" May dalawa siyang kahinaan. Kung matatalo siya sa laban, nasisiguro ko na isa sakanila ang dahilan. Pero ang tanong, may kamatayan ba siya? "
Humagalpak nang tawa si Aleissa sabay tingin nang makahulugan kay Rayhanna.
" Sinong may alam? "
Samantala sa bayan ng Dark Island isang bata na may pilak na buhok ang naglalakad, nasa edad apat din siya kung titignan katulad ni Shin ; may pares siya ng golden brown na mga mata.
" Bata, sino ang kasama mo?! " wika ng isang lalaking papaakyat ng barko ng makita ang batang tila nag-aabang sa daungan ng barko.
" Hinihintay ko ang papa ko " matipid niyang wika bago tinalikuran ang lalaki at naglakad patungo sa isang upuan.
" Saan ka ba galing? " isang babae na tila kasama ng lalaki ang lumapit sa bata, natutuwa siya sa itsura nito at talaga namang aangkinin mo kung saka-sakali.
" Hindi naman kita kilala para sabihin ko " nag-iwas 'to ng tingin at tinignan ang barko. Tila naman napahiya ang babae.
" Hindi kasi ligtas ang lugar na 'to para sa bata" wika pa ng babae.
" Kung ano man ang mangyari sakin hindi mo yun kasalanan kaya umalis ka na" sagot ng bata.
" Crescentine! " boses ng babae na naka itim na hood ang lumapit sa bata na tila naman nakilala 'to. " Nandito ka na naman! Sinabi ko naman sa'yo na wag kang lalabas diba! " may galit sa boses nito.
" Wag mo 'kong sigawan hindi kita kaano-ano " tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad na palayo, tinignan niya sa huling pagkakataon ang malawak na asul na karagatan.
" Bakit ba ang tigas ng ulo mo, alam mo na nagkalat ang masasamang nilalang dito. Dark Island 'to at napakaraming wizard ang nandirito maging ang black market nandito ... "
" Althea, hinihintay ko ang papa ko. Hindi ko pa siya nakikita, hindi naman yata niya ko kilala at niloloko mo lang ako na babalikan niya "
YOU ARE READING
RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.
WerewolfRaised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake *u*
RBW II: Another
Start from the beginning