15

21 3 0
                                    

"Natulog ka ba?" Sinong matutulog eh nag-aalala ako sa kapatid mo

"Hala! Baka sapakin mo naman 'yong maghahatid kay dix" Sasapakin talaga.

Nandito kami sa tapat ng bahay, baka kasi may biglang dumating na sasakyan, at naroon si dix. Hindi ko talaga mapapatawad sarili ko kapag may nangyari ron! Ayan na.

"Kalma sky, isipin mo future mo. Baka makulong ka eh." Akala naman nito papatayin ko.

"Hoy! Saan kayo galing?" Sigaw ko ron sa lalaking may buhat buhat kay dix.

"Nag club kami, naparami ata ang inom." Ang daming club boy!

"Anong ata? Eh bagsak nga pinsan ko, ata pa ba 'yon? Upakan kita eh." Inawat naman ako ng dalawa. Sinenyasan ko naman silang dalawa na kunin si dix.

"Mayayari ka talaga saakin kapag may nangyari sa pinsan ko." Pumasok agad ako. "Gisingin mo 'yan den, baka sampalin ko 'yan at magkamalay."

Ginising naman agad nila 'to, uungot ungot pa. Buti naman nagising na.

"Ano? Masaya ba kagabi? Pinag-alala mo lahat ng tao rito?" Hinawakan naman agad ako ni den sa braso.

"Nakauwi naman eh."

"Nakauwi ka nga! Lalaki pa 'yong naghatid sayo! Maganda ba tignan 'yon?"

"Kaibigan ko lang naman 'yon, oa mo."

"Tangina mo pala eh! Sa tingin mo sa ganyang dahilan mapapaniwala lahat ng kapitbahay rito?! Dix mag-isip ka nga!"

"Huwag mo akong minumura rito leigh!"

"May karapatan ako! Anong sasabihin ko kay tita kapag may nangyari sayo? Ibinilin ka saakin dix, baka nakakalimutan mo."

"Safe naman nakauwi diba."

"Mga dahilan mo dix! Oo safe ka, pero 'wag mo naman abusuhin 'yong mga tao rito sa bahay! Ang kapal na nga ng mukha mo, mas kumakapal pa."

"Gago ka pala eh! Kung makakapal ka naman ng mukha, akala mo ikaw gumagawa ng lahat dito ah!"

"Mas gago ka! Edi ikaw na ang magaling, at ikaw na lahat gumagawa rito!"

"Tama na 'yan!" Paano nakapasok 'yan si ma'am dito? "Rinig na rinig ang sigawan niyo sa labas." Agad naman siyang tumingin kay rea. "At ikaw, may pasok ka pa diba? Tara na."

-

Pagkatapos ng nangyari, hindi na kami nagpansinan ni dix. Hindi rin siya sumabay saamin ni den, ginamit niya ang sasakyan niya.

"Huwag mo muna isipin si dix."

Nakapasok na kami sa univ at dumiretso sa room, nandoon na rin si rea. Mukhang pinagalitan nga eh, nakabusangot. Talagang papagalitan siya! Nagpaalam kung kailan nandoon na siya sa pupuntahan niya. Angas din nito eh. Umupo na lang ako at hinantay naming lahat si ma'am.

"Goodmorning." Mukhang galit ah. Ginalit kasi ni rea eh.

Nakinig kami sa kanya, kasi alam namin na magpapa quiz agad 'yan si ma'am. Hindi nga kami nagkamali dahil nagpa quiz. Pagkatapos ng klase siya, pumunta raw ako mamaya sa office niya. What if magalit saakin, sabi ko na eh.

-

"Bakit pinatawag ka? May ginawa ka ata no!" WALA KAYA.

"Sumama ka muna kay rea, pupuntahan ko lang si ma'am." Nag bye naman agad siya, at ako pumunta kay ma'am. Ano na naman kayang ginawa ko.

"Ms. Garcia! Ice cream?" NAKANGITI! OMG! PUSO KO LUMILIPAD. "Upo ka muna."

"Anong meron ma'am?" Nagtataka akong tanong.

"Hindi tayo natuloy kahapon diba? Edi ngayon gawin. Sayang 'yong ice cream mo sabi ni rea eh." Nakakahiya naman, sinabi pa ni rea sa ate niya. Lagot ka saakin. "Huwag mo munang isipin si dix, palamigin niyo muna ulo niyong dalawa." Pati ito nakwento niya? Nako naman rea, nahahawa ka na kay dix.

Ngayon ko lang nakita si ma'am na nakangiti saakin, minsan kasi kay ma'am val. Dapat saakin lang, para masaya ako everyday. Maganda ngiti ni ma'am kaya hihilingin mo talagang ngumiti siya minu minuto eh. Kung nainlove ako sakanya, mas nainlove ata ako nung ngumiti siya.

Rainbow Where stories live. Discover now