02

36 2 0
                                    

"HOY SKYLEIGH! KAPAG HINDI KA PA BUMANGON DIYAN, KUKURUTIN KO SINGIT MO!"

"Ang aga aga ingay mo dix, nakakaistorbo ka ng tulog. Anong oras na ba?"

"Letche kang babae ka, 8:00 na!"

ANO?! GANON BA TALAGA KALALIM TULOG KO.

Natulak ko pa siya ka kakamadali ko, ngayon lang ako nakaligo ng 10 minutes, nagsuot na lang ako ng black slacks at white shirt. Muntik pa nga makalimutan ang id, lagot talaga kay miss sungit nito.

"TARA NA!" Sigaw ko kay dix habang pababa ako ng hagdan.

"Hindi ka kakain?"

"Makakakain pa ba ako sa lagay na 'to? Sige nga subukan mo para ma bilib ako sayo."

Late na nga pinapakain pa ako! Baka pagdating ko sa klase ako pa ang maging pagkain niyan!

"Hoy! Dahan dahan naman sa pagmamaneho, makikita natin si Lord ng wala sa oras eh."

Hindi ko na lang siya pinakinggan at nagmaneho na lang ako. Pagdating sa uni, bumaba agad ako at binato kay dix ang susi at tumakbo.

Okay ito na, hinga muna malalim bago katok. Tinignan ko ang oras, LETCHE!! 30 MINUTES LATE! PATAY.

"Ms. Garcia, natulog ka na nga kahapon sa klase ko at nagawa mo pang malate!"

"Sorry ma'am! Ang sarap kasi ng tulog ko."

"Kasalanan ko pa 'yon Ms. Garcia?" Oo ma'am, kasalanan mo 'to eme.

"Oo ay hindi heheheh."

"Maghantay ka riyan sa labas, hanggang matapos ang oras ko sa klase niyo."

Pinagdabugan pa nga ng pinto, sarap sapakin eh, ng kiss. Natapos na ang klase niya kaya makakapasok na ako, YES! Bago pa talaga makaalis nagawa pa akong tignan at inirapan. Problema nito?

"Pumunta ka sa office ko mamaya." Para namang ginawa kong tambayan office ni ma'am niyan. Di bale masarap tumambay may aircon.

Tapos na ang klase at break time na, bigla kong naalala na pupunta ako sa office ni ma'am. Ba't pa kasi kailangang pumunta kung siya naman may kailangan saakin. Kumatok muna ako at pumasok.

"Hi ma'am!" Maligaya kong bati sakanya, pero biyernes santo ang mukha.

"Sit." Ay aso ang ganap ko rito? Umupo na lang ako at pinanood siyang may kinukuha.

"Ba't ka may sugat?" Weird nito ni ma'am, ano pa ba siyempre nadapa.

"Secret." Baka masabihan pang tanga eh.

"Nagsisimula ka na naman garcia."

"Alangan naman pong tapusin ko agad eh hindi pa nagsisimula heheheh."

"Lumayas ka na, ito gamutin mo sarili mo at umalis ka na rito." Sungit talaga nito.

"Alam mo ma'am ang sungit sungit mo, pinaglihi ka po ba sa sama ng loob?"

AYAN NA NAG TRANSFORM NA SA TIGRE.

"UMALIS KA NA GARCIA."

Alis daw eh, edi aalis.

Pumunta ako kay dix sa cafeteria at doon ginamot sarili ko. Kung si ma'am nakakarindi dahil tahimik, siya nakakarindi kasi ang ingay. Tanong nang tanong kung bakit nagkasugat, mga tao talaga ngayon hirap intindihin. Alam naman nila kung bakit nagkakaganon.

"Ay oo nga pala, anong oras ka na nakauwi kagabi? Sino naghatid sayo?"

"11pm, friend ko naghatid."

"11? WOW WALA KANG TASK NA GAGAWIN AT NAGAWA MONG UMUWI NG GANYANG ORAS. HINDI MO PA PINAABOT NG MIDNIGHT HA." Sumbong ko 'to kay tita eh.

"Please langit 'wag mo akong sumbong kay mama, nagmamakaawa ako huhuhu."

Alam ko na. Mukhang masaya 'to.

"Sige pero! Bukas mag grocery tayo, wala ng laman ref natin hoy! Pero sa'yo lahat ng gagastusin." HAHAHAHAHAHHA.

"UNFAIR!"

Oopen ko lang phone ko pero ito si tanga nagpauto.

"FINE!"

Natapos na ang klase, hinahantay ko si dix dito sa parking lot at biglang may nagsalita.

"Sino pang inaantay mo Ms. Garcia, boyfriend?" Si sungit lang pala.

"Oo ma'am, bakit selos ka?" Sarap pa naman asarin nito.

"What? Kung ano ano na lang iniisip mong bata ka." wow maka bata ha, medyo na hurt mga 99.9%.

Tinignan ko na lang siya pumasok sa tsikot niya at pinaandar.

"Langit!" Hays magtitiis na naman sa ingay, save me Lord.

Rainbow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon