THE UNKNOWN DEATH

12 2 0
                                    

FARAH'S POV

Nakarating na kami sa court ng eskwelahan namin. Madaming mga estudyante dito at sigurado akong pinag-uusap nila ang tungkol sa nangyare kagabi. Hindi pa ito alam nila Prae.

"diba wednesday pa ngayon? bakit may flag ceremony? may nangyare na ngang hindi maganda kagabi"

"ang pagkakaalam ko sa monday iyon gaganapin."

"Natatakot na ako ah, may flag ceremony kahit may hindi magandang nangyare kagabi"

"Parang wala lang sa kanila ang nangyare, e kahit ako ayokong makita iyon iw"

"Hindi ko rin alam, ngunit sa pagkakaalam ko ay may iaanunsyon ang ating principal tungkol sa duguang katawan sa likod ng library."

iba't ibang usapan ang narinig ko mula sa ibang seksyon. Hindi kaya mula ito sa seksyon namin? kulang pa naman kami ng isa doon kahapon, hindi lang nila napansin. Pero imposible, hindi pa naman nakikilala ang namatay dahil sa durog na durog nitong mukha.

Bumalik ako sa realidad. Ito na siguro ang Principal ng school na 'to. Nasa stage na siya at may hawak na papel sa kaniyang kamay. Binasa niya ito at inanunsyon.

"Magandang araw mga mag-aaral, nandito ako para inanunsyo ang mangyayareng flag ceremony ngayon. Napansin ko kasing hindi tayo nag flag ceremony nung monday. Kaya ihanda niyo ang sarili niyo at bumalik agad sa class niyo pagkatapos nito, yon lang maaari na kayong mag simula."

Nagsimula na nga ang flag ceremony ngunit hindi man lang inanunsyo ang nangyari kagabi. Sa page pa nila ito pinost, hindi ko rin alam pero dalawa ang page ng school na 'to. 'yong isa ay may 9.5M na likes habang 'yong isa naman na nagpost ng nangyare kagabi ay nasa 600+ lamang.

Sinubukan kong istalk 'yong page na 600+ lamang ang likes puro babala ang mga andon, maging maingat sa lahat ng oras, huwag magtiwala kahit kanino, kahit kaibigan mo pa ito etc.

"hoy Farah, halika na. Baka mahuli ka pa ng Principal," bumalik ako sa realidad dahil sa sigaw ni kiegh.

"ah... ha?.... S-San na tayo?" utal kong saad.

"Bumalik na nga tayo, mahuhuli na tayo sa first subject natin," dali-dali kaming nagsitakbuhan patungo sa room namin.

Ngunit walang guro na nakasalubong namin.

"Tagal niyo namang nakabalik porket walang guro, san kayo galing?" tinuunan ko ng pansin si Lirhu, kahit kailangan talaga ang suplado nito.

Nanatili pa rin akong tahimik. Nagmamasid sa paligid na para bang ayos lang ang lahat. Hindi ko alam kung ako lang ba ang kinakalabutan sa school na ito. Ayoko ring sabihin kila Prae, baka ano pang isipin nila.

"Hoy!"

"ahh! Ano ba?! Problema mo?!"

"ano bang ginagawa mo dyan?"

"wala, nagbabasa ng libro"

"talaga? tingin nga."

"arhh, ano ba!"

"gusto ko lang naman din basahin mga binabasa mo"

"maghanap ka ng iba"

"ang lalim ng iniisip mo, ah? may problema ba?"

"ikaw ang problema ko," sinira ko ang librong binabasa ko sabay alis sa unuupan ko.

buset talaga na Lirhu 'yon. Hindi nga kami close pero umasta parang nagkausap na kami.

"ah...Farah pasensya na. Akala ko k-kasi— ah... HAHAHA wala sige balik ka na sa pag-aaral mo," rinig ko pa rin ang sinabi niya kahit nasa malayo na ako.

Revealing the Mysteries of High School (novel) Where stories live. Discover now