CHAPTER 2: FRIENDSHIP BUILT

8 2 0
                                    

LIRHU'S POV

Papunta ako sa room 12 1/6 balak ko kasing kumain doon. For sure wala pang mga estudyante dahil 11 : 21  am pa lamang.

Habang nasa pituan pa lang ako ay kita ko na si Pran na natutulog. Bakit dito siya sa room natutulog? wala ba siyang dorm.

"Anong tinitingnan mo dyan Lirhu?" Nabigla ako sa narinig ko. Hindi naman pala siya natutulog. Ngunit paano niya nalaman pangalan ko?

"kakain ako dito," simpleng sagot ko na lamang.

Hindi ko na siya pinansin pa at kumain na ako sa paborito kong fried chicken. Maya-maya pa ay pumasok si Lorhen ang bussiness manager sa class namin.

"Nandito pala kayo, balak ko sanang maglaro dito pero aalis naman ako baka maestorbo ko kayo" sambit niya at umalis ngunit agad ko siyang pinigilan.

"Teka, okay naman sa akin since lunch break naman, ewan ko nalang kay....?" tinanong ko ang pangalan ni Pran baka magtaka kapag nalaman ko.

"Pran" sambit niya.

"Hindi mo ba nakita at narinig pangalan ko kaninang umaga habang nag e-elect ng officers?" Dagdag niya pa at tumayo siya papalapit sa akin.

oo nga pala, ang slow ko.

"oh chill, chill lang tayo mga pre." Sambit naman ni Lorhen.

"hindi naman kayo mabiro, sa totoo lang natatakot at nahihiya ako sa inyo pero dapat cool lang ako" -Pran

bumilis ang tibok ng dibdib ko, hindi dahil natatakot ako kundi gusto kong makipag-kaibigan sa kanila. Mabait naman pala ito.

"Ako rin naman pero mas gusto ko talagang maglaro dito," -lorhen

"Ikaw Lirhu?" tanong sa akin ni Pran.

"Wala, kahit ano" sagot ko at patuloy parin ako sa kinakain ko. Mas mabuting maging cold ako.

LURHOV'S POV

Ang attitude ng babaeng iyon. Kiegh pala pangalan niya pero inaamin ko. Ang ganda niya at mukhang matalino pa pero ang sungit niya talaga.

Papasok ako sa class 12 1/6 may gusto kasi akong tingnan doon dahil simula pa kanina ay nakaramdam na ako ng kakaiba.

Narinig kong nag-uusap ang tatlo. Sa tingin ko ay may kakaibang ginagawa rin itong tatlo. Sa tingin ko planado ang lahat. sinubukan kong pinakinggan ang pag-uusap ngunit nahuli nila ako.

"Labas kana dyan Lurhov, alam naming nandyan ka kaya sinadya namin ang pag-uusap namin," sambit ni Lorhen at nagsitawanan silang tatlo.

Kaya lumabas na ako sa pinanggalingan ko at umupo katabi nila. "anong sinadya? sinadya ko rin naman na nakikinig ah" kamot noo kong saad nagiisip lang siguro ako ng kung ano-ano.

"Oh nga pala, since nandito naman tayong apat ano ba ang pag-uusapan natin para maging maayos ang seksyon na ito?" tanong ni Pran sa amin kaya nag-isip kami bigla.

"Mag lagay kaya tayo ng CCTV dito? mukhang lahat may cctv maliban nalang dito" sambit naman ni Lirhu at tumingin ako sa paligid, wala nga talagang cctv dito.

"Saan naman tayo kukuha ng pera?" tanong ko sakanila ngunit napansin ko si Lorhen na kanina pa may tinitingnan.

"edi syempre saan pa, edi sayo," -Lirhu

"ha? bakit naman sakin?  alam mo naman na wala akong.... ah ahhhhhh dahil ako ang treasure" napagtanto ko na ako nga pala ang treasurer ng class na ito.

*ringgggg!!! ringgggg!!! ringggggg!!!

start na pala ng klase, halos isang oras kaming nag-usap nilang tatlo. Dali-dali kong inayos ang sarili ko at umupo na kaming lahat sa upuan.

Ngayon ko lang din napagtanto na nandito na pala lahat ang kaklase namin. Maliban nalang sa lalakeng nakaitim kanina, ang weird niya.

Revealing the Mysteries of High School (novel) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum