26

10 1 0
                                    

"Meron na namang flower sa labas, mapupuno na 'yong bahay natin ng flowers. Lagot ka kay ma'am reyes kapag nalaman niya." Hindi pa rin pala niya alam, isang linggo na siya nagbibigay ng flowers ah.

Wala akong kiss ng isang linggo! Paano ko nakayanan 'yon? Sumunod lang naman ako sakanya. Hanggang hindi ko pa raw siya sinasagot, hindi niya raw ako hahalikan, nirerespeto niya raw ako.

MINSAN GUSTO KO NA SIYANG SAGUTIN.

Alam na alam niya talaga 'yong gusto kong flowers. Ang bango pa, bukod sa flowers may ibinigay siya saakin na teddy bear. Yakapin ko raw para maisip ko na siya 'yon, hindi niya rin kasi ako tinatabihan kahit dito siya natutulog.

"Sino ba 'yan ha? Nako! Kapag nalaman talaga 'yan ni ma'am." Andaming sinasabi, hindi na lang siya kumain nang kumain diyan. Kapag sinabi ko sakanya 'yan, mabibilaukan siya. Kaya 'wag na lang, baka kung ano pang mangyari kay den.

To: Bebe girl

Hi ma'am! Punta ako sainyo?

Wala pang isang minuto nagreply agad siya, akala ko hindi pa siya magrereply. Marami pa kasi siyang ginagawa, kaya nga minsan naiinis ako. Pumupunta talaga siya rito para magdala ng flowers, umaga ha. Baka nga wala pa siyang tulog. Kagaya na lang kanina, may pasok bukas siyempre gagawa siya ng lesson plan. Inuna pa 'yong pagdala ng flowers. Well kinikilig naman ako at masaya sa mga efforts niya.

From: Bebe girl

No. Ako pupunta.

Hindi rin namin alam kung anong gagawin naming ngayong araw, pero ang balak ko sa park kami. Dadalhin ko ang gitara ko. May stickers na 'yong gitara ko, pinasadya ko pa 'to. Picture naming dalawa ni ma'am.

Umakyat muna ako sa kwarto para maligo. Simpleng black baggy pants at white top ang suot ko. Binitbit ko naman 'yong gitara tsaka bumaba. Hinintay ko na lang siya sa labas. Hindi naman ako naghintay ng matagal, nandiyan na siya. Bumaba siya agad sa sasakyan.

"Goodmorning." Hinug niya naman ako, binawian ko rin siya. Nakasuot siya ng black trousers at white polo. Hindi naman kami nagusap sa suot namin, promise.

Ang ginagwa namin kapag nagkikita, picture muna bago umalis. Bumili pa nga siya ng camera para saaming dalawa. Pagkatapos naming mag picture, binuksan niya ang pinto sa kabila.

"Akin na ang gitara mo." Binigay ko naman sakanya at pumasok. Hinawakan niya ako sa ulo para hindi mauntog, kung mangyayari. Nilagay niya muna sa likod ang gitara at pumasok na sa unahan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya saakin.

"Drive ka lang, ako magtuturo." Tumango naman siya saakin at nag start na mag drive.

"Nandito na tayo."

Minsan dito ako kumakain ng ice cream kapag may problema ako, mag-isa lang ako. Maganda rin kasi kapag mag-isa.

Bababa sana ako kaso pinagbuksan na ako ng pinto ni august. Pagkalabas ko, kinuha niya ang gitara sa likod. Sayang wala pa si kuya na nagtitinda ng ice cream. Kaya umupo na lang kami rito. Buti may dala siyang sapin. Hindi rin naman kami magtatagal dito, iinit na mamaya. Uwi na rin kami pagkatapos.

"Pahiram gitara ha." Marunong siya? "Nag-aral ako, gusto kong tumugtog." Kaya siguro puyat siya.

Nagsimula siyang mag strumming, at mukhang alam ko na ang kanta.

Ligaya by mrld

Sa 'kin nakatingin, parang lumilipad na lang sa hangin
'Di na mapakali, 'kaw lang naman ang ninanais
'Di ba nalilito ang puso mo kung sa'n na papunta?
Sa akin ba, sinta?

Huwag mo sanang isipin na parang wala lang sa 'kin
Ang lahat nating pinagsamahan

Isasayaw kita na para bang
Ito na ang panghuli natin, sinta
'Wag kang mag-alala, 'di kita hahayaang mag-isa
Sasamahan nga kita sa dulo ng ligaya

Hindi ko alam na marunong din siya kumanta. Wala na lang akong masabi sa kaya niyang gawin

'Di pa ba halata na iba ang ihip ng hangin dito?
Kung pwede lang sabihin nang deretsahan ang aking gusto
At teka, ang bulag mo naman kung 'di pa rin nasisilayan
Nagbago na ang pagtingin

Huwag mo sanang isipin na parang wala lang sa 'kin
Ang lahat nating pinagsamahan

Isasayaw kita na para bang
Ito na ang panghuli natin, sinta
'Wag kang mag-alala, 'di kita hahayaang mag-isa
Sasamahan nga kita sa dulo ng ligaya

At ang oras ay tumatakbo
Hindi pa rin alam kung gusto mo rin ako

Isasayaw kita na para bang
Walang nakatingin sa 'tin, sinta
'Wag kang mag-alala, 'di kita hahayaang mag-isa
Sasamahan nga kita...

Isasayaw kita na para bang
Ito na ang panghuli natin, sinta
'Wag kang mag-alala, 'di kita hahayaang mag-isa
Sasamahan nga kita sa dulo...

Pagkatapos niyang kumanta, pinalakpakan ko siya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya hanggang sa matapos.

"Ang galing mo!" Tuwang tuwa kong sabi sakanya, nahihiya pa talaga siya. Namumula siya ang cute. Nagulat na lang ako kasi nandiyan na pala ang nagtitinda ng ice cream. Hindi ko namalayan.

Rainbow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon