusta?" sabi ni Alex kay Aj ng magising ito.

"Okay lang." sabi ni AJ saka ito napatitig kay Alex.

Lumapit si Alex saka ito umupo sa kama.

"Mga daplis lang ng bala ang nagawa ni Amon." sabi ni Alex kay Aj.

"Malakas na ang tama niya kaya siguro daplis lang ang mga tinira niya sa akin." sabi ni Aj.

Napakunot noo si Alex dahil ang totoo nag-iisip siya sa nakalipas na mga linggo na nagdaan habang nasa hospital si Aj at si Rio at siya ang gumagamot dito.

"Salamat sa tulong mo." sabi ni Aj saka ito napangiti na ikinatitig ni Alex dito.

"Arhhm." tikhim ni Rio ng bumungad ito sa pintuan ng kuwarto ni AJ.

Napatingin ang dalawang lalaki kay Rio na ikinangiti ng babae.

"Tuloy ka." sabi ni Aj na ikinatingin ng pasimple ni Alex kay AJ.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" sabi ni Rio sabay hawak sa kamay ni AJ na ikinatingin ni Alex sa kamay ng dalawa.

"Okay na ako. Salamat sa paggamot sa akin." sabi ni AJ na ikinabaling ng tingin ni Alex kay AJ.

Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz