Kabanata 9 : Pagtuloy ng Plano ng Hari

279 39 10
                                    


Author's Note

Ask ko lang po kung sino po nasa Kuwait ngayon nagtatrabaho?

..................

Kabanata 9 : Pagtuloy ng Plano ng Hari


"Puwede ba iyan sa kanya?" sabi ni Shiloh na nag-alala dahil buntis ang babae na tuturukan ni AJ.

"Oo naman. Bakit wala ka bang tiwala?" sabi ni Aj na natawa dahil sa unang pagkakataon kinuwestiyon siya ni Shiloh.

"Meron kaso..." udlot na sabi ni Shiloh.

"Baka mamatay iyan, hindi ka naman doctor." sabi ni Keon na nakatingin na kay AJ at muli naawa ito ng makita sa liwanag ang katawan ni Katara.

"Kahit hindi ako doctor, gumagawa ako ng gamot kaya alam ko ito." sabi ni Aj.

"Paano kung magkamali ka?" sabi ni Sebastian na iwas pa rin ang tingin kay Katara.

"Edi patay. Hahaha!" natawang sabi ni Aj.

"Walang nakakatawa." sabi ni Keon.

"Tsss! Huwag kayo mag-alala hindi ito masamang gamot" sabi ni Aj saka nito tinurok ang gamot kay Katara.

"Bakit kaya ginawa iyan ni kuya Amon?" sabi ni Shiloh habang nakikiramdam sa ginagawa ni Aj.

"Baliw kasi." sabi ni Noah.

"Hindi." sabi ni Aj.

"Anong hindi? Ang sabi ni Periwinkle sa akin may lahi kayong.. ahhmm alam niyo na." sabi ni Noah na ikinatingin ni Aj dito.


"Sinabi na pala sayo ng pinsan ko na may lahi kaming baliw, so bakit ininsist niyo pang itanan at balak niyo pang buntisin?"
sabi ni Aj na ikinatahimik ni Noah at mga kapatid nito.

Napangisi si Aj saka ito tiningnan si Katara

"Kailangan maitsek si Amon mukhang may tini-take siyang gamot na hindi niya alam na nakakalala sa kanya." sabi ni Aj.

"Anong ibig mong sabihin? Bangag siya?" sabi ni Ezekiel.

"Napag-aralan ko ang sakit ng angkan namin. Nakakatakot kung hindi maagapan at nakakatakot kung hindi mo alam kung paano mo gamutin ang sarili mo." sabi ni Aj na ikinatingin ni Shiloh dito habang si Aj kinakapa ang katawan ni Katara na tila may tinitingnan ito roon.

"So, tingin mo umiinom siya ng gamot ng hindi niya alam ang resulta sa kanya? Huh! Kaya pala siya galit sayo dahil tanga ang tingin mo sa kanya. Siguro naman hindi siya tanga para uminom ng gamot basta-basta." sabi ni Allen kay Aj na ikinangisi ni Aj.

"Iyon ba ang tingin mo sa akin na tingin ni Amon?" sabi ni Aj

"Sa pagkakasabi mo parang maliit nga ang tingin mo sa kanya. Ang alam ko naisara ang Emperio ng dahil sayo at pumayag si Amon kahit na siya ang may hawak." sabi ni Allen.

"Kaya tingin mo nagkaroon siya ng sakit ng dahil sa akin. O tingin mo hindi matanggap ni Amon ang naganap na tila inutakan ko siya?" sabi ni Aj habang kay Katara pa rin ito nakatingin.

"Ang Stem na ang sabi ni King Jan Carl sa mga Prinsipe nais niyang kumuha ng babae sa Casa at isasara niya ang deal sa Stem pero natunugan mo ito kaya para hindi malugi ang Stem kaya gumawa ka ng paraan." sabi ni Allen.

Doctor's Love : 4th Gen. Series #5 : Alex and Rio : CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang