01

76 1 0
                                    


SKYLEIGH POV:

"HI EVERYONE AND EVERYTHING!!" Eksena nito?

"Mukhang maganda gising mo ah." Naol, ako kasi ito lang, pakain kain lang sa tabi. Well masaya pa rin naman.

"Alam mo ba? Siyempre hindi pa, hindi ko pa nasasabi eh." Tanong niya sagot niya rin.

"Ano ba 'yon? By the way, bilisan mo na kumain diyan, aalis na tayo."

"Ay! Badtrip? Sabagay wala namang araw na hindi ka galit diba."

"Loko! Sige na, ihahanda ko na 'yong tsikot hintayin kita sa labas, dalian mo ha! Hindi para magantay ng matagal sa labas." I rolled my eyes tsaka lumabas.

"Sungit." Bulong pa nang bulong, narinig ko naman.

-

Na sa byahe kami ng maalala ko 'yong dapat sasabihin niya sa'kin kanina.

"Beh, ano ulit 'yong sasabihin mo?" Yes, beh tawag ko sakanya.

"Grabe to girl! Kasi nga nireto ako nung friend ko, edi nag-usap kami ni ano tapos ayon naka receive ako ng goodnight, miss ko na siya agad." What? Miss agad? Anong nangyayari.

"Tsk, edi ikaw na masaya."

"Kung ako sa'yo nagpapareto ka rin eh, boring kasi ng buhay mo girl."

Ayoko sa reto, hindi naman tumatagal 'yan.

"TATANDA KANG GURANG!"

Grabe 'to, kaibigan ko ba 'to? Jusko Lord ibalik niyo po si dixie, ma mimiss ko siya kahit loko 'yon.

"Sino bang bet mo? Si tristan? Mukhang may gusto naman sa'yo 'yon eh."

"Tristan talaga?! Hoy kilabutan ka nga! Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka."

Sa dinami-daming taong pwede sabihin 'yong shokoy talagang 'yon? Mamatay na lang talaga, bago ko maging type 'yon.

WEIRD NG BUONG PAGKATAO NON!

Nanahimik talaga siya sa byahe hanggang sa makarating kami sa university. Masunurin naman pala.

"Sasabay ka ba mamaya?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami sa hallway.

"Nope! May pupuntahan ako."

"Saan?"

"Wala ka na ron!" Lintik na babae 'to. Parang hindi kaibigan eh.

"Una na ako par, si ma'am august first class namin, mataray pa naman sarap dutdutin ang mata."

Ganda sana ni ma'am august kaso maldita, nagiging november ng wala sa oras eh. Pumasok ako sa class at buti naman hindi ako late diba.

"Goodmorning." Mas malamig pa yelo, papasa siyang elsa.

Nakakaantok boses niya, para siyang nanay na nagbabasa ng story sa gabi para matulog anak niya eh. Matutulog na lang ako, hindi naman ako mahahalata na sa dulo naman ako, tsaka tropa ko na sa harap ko hinaharangan ako eh.

Nagising na lang diwa ko pagtapos niyang sabihing ang "class dismiss".

"Ms. Garcia, sumunod ka saakin." Ngi? ginawa naman akong aso nito. Sarap anohin eh, basta ano.

Narito na kami sa office niya at nakita ko 'yong buong name niya, nice name. Mas magiging nice kapag naging garcia surname niya.

"MS. GARCIA! KANINA PA KITA TINATAWAG!" Ay ang maamong pusa habang naglalakad, ngayon tigre na!

"Sorry ma'am! Kasalanan niyo 'to eh na didistract ako sa kagandahan mo."

May sakit ba 'to si ma'am? Balak niya ata mag artista at papalit kay angry. Bagay para siyang nakakain ng sili at walang mainon na tubig.

"Ms. Garcia bakit ba tulog ka nang tulog sa klase ko?" pag-iiba niya ng usapan.

"Ewan ko po, pahinga po ata kita eh."

"MS. GARCIA HINDI AKO NAKIKIPAG BIRUAN SAYO!"

"Ay ako rin po." HALA! AYAN NA GALIT NA. SHIT!

"GET OUT!" Agad agad akong tumakbo papaalis sa office na 'yon, mamaya kainin ako ni ma'am sa galit niya, maging tanghalian niya pa ako.

"Hi leigh!" Ito na ang delubyo!

"Oy par! Musta?" Ayan dapat ganyan, tropa tropa lang.

"I'm fine! Free ka ba mamaya?" Siyempre ikaw 'yan eh, siyempre hindi.

"No, why?" Ma'am august version 2.

"BABE!" Ayan na ang haliparot! Bagay silang dalawa, aldub ang peg ganon.

Umalis na lang ako sa kinatatayuan ko at baka mapagkamalan akong buntis kasi naduduwal akong makita sila. Makapunta na nga lang sa cafeteria.

"Hi beh!" Si dixie.

"Loe."

"Ay, matamlay? Nyare?"

"Ito kasi si miss masungit pinapunta ako sa office niya kasi natulog ako sa klase niya, lt par tinanong niya pa kung bakit ako natulog, hindi ba niya alam na kung bakit natutulog ang isang tao? HAHAHAHAHAHAHHA, siyempre inaantok, ako pa 'yong magiging prof niya ng wala sa oras eh."

Tuwang-tuwa talaga ako kapag naiisip ko 'yong mukha niya na namumula HAHAHAAHAHHAHA para siyang lobong handa ng pumutok.

"Natuwa na naman sa sariling katarantaduhan." Bawal ba maging masaya? Kontra talaga lagi 'to sa buhay ko eh, balik ko 'to sa sinapupunan ng nanay niya.

Pagkatapos naming kumain ni dix, tinapos ko na lang mga klase ko at umuwi sa bahay para MATULOG!!!

Rainbow Where stories live. Discover now