Bali-balita ko kasi ay hindi naman daw sila pala-pasok magbabarkada. Madalas umaattend lang kapag exams or may long quizzes.

"Hi! Tony Timothy Carlos nga pala, you can call me Tots but I prefer if you call me yours" banat ni Tots kay Ced sabay kindat

"Hi, Jho. May Band aid ka ba?" biglang tanong ni Bei

"Huh? Nako wala akong dala dito, Why? Are you hurt?" nag aalalang tanong ni Jho 

"Nahulog kasi ako... Nahulog ako sa'yo." sagot nitong buang kong kaibigang si Bei sabay kindat 

"Sheesh Men! Sheesh!"  gatong ni Tots

"Brylle Alexander De Leon nga pala. Bei for short, pero pwede rin namang BEI-by mo." dagdag ni Bei sabay halik sa kamay ni Jho

Sina Jho at Ced naman hindi ko alam kung kinikilig o mapipikon sa kakornihan nitong dalawang to. 

"Mabiro pala itong mga kaibigan mo, Ponggay." sagot ni Ced

"Nako, pag pasensyahan niyo na yang mga yan, kaya nga itong baby boy nang tropa namin hindi masyadong nag sasa-sama samin mag Bar eh, nato-trauma sa pambababae nitong mga to" sagot ni Ponggay sabay akbay sakin, maka baby boy naman tong bruha na to.

"Uy, Pongs wag mo naman kami siraan, baka maniwala sila niyan" depensa ni Tots

"Anong sinisiraan? Nagsasabi lang ako nang facts noh!" sagot ni Ponggay

"Sige, Pongs. Maglakad ka na nga lang pala mamaya pauwi ha" bulong naman ni Bei 

"Ah, joke lang pala yon, mga besh. Matitino tong mga ito. Kahit nga laging tinitilian sa School yang mga yan, never nila pinatulan yung mga babaeng nagkakandarapa sa kanila eh. As in, dedma!" pagbawi ni Pongs, natawa na lamang itong mga babaeng nasa harap namin dahil sa obvious na pagsisinungaling ni Pongs. 

"Tara na nga, dalhin namin kayo sa VIP Room na request nang bebe Carly namin para sa bebe niya" wika ni Jho sabay tawa nang malakas

Sumunod na lang kami sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa isang VIP Room. 

"Oh ayan Dean ha. Para hindi ka nabobother nang pagba-bar. Pwede naman kasi yung ganito" sabi ni Ponggay. 

Nang maupo sina Jho at Ced ay mabilis na umupo sa mga tabi nila itong mga mokong kong kaibigan. 

Naupo na rin ako at tumabi sakin si Ponggay. Nakita kong pasimple niya pang pinilit si Carly na umupo sa tabi ko. 

Napansin kong nahihiya ito kaya nag alok na lang din ako, nakakahiya naman kasi inimbita lang naman kami dito

"Ah, Carly dito ka na oh" alok ko sabay tapik sa bakanteng pwesto sa kaliwa ko

"T-thank you, Dean" nahihiyang sagot ni Carly saka umupo sa tabi ko

"Teka, nasaan na nga pala yung bruha niyong frenny? Bakit wala pa rin dito hanggang ngayon?" tanong ni Ponggay

"Kanina ko pa nga tinatawagan, hindi ma-contact. Hindi na nakaattend nang Opening Ceremony. Alangan namang ihold ko pa dahil wala pa siya, nakakahiya naman kay Father saka sa mga guests na umattend. Kaya pinagstart ko na kahit wala siya. Nagtext na lang din ako to inform her. Tignan niyo, hanggang ngayon wala pa dito" kwento ni Jho

"Hay nako Jho, Pongs, alam niyo naman yon. Si better late than never" naiiling na sagot ni Ced kay Ponggay at Jho. 

Napahawak na lang sa sentido si Jho dahil sa pagkadismaya sa kanilang kaibigan na hanggang ngayon ay MIA.

May the 4th Be With YouWhere stories live. Discover now