The Three Major Gods

Start from the beginning
                                    

I felt a surge of energy coming through my veins to every part of my body.

"Feel and let that energy run throughout your body. Let it explore more its vessel."

Ramdam ko ang mabilis na pagragasa ng enerhiya sa buong katawan ko. Hindi siya masakit kahit pa medyo mainit ito sa pakiramdam.

"You, the vessel of that energy, clean your heart and soul. Be worthy. Prove that you are worth that energy's vessel."

Wala sa sarili akong napahinga ng malalim. Ang kaninang mabilis na tibok ng puso ko ay unti-unti nang bumabalik sa normal at tila ba nakikisabay sa umaagos na dugo at enerhiya kong naglalakbay ng patuloy tuloy sa buong katawan ko.

"Let it flow and be one with you."

Lalo kong naramdaman ang enerhiya o revee kong ngayon ay nakikiisa sa aking puso at kaluluwa.

"If you already feel it one with you, open your eyes slowly and let it out." So we did.

Napasinghap kami sa nakikita. Hindi bago sa amin ang makita ang aming enerhiya o revee dahil matagal na namin itong ginagamit pero kakaiba ito ngayon. May kakaibang kinang ito na imbes na maubos ang lakas namin, para kami nitong hini-heal.

"Chrish!" Narinig naming sigaw nila sa likod. Nasa harapan kasi ako nakaupo kaya kailangan ko pang lumingon para malaman ang sinasabi nila.

Napalaki ang mata ko sa nakikita. Si Nadine, gold na gold ang kulay ng mata pati buhok tapos yung revee niya ay walang kulay pero kakaiba ito lalo na ang kinang nito.

Para itong walang kulay na kumikinang na apoy na parang tubig na parang hangin na parang mineral na galing sa lupa. It's like the whole galaxy is in her hands right now.

Pilit naming ginigising ang diwa niya pero wala itong epekto sa kaniya.

"Huwag mong hayaang lamunin ka ng iyong enerhiya. Reign over your revee, young lady. Be superior over it." Pinalayo kami sa kaniya at hinayaan siyang harapin ang kaniyang sariling kapangyarihan.

Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo, Chrissiane Nadine Monte? Sino ka ba at ano ang kahulugan ng enerhiyang iyan?

Pilit na pinapakalma ni tito Don si Nadine hanggang sa unti-unting nawala ang kakaibang klase ng revee niya pati ang pag-glow ng mata niya. Bumalik siya sa dating pagkakapikit at natumba siya sa kaniyang pwesto. Sinalo naman siya agad ni tito Don saka binuhat na dinala sa loob ng palasyo papunta sa kaniyang silid.

May iba pang mga silid dito na tinuro nila tito Zeus pero nakiusap kami kung pwedeng sa iisang kwarto na lang kaming lahat dahil gusto naming bantayan at alagaan si Nadine. Pumayag naman sila kalaunan saka gamit ang kanilang kapangyarihan ay pinalaki ang kwarto ni Nadine para kumasya sa aming lahat at naglagay na rin sila ng mga higaan na kakasya sa aming lahat. Tig-iisa sa amin.

"She lost consciousness due to exhaustion. Her stamina is still weak. As soon as she wakes up, we'll train you all how to strengthen your immune system and stamina as well as your endurance. Be ready." Pagpapaalam sa amin ni tito Don saka kami isa-isang tiningnan.

"You did a job well done today. For now, take your rest." Iniwan na muna nila kami dahil may pag-uusapan pa daw silang importante. Naiwan naman kami sa kwarto para mag-ayos at magpahinga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Revee Academy (On-Going)Where stories live. Discover now