Prologo 2 : Hindi Ko Kaya

407 54 4
                                    

(Play the theme song for this chapter)

Prologo 2 : Hindi Ko Kaya


"Halika na, umuwi na tayo." sabi ni Alex kay Rio sabay hawak sa kamay ng asawa.

Nagpatianod si Rio palabas ng ward pero ilang sandali lang pumasok ang ibang tauhan ni Alex na may dalang Jollibee foods.

"Binili mo?" sabi ni Rio kay Alex.


"Sahod ko ngayon at sakto para sumaya ang mga pasyente at may discount iyan galing kay Luna."
sabi ni Alex.

Hindi umimik si Rio dahil ganoon si Alex hindi nito sinasabi sa kanya ang mga ginagawa nito.

"Ayos ha. Hindi ka nag-iipon?" birong sabi ni Rio dahil alam naman niyang kahit sumasahod si Alex sa kompanya may kita ito sa Cheung Hospital dahil ito ang may-ari.


"Hahaha! Ang sahod ko ay para sa mga pasyente ko."
natawang sabi ni Alex habang naglalakad na ang dalawa sa hallway magkahawak kamay.

"Anak mo? Pamilya?" sabi ni Rio na ikinatawa ni Alex

"Oo, kasi bahay ko ito." sabi ni Alex na natawa.

Napangisi si Rio dahil sa ilang taon na pagssama nila ni Alex nakaikot ang mundo nito sa Cheung Hospital lalo na ng mapasakamay nito ang mana nito.

Napahinto naman sa paglalakad si Alex sabay tingin sa asawa at napangiti ito ng makitang nakakunot noo si Rio.

"Ito ang buhay ko, masaya ako dito. Masaya ako na nakikita ang mga pasyente ko. Sila ang pamilya ko, at ito ang pangarap ko. Ang matagal ko ng ambisyon na nakuha ko ng dahil sayo...

... kaya salamat." nakangiting sabi ni Alex sabay yakap kay Rio na ikinahingang malalim ni Rio.

Natahimik naman si Alex pero napangiti ito ng maalala ang mga taon na nagpahinga si Rio bilang doctor.

...................

Alex POV

Canmore Telecom

Years ago

"Third floor." sabi ni Alex sa operator na ikinakunot noo ni Shaira sabay tingin kay Rio.

"Walang third floor." sabi ni Rio na ikinangisi ni Alex ng makitang bad trip ang asawa niya dahil iyon ang unang mga buwan nito sa kompanya ng doon ito ilagay ni AJ para itago.

"Meron." sabi ni Alex.


"Wala."
sabi ni Rio.

Napangiti si Alex sabay tingin kay Shaira ang bagong empleyado sa Canmore telecom.

"Hi." nakangiting sabi ni Alex kay Shaira.

Napangiti si Shaira dahil bata pa ang lalaking nasa harapan niya, nakasuot ng puting damit na ultimo sapatos nito at sumbrero ay puti rin. Iyon nga lang ang sunglases nito ay kulay itim na tumatakip sa mata nito kaya hindi niya masipat kung sino ito o kung saan niya nakita.

"Hello." sabi ni Shaira


"Bago ka?"
sabi ni Alex sabay sandal nito sa elevator habang umaandar na iyon paakyat sa pinakatuktok ng gusaling iyon sa Makati.

Napatingin si Rio ng marinig ang pagring ng cellphone ni Alex pero dahil nakikipaglandian pa ito kaya mukhang hindi nito naririnig o nararamdaman ang cellphone nito.

4.5 Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : CompletedKde žijí příběhy. Začni objevovat