✮ LOVE RIDE ENDING ✮

70 9 5
                                    


A/N: Hey, do not read this kung hindi mo pa nabasa sa simula. It is no fun to spoil yourself. Walang thrill. Discover the ending on your own. Experience the ride of love.

Pero kung trip mo talaga, edi ok.

Kung ikaw ang reader na sinimulan mo ang story at nakaabot ka rito, maraming-maraming salamat sa pagtapos ng Book 1. See you sa Book 2, Love Maneuver. :>

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

'Di pa nga ako nakaka-recover sa mga nangyari, bigla na lang akong napatayo, dating nakasandal sa headboard, nang biglang nag-ring phone ko.

Napalunok ako at huminga bago sinagot.

"Hi!"

"Papatayin ko 'to."

Magkasabay naming sabi. Nakita kong nawala ngiti niya.

"Sa'n ka? Bakit naman, 'a?"'

"Magdamit ka nga. Naiinis ako sa 'yo. 'Di mo natatandaan sinabi ko?"

Ewan ko sa nakakabuwisit na 'to kung ba't mas lalo pa siyang napangiti sa narinig niya at tumawa nang medyo.

"Ano sa tingin mong nakakatawa sa sinabi ko, ha? Nagjo-joke ako?"

"Seryoso mo naman. Distracted ka ba sa 'kin?" Lumawak lalo ngiti niya at gusto ko sirain 'yon, nakakainis.

"Ba't ka tumawag? Istorbo. Matulog na tayo. I mean, matutulog na ako. Bahala ka sa buhay mo."

Dahil sa narinig niya, mas napangiti pa siya lalo. Gaga ka ba, Celine? Ano'ng tayo?

Mas lalong lumapit 'yong mukha niya sa camera. "Hindi naman kita nakikita, pa'no ako papayag? Distracted ka ata talaga, 'a. Paki-on naman yung camera n'yo, Ma'am. Gusto ka makita ni Mark."

"Magdamit ka muna, naiinis ako sa 'yo. Ang corny mo," sabi ko nang seryoso.

Ngumiti siya. Nag-black agad ang screen. Kaya in-on ko na 'yong camera ko.

"Mukha mo. Smile ka, uy." Bumungad sa 'kin nakangiti niyang mukha.

I smiled sarcastically. Inilapit ko mukha ko sa camera.

"Okay na? Happy na?"

"Hindi pa po happy."

Nagkasalubong kilay ko.

"Ano'ng hindi, woy? Ba't naman?" Natanong ko bigla. Bakit 'di siya happy?

"Gusto kasi kita makita at makasama ulit. Puwede ka pa ba? Tara, mami tayo ulit mamaya."

Kaya ang nangyari, para akong magnanakaw na lumabas nang pasikreto sa bahay namin. 'Di pa nga ako nakakalabas n'on sa gate namin, nakita ko na si Mark na nakaharap sa bahay namin. Nagtama mga mata namin n'ong nasa harap na ako ng gate namin, sinusubukan na dahan-dahaning buksan 'yon. Sinenyasan ko naman si Mark na mauna na siyang maglakad.

Noong nakalabas na ako sa amin, dahan-dahan akong tumawid para mapuntahan si Mark na nasa gilid ng poste, nakayuko at nasa bulsa ng jogging pants 'yong mga kamay niya.

Dahan-dahang umangat ang tingin niya.

"Tara."

"May problema ka ba?" tanong ko sa mahinang boses, habang naglalakad kami, nasa gilid niya ako. Bigla kasi siyang tumahimik. Diretso lang tingin. 'Di siya cheerful. Kilala ko si Mark. 'Di siya ganito sa 'kin.

'Di siya sumagot.

"Mark," pagtawag ko, kaso wala. Kaya huminto ako. Napahinto din siya, may pagitan kami nang medyo. Tumingin siya sa mga mata ko.

Love Ride (LOVE TRILOGY #1)Where stories live. Discover now