✮ LOVE RIDE 32 ✮

32 8 2
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

I didn't have the courage to dodge from his gaze. It felt like I was enchanted by his eyes. Gan'on 'yong epekto ni Mark sa 'kin. Para ngang habang tumatagal, mas lumalakas 'yong connection niya papunta sa puso ko.

Okay. It sounds corny. I've been corny, too. Ewan ko ba. 'Di naman kaya ganito naramdaman ko noong may naka-MU ako. Ano'ng meron kay Mark bukod sa nakakainis siya?

Naputol lang titigan namin noong siya na bibili kaya nagkaroon ako ng chance para mahablot ko 'yong nakakainis na nilalang sa tabi ko.

"Gaga ka. Hindi siya. Sasabunutan talaga kita."

"Hindi siya, pero kung makatitig ka kanina. Nakatitig nga din siya sa 'yo. Ahhhh, kinikilig ako, sis! Nakaka-proud na magkaka-love life ka na!"

"Konti na lang, sasabunutan na kita. Tara na nga, umuwi na tayo."

"Deny-deny pa? Oh, ba't parang aligaga ka? Look, nag-ayos ka pa talaga ng buhok mo? May alam ka pang, 'hindi siya?'"

Binaba ko phone ko kaya nakita ko nakakabuwisit na mukha nitong gagang 'to. Bigla rin nag-iba mukha niya. From dating nang-aasar to mukhang-interesado-at-kung-hindi-ko-masabi-magugunaw-ang-mundo look.

"So, ano nga, sis? Siya ba si helmet guy?"

Napalunok ako habang nakatingin sa 'kin si Kate. Mayamaya sinulyapan si Mark na nakatalikod.

"Fine. Oo na. Siya 'yon. Masaya ka na?
'Wag kang maingay. Sasampalin ko 'yang bunganga mo."

Nanlaki mata niya, at the same time, lumiit kasabay nang pagtakip niya sa bibig niya at pagkasira ng tenga ko sa nakakainis niyang pagtili. Napapalakpak pa nga.

"Finallyyy, I'm happy for you, sis! Ano'ng araw ka available?"

"Available?"

"You know . . . for me to catch up. Ano'ng stage na ba? Ano'ng status? Stuff like that. So so excited na talaga! Ah, kinikilig talaga ako!"

"Gaga." Napailing-iling na lang ako.

"Oh, sis, your king has finally arrived. Kung ako 'to, manghihina ako. Puwede ko rin siyang ipalit kay Khalil! Oh, easy lang, sis. Hindi ko naman aagawin."

Fuck. Why was I so affected sa sinabi ni Kate? Sinamaan ko kasi siya ng tingin. Nakakainis na 'di ko mapigilan. Ngumisi lang naman sa 'kin.

Palapit sa 'min si Mark. Una kong napansin 'yong hawak nitong ice cream cup. Tatlo. Nag-abala pa siya.

Nag-crossed arms ako. I was trying so hard to act like I was pissed off.

"Nandito pala kayo, 'a. Hello," tipid na sabi nito saka ngumiti sa 'min. "Ito, oh, ice cream. Uyyy, smile!"

"Thank you, Mark! Oo nga, sis, what are you doing?" sabi ni Kate.

"I didn't ask for this. Nagsayang ka ng pera. Sa 'yo na." I heard my best friend produced the sound of 'tsk'. I think she did it five times. Ginatungan pa ng gaga.

"Oh, sorry. Pero, 'di ba, favorite flavor mo?"

That's my favorite nga. Paano niya naman nalaman?

Sasagot pa sana ako nang sumingit na ang bruha. "Nag-iinarte lang 'yan, Mark. Akin na. Ako na magbigay."

Napatingin sa 'kin si Mark. Mayamaya, bumaba tingin nito sa mga shopping bags na nasa floor.

"Sa inyo ba 'yun?"

"Yes, Mark! Buti na lang and'yan ka, may tutulong na rin kay Celine! Papunta na kasi si Khalil," sagot naman ng gaga habang pilit na iniaabot sa 'kin 'yong ice cream.

Love Ride (LOVE TRILOGY #1)Where stories live. Discover now