✮ LOVE RIDE 31 ✮

28 9 1
                                    


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

"Sis, na-send ko na sa email mo 'yung draft for the mission and vision. Masaya ka na? Sumakit tuloy kamay ko. Bummer!"

Narinig kong sabi ni Kate. Nasa bahay na nila ako. Kanina pa akong 8 A.M. sa kanila. Quarter to eleven na that time at ewan kahit na narinig ko naman na siya, hindi ko nagawang nakasagot, kaya, "Hoy, sis, lagi mo bang naiisip 'yang helmet guy na 'yan?"

"Sira, ano namang sinasabi mo. 'Di puwedeng tumulala paminsan-minsan nang walang iniisip? Tao pa talaga," I answered sarcastically, but deep inside, I know I was lying. Kasi naman 'yong isang 'yon.

Na-unblock ko naman na siya. Akala ko nga magcha-chat siya sa 'kin, eh. Noong nag-stay kasi ako sa convo namin after unblocking him, may tatlong dots na lumitaw, at the same time, pawala-wala.

'Di ko naman ma-chat kasi anong sasabihin ko? 'Di naman kami close. Nahihiya rin naman ako.

Ba't ganito? Nag-iiba ako pagdating sa kaniya?!

Nag-ayos ako ng upo sa frustration. Since I was drown in my thoughts, doon ko lang napansin na lumalaklak pala ng chips ang gaga at napansin ako.

"Ayaw mo talaga, sis? Para kang distracted talaga. Hindi na tuloy ako makapaghintay makilala 'yan."

Sinamaan ko siya ng tingin at ang gaga, ngumisi lang naman at tumalikod na. Ayaw talaga ako paniwalaan ng sira.

Para totally ma-distract, I decided to proofread what she just sent na lang. Suprisingly, satisfied ako sa ginawa niya. Well, magaling naman din kasi 'tong gagang 'to. 'Di lang talaga nagseseryoso madalas. Ang sabi niya, bakit pa, kung sa pagseseryoso niya, mawawalan siya ng enjoyment? Para namang hindi puwede i-balance.

Okay naman na rin 'yong first draft. Ang bilis nga naming matapos, enhancement na lang, nakakapanibago. Eh pa'no, usually, ako lang kumikilos.

We decided to eat after. But before that, I unplugged my phone kaya 'di ko magawang ma-enjoy kumain at sana lang huwag akong isumbong ni Kate sa mama ko dahil mayamaya akong sumusulyap sa phone ko.

Well, malabo naman na ring mangyari 'yon dahil nasa sarili na niyang mundo ang gaga. Malamang, ka-chat na niya si Khalil. Minsan nga, napapatanong ako sa sarili ko kung 'di ba sila nagsasawa sa isa't isa?

What if one day busy talaga tapos nagalit 'yong isa? 'Di ko tuloy ma-imagine sarili ko if I ever have experienced that situation. I know understanding should always be part of any relationship. Understanding na hindi lang dapat ikaw kausap at priority niya.

Ba't ko naman pinoproblema 'to? Ano naman ngayon. Nakakainis.

Kinahapunan, nagyaya si Kate na mag-shopping kami sa SM Pampanga. Sakto, I was planning to suggest if we could go out. 3 days na lang kasi Christmas na, eh wala pa akong susuotin.

Since umuwi si Papa, hindi na niya kailangang ipadala 'yong pera. Actually, this thing is like a tradition na sa amin. Each year, binibigyan talaga kami ng allowance ni Papa. Tho not in a way to spoil us gan'on.

Then, kung kaming mga anak binibigyan ng allowance, sina mama at papa naman, nagde-date. Kahit naman 'di nakakauwi si papa, tuloy pa rin naman ang date nila virtually. Sa tuwing nangyayari 'yon, naghahanda talaga si mama. Ramdam mo talaga na ang saya-saya niya at in love na in love pa rin kay papa.

The thought of them dating physically just made me happy. How wonderful would that be. 'Yong isa kaya na 'yon, ano gagawin niya sa Pasko?

"Bagay ba, sis? Parang hindi naman, eh!"

"Ano sinabi ko sa 'yo dati pa?"

"Na pangit ako."

"Gaga. Wala akong sinasabing gan'on. Ang sabi ko maganda ka kahit ano isuot mo."

Love Ride (LOVE TRILOGY #1)Where stories live. Discover now