RBW II: Dark Scheme

Start from the beginning
                                    


 Dahan-dahan niya naigalaw ang kamay na ikinabigla ni Rozen, wala pang nakagawa non sa spell niya, nasira ang konsentrasyon niya kaya naman  pati ang pagbigkas niya naapektuhan.


" Pagtutunan mong maging maiksi ang incantation mo, wala kang laban My Maiden fair! " Hinampas niya sa hangin ang latigo na nagdulot ng malakas na paghangin patungo kay Rozen na sa isang iglap sumigaw na at bumagsak na puno ng gasgas sa katawan, nasira pa ang damit nito na agad tinakpan.


"Siyempre hindi kita uunahin Rozen " ngiti ni Neo, binalikan niya ng tingin si Lyra na nawala na. 


" Umalis ka na dito.. " si Crescent na hinawakan sa mukha si Lyra at nginitian. Nasa kabilang parte na sila, agad niya 'tong kinuha ng mapadako si Neo kay Rozen. Hindi biro ang kakayahan ni Neo, hindi ito gumagamit ng mahahabang incantation kaya mabilis itong makapaglabas ng magic.


" Crescent " hindi na napigilan ni Lyra na mapaiyak, kitang-kita niya ang kalamangan ni Neo. Hindi 'to pangkaraniwan, kahit siya nabigla na magaling to sa pagbigkas ng short incantation.


" Babalik tayo ng sabay, hindi pwede na ako lang. Hindi pa 'tayo nagiging maayos Crescent!" naghihisterikal na si Lyra, natatakot siya hindi niya alam ang gagawin. Sumusuko na ba siya? pero nasasaktan si Crescent, hindi niya 'to gustong nasasaktan mas nasasaktan siya.


"Tutulungan kita Crescent. Di 'ba tinuruan mo ... " 


 " Hindi! Wag Lyra .. " nginitian niya si Lyra, bakit pakiramdam niya 'yon na ang huling ngiti nito sakanya? tinatawag na siya nitong Lyra, pero hindi naman oras para magtanong siya kung kilala na ba siya nito?


"Babalik pa tayo ng magkasama hindi ba?!ayoko kung mawawala ka, Crescent " si Lyra. Crescent pushed him against the wall and covered by his arms after getting his hands and put it on his chest.


Nakarinig si Lyra ng mga hampas ng latigo pero tila nagblangko ang paligid niya, sila lang ni Crescent ang nakikita niya sa loob ng isang kuwarto kung saan nabuhay sila ng maayos dalawa. Ang bahay kung saan mas nagkalapit sila, nginitian siya ni Crescent sa katulad na pwesto gumamit ito ng isang imahinasyon para hindi makaramdam ng trauma si Lyra sa nangyayari.


" Wag kang umiyak, hindi ka magiging maganda diyan " ngiti pa nito, pero lalo lang naiyak si Lyra. Hindi niya alam kung dahil sa itsura ng kuwarto nila o dahil may kakaiba siyang nararamdaman.


" Sorry, hindi ako naging malakas. I defended myself on you, sorry.. sasama ako sa'yo kahit saan " sobra na yung naging pag-iyak ni Lyra, hinalikan siya nito sa noo.

" Naalala mo pa 'ba yung gusto mong pangalan ng magiging anak natin? " sa narinig ni Lyra nanghina siya, kung ganoon kilala siya nito? Naramdaman niyang niyakap siya nito. 


"  Lyra wag kang susuko hindi ka mag-iisa. Hindi lang ako ang kailangan mo para mabuhay. " The moment when she saw his tears tearing her heart apart.


" Ano ka ba! ano bang sinasabi mo? alam mo naman na ikaw lang yung kailangan ko! " Sabi niya na gusto niya 'tong makitang umiyak pero nagsisisi na siya, hindi niya pala kaya. Pakiramdam ni Lyra sinasaksak ang puso niya, dito lang ba sila magtatapos? 

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now