03

30 1 0
                                    

"Beh parcel mo beh." Gising ko kay dix dahil hindi ako papayag na hindi niya ako babayaran, kasi ako ang nagbayad nito dahil tulog siya.

Uungot ungot pa siya, tulog mantika talaga.

"PARCEL MO HOY." Sinampal ko siya sa pisnge, hindi naman masakit. Napabangon naman agad siya.

"Gago skyleigh!" Binato ko na sakanya 'yong parcel, at bumaba.

Sumisimsim ako ng kape habang ginagawa 'yong mga task na kailangan ipasa. Lalo na 'yong kay sungit, isang segundo lang ata late ka, bawal na.

"Leigh, ikaw nagbayad? Thank you!" Buraot.

"Hoy! Bayaran mo ako, tulog ka kasi eh."

"Dali naaaa." Baby damulag.

"Ayoko, akin na bayad." May parcel din akong babayaran no. Inabot niya saakin 'yong 500.

Mahal ng parcel niya, ano ba 'yon? House and lot?

"Aalis tayo mamaya ah." Paalala ko sakanya.

"Oo na, madaya ka kasi eh."

Bahala siya riyan, aakyat ako para matulog ulit. Wala namang pasok eh. Sarap mabuhay kapag saturday at sunday. Nag scroll muna ako sa tiktok at nakatulog. Nagising na ako mga 1:30, pwede na. Panibagong energy na naman. Bumaba ako at naroon pa rin si dix, mukhang stress kahit weekend.

"Aalis na tayo?" Tanong niya saakin pagkaupo ko.

"Init init boy, mamaya na."

"Ang arte mo, may sasakyan ka naman. Hindi ka maiinitan."

"Edi sana ikaw na lang ang umalis." Bahala siya.

"Alam mo, onting onti na lang. Magiging Ms. Reyes ka na. Sungit mo rin eh."

"Ano bang gusto mo? Ma'am upo ka muna baka mapagod ka, gusto mo ma'am subuan kita? Ma'am ako na lang po riyan, baka ma stress ka. Ganon ba? Ganon?"

"Pilosopo ka talaga, bagay kayo ni Ms. Reyes eh." Kung si tristan delubyo, si ma'am nagiging demonyo kapag kaharap ako! So no. Never.

"Kain ka na muna, kung ano pinagsasabi mo eh. I close na lang ang mouth."

Gagawin ko na lang ang mga task na hindi ko nagawa kanina. Hindi namin namalayan ang oras. 4:00 na!! Aalis na kami, wala ng init sa labas.

WALA PANG SUMMER MAINIT NA.

"Ligo muna ako, ikaw rin. Baka gabihin tayo."

Naligo na lang ako ng mabilis para hindi kami gabihin mamaya sa pag grocery. Matagal pa naman 'to si dix mamili, parang bibilhin lahat eh ng store.

"Tara na." Sabi ko kay dix, habang pinapaikot ang susi sa daliri.

Habang na sa byahe kami, hinayaan ko si dix mag play ng music. Boring din kasi. Seryoso lang ako sa pagmamaneho habang siya ang ingay sa gilid, kung pwede lang sabibing STOP THE CAR, kaso ako ang nag dadrive. 

"Dito na tayo, baba na." Pinitik ko pa siya noo siya dahil ayaw makinig, kinakabahan na siguro dahil siya ang gagastos. Ngayong araw.

"Totoo ba 'to?" LAH? Ang random naman ng babaeng 'to.

"Hindi panaginip lang, tapos sa panaginip mo sisipain kita."

Hindi na lang siya nagsalita at pumasok na kami. Kaunti lang naman ang bibilhin namin, ewan ko sa babaeng na sa tabi ko kung bakit nagiinarte.

"HIPON?!" Kailangan isigaw? Agaw atensyon tuloy kami.

"Ang ingay mo naman dix, 'wag kang magalala. Wala akong balak bumili niyan. Ayoko pang mamatay."

"Akala ko naman, hindi pa ako ready."

"Ah ganito pa gusto mo, dix mamatay na ako. Maging ready ka."

Iniwan ko na lang siya ron at may tinignan pang iba. Mukhang tapos na rin kaming mamili, oras na para umuwi.

Kaso nakakita ng masungit.

"Hi Ms. Reyes! Anak mo?" Tanong ni dix kay ma'am, kasi may kasamang bulinggit.

"No, pamangkin ko." Akala ko naman may anak na siya at tinataguan niya ang ama ng bata. Ganda non.

"Ahh akala ko pa naman, nakahinga ng maluwag si skyleigh niyan." Pinagsasabi nito? Desisyon eh. Kinurot ko tuloy siya.

"OUCH!" Ingay!

"Ms. Garcia! Bakit mo naman kinurot?" Wow bagay siya sa batang quiapo, ang role niya ron ay si tanggol, at ako si mokang. JOKE!

"Tama lang po 'yon." Maingay kasi eh.

"Bad." Sabi nung bata sa tabi ni ma'am. Okay tatlo sila magisa lang ako. Edi aalis na lang. Pumunta na lang ako sa counter para makapag bayad na si dix.

"Tara na gagabihin na tayo, luto ka na rin mamaya ha."

"WOW MAY UTUSAN?"

Pagkarating namin sa bahay, Binagsak ko agad sarili ko sa higaan. Bahala siya kung anong lutuin niya ron.

"Skyleigh kain na."

"Sige, susunod na ako."

Naligo muna ako, bago bumababa. Simpleng pajama lang suot ko, tutal na sa bahay lang ako.

"Anong ulam?" Tanong ko kay dix.

"Sinigang na hipon." HA?!

"ANO?! PAPATAYIN MO BA AKO?"

"Joke lang, hindi naman mabiro 'to." Pangit ng biro niya kamo.

"Ano plano bukas?" Tanong niya saakin.

"Kain tayo ice cream sa labas."

"Tara! Tapos mag taho na rin tayo! Miss ko na 'yon, maaga gigising ha! MAAGA."

"Okay."

Rainbow Where stories live. Discover now