✮ LOVE RIDE 24 ✮

32 9 3
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Our first day went well. But I admit, it was challenging for me to stay calm whenever Mark would try to pester me or at least talk to me.

Besides, naiisip ko pa rin 'yong nangyari kagabi.

Kauwi namin, parang hindi kami magkakilala! Hindi kami nagkikibuan. Natanong nga kami nina tito kung saan daw kami galing. Si mama, nakangiti lang naman siya sa 'kin na parang nang-aasar na ewan.

Ang sagot ni mokong: "Nagkuwentuhan po."

Okay naman na rin sa 'kin na hindi na niya sinabi. Ayoko rin naman na mag-alala sina mama at papa. Dumating naman din si Mark para protektahan ako.

Noong gabing 'yon, hindi agad ako nakatulog. Talagang-talaga. Ewan bakit nooong mga oras na 'yon, habang nakatingin sa kisame rinig 'yong tunog ng pinagsamang electric fan, hilik ng kapatid ko pati sina tito Emil at si papa, at 'yong huni ng mga insekto, paulit-ulit ko pa ring narinig 'yong sinabi niya.

Baby.

Bakit?

Bakit ganito?

Alam ko, ginawa niya lang 'yon, para maprotektahan ako. Pero dito sa loob ko, hindi ko maintindihan, ang gulo-gulo na bakit hanggang ngayon, ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko? Na bakit ang lakas ng epekto n'on sa 'kin?

Napahawak ako sa dibdib ko.

"G-gising ka pa?" rinig ko mayamaya, kulang na lang magulat ako. Dahan-dahan akong napakurap-kurap.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ba't gising pa rin siya?

Ilang segundo na ang nagdaan, hindi ako nakasagot. Nakatingin pa rin sa kisame. Pinapakiramdaman paghinga niya. Buti medyo madilim. May kaunting ilaw lang doon sa harap namin. Eh sa puwesto namin, ang dilim talaga.

Naramdaman kong gumalaw siya sa puwesto nito. Parang noong mga oras na 'yon, ramdam na ramdam ko 'yong presensiya niya sa uluhan ko.

Akala ko nga, babangon siya.

Akala ko rin, tapos na, na matutulog na siya, pero . . .

"Alam mo," pagsisimula niya nang seryoso, "sinisisi ko sarili ko bakit nangyari 'yun sa 'yo kanina. Kasi . . . sana sinamahan na kita. Sana hindi na ako naduwag. Ang gago ko talaga. Sobrang takót mo siguro kanina. Sorry talaga, 'a. Buti na lang talaga, nakaabot pa din ako at ang saya-saya ko na naprotektahan kita, pero . . . kainis. Kainis talaga na ang gago ko pa din talaga."

Narinig kong bumuntonghininga siya. Napangiti ako sa mga narinig ko, pero may bagay na hindi ko nagustuhan.

"Kung hindi pa ako umalis kanina at hindi kita naabutan . . . siguro . . . hindi ko mapapatawad sarili ko. Nangako ako sa 'yo noong mga bata pa tayo na poprotektahan kita. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa. Sobrang salamat talaga na kahit gan'un nasabi ko, naprotektahan pa din kita. Asahan mong poprotektahan lagi kita . . . "

Napatawa siya nang mahina at nagbuntonghininga ulit.

"T-thank you, pero hindi mo kailangang sisihin 'yong sarili mo. Walang may gusto n'on. Sira ka ba?" sabi ko. Naramdaman kong gumalaw 'to sa puwesto nito, nagbuntonghininga. "T-hank you rin kasi lagi mo akong pinoprotektahan.

"Wala 'yun kasi dapat lang at . . . sorry din. G-gising ka pa pala, 'a."

"Oo, eh. Hindi makatulog. Ikaw rin?"

"Opo." Napatawa siya, kaya napatawa rin ako. "Matulog ka na, 'a. Masama pagpupuyat, uy. Baka lumaki eyebags mo."

"Tayo," pagtatama ko. "Matulog na tayo.

Love Ride (LOVE TRILOGY #1)Where stories live. Discover now