Bigla kaming napatakbo palabas at ganun na lang ang pagkabigla namin nang makita ang rumaragasang tubig mula sa dalampasigan na patungo rito sa academy!

"King Poseidon's furious."

Agad napatakbo pabalik sa headmaster's office sila Craige habang kami naman ni Sophie ay pinipilit na kontrolin ang tubig na paparating sa academy. Ginagamit ni Sophie ang natitira niyang lakas para kontrolin ang dagat habang ako naman ay gumagawa ng matibay na sea wall gawa sa kapangyarihan ko.

Nang matapos ang paggawa ko ng sea wall ay napatakbo naman kami papuntang headmaster's office para makibalita sa nangyayari. Doon ay nakita namin ang galit na galit na King Poseidon habang nasa sulok naman ang isang takot na takot na black revee. Wala si Headmaster Klein.

"I will repeat. Where the f*ck is Klein?!" Anong?

"Nalaman ni King Poseidon na nawawala si HM Klein at isang impostor itong isang ito na isa palang black revee." Bulong sa amin nila Iron na kinasinghap namin. Kaya pala!

"Hindi niyo na siya makikita---" Hindi na nito natapos ang sasabihin ng bigla itong maging abo.

Napalingon kami sa likod namin at nandoon si HM Klein na nanghihina at akay akay ni Azure at ng isang matandang babae na may puting buhok at naka-hood.

"Bring him to the infirmary. I'll talk to the king." Aniya ng matandang babae na ikinatango ni Azure saka nawala sila sa harap namin.

"Who are--" hindi na natapos ni Craige ang tanong niya nang magsalita si King Poseidon.

"Delphi." Gulat na napalingon kami kay King Poseidon at sa matandang babae sa harap namin. Siya ang Oracle?!

She will be back,
And she's back.
Death will constantly come for her.
Getting back her retributions.
The lost greatest child.
Will conquer everything she deserves.
This is not the last but just the beginning.

Watch out.
Find the foe, fear it.
She's soon be awakened.
And she'll be back.

"Mananatili ako rito hanggang kailangan niya ako." Aniya pagkatapos ng mala tula niya kanina.

Napakapit ng mahigpit sa akin si Jacky at nakita kong napapikit at napahawak si Wind kay Sophie bago siya tumingala sa amin at sabay sila ni Jacky na puting-puti ang mga mata at nangatog kami sa sinabi nila.

The forgotten will be back.

Reclaiming what they've lost.

Unfolding the secrets,

That's long been hidden.

Beware. Be aware.

Lies will be shattered,

Peace or truth?

The start of an end.

Or

The start of the beginning?

"The other part of the prophecy." Aniya ni Senora Delphi.

***

Nasa infirmary kami ngayon at naghihintay sa resulta tungkol sa lagay ni headmaster. Kanina pa namin kinakausap sila Clea pero nakatulala lang sila habang naluluha. Wala rin dito sila Chrysler at Azure.

Revee Academy (On-Going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum