PROLOGUE

32 2 0
                                    

CHELSEA HEMEDEZ







“HOY! Seah, Anong ginagawa mo d’yan?”


“Shut up…” pabulong kong asik dito. Wala talagang pinipiling pagkakataon ang pag-iisa ko.


“Nagtatanong lang… sino ba sinisilip mo?” bagaman mahinhin ang kaniyang boses ay talagang naiinis ako.


“I’m busy…” tuloy ay mali ako ng nasabi. Patuloy ang pagsilip ko sa classroom na ito.


Kanina ko pa itong pinapanood. Sadyang hindi lang nawawalan ng taong nakatayo kahit saan ako nakatingin. Hanggang sa naramdaman kong dinunggol-dunggol na ako ni Amber. Hindi naman nagsasalita kaya hindi ko pinansin. Tinutok ko ng mas maigi ang paningin kung saan ang upuan ni Aiah. Kahina-hinala. Kanina pa akong nandito pero hindi ko pa makita miski anino niya.


“Aiah! Ikaw pala!”


Hindi ako magkandaugagang tumayo ng ayos matapos ang sigaw na iyon na Amber. Tuliro akong humarap sa mga ito at nakakalokong ngisi ang sinalubong sa akin ni Aiah.


“What are you doing?” tanong niya na halos makapagpangatog ng tuhod ko. Akalain mong nagtutunog nage-interoga.


Tumindig ako ng tayo bago bumaling kay Amber. “May sinisilayan kasi si Amber sa room niyo.” Pagdadahilan ko at mabilis na hinigit ko ang braso ni Amber para magkapalit na kami ng posisyon ni Aiah. “At dahil nakita na naman niya ay aalis na kami.”


“A-ako?” pinandilat ko ang inosenteng tanong ni Amber. Buti na lang at hindi pa lumilingon si Aiah kaya napasang-ayon ko pa siya. “Oo. nakaharang ba kami?”


Good.


“Hindi naman, sinong sinisilip niyo?”


“Secret.” Dali-dali ko’ng hinablot braso ni Amber at tumakbo palayo roon.


Araw-araw kong buhay kahit kolehiyo na at magtatapos na ngayong taon ay hindi pa din nagbabago. Paulit-ulit na aagahan ang pagpasok, dadaan sa locker ng mga babae at hihintayin ko siyang dumating, kapag dumating ay sa room naman nila kapag break na. Walang araw na hindi nangyayari ang mga iyon sa buong taon.


“Hoy! May swimming lesson din tayo mamaya, bakit nand’yan ka agad?” Hinarap ko si Jake na kunot ang aking noo. “Si Aiah na naman ba? Para ka namang stalker…”


“Baka may makarinig sayo…” pakunwaring inis na nilingon ko ulit kung saan ko huling nakita si Aiah.


Honestly, ako sa sarili ko ay gustong ipagsigawan na may gusto ako kay Aiah. Para mabilis akong matukso ng mga kaklase ko sa kaniya at mapansin niya din ako. Pero sa kabilang banda, sobrang takot ko na mangyari iyon. Bukod kasi sa nag-mamay-ari ng isang University ang family ko ay isa akong model na may hinahawakan ng pangalan sa loob ng dalawang taon. Ano na lang ang sasabihin nila sa akin at sa pamilya ko.


“Excited?” dinig ko’ng tanong ng babaeng kanina ko pang tinititigan sa loob na ngayon nga ay hindi ko namalayang nakalapit na sa amin. Ni hindi ko namalayang nabuksan niya ang pinto sa harap ko nang hindi ko napapansin.


“Ahh-Oo eh! Kanina pa ako dito naghihintay, ligong-ligo na nga ako!” mabilis pa sa kidlat ang pagtakbo ko papasok. Hindi ko na hinintay ang instructor namin na utusan ako ng kung anong gagawin. Alam ko na rin naman kung paano magsisimula. Syempre, magpapalit.


Kinahihiya ko ang araw-araw na nahuhuli niya ako sa gano’ng hitsura. Hindi naman palagi. Kung minsan ay siya na kasi ang lumalapit sa akin para pakiligin ako.


“Happy Valentines, girls.” Bati ni Brent sa amin ni Harmony nang kami ay  magsama-sama sa kissing booth. Ang tatanda na naming may paganito pa.


Dumayo pa kasi kami ng Highschool campus para lang makiparty sa mga ginawa nilang booth, na ginaganap sa loob ng kani-kanilang room. Pinagsisilbihan sila Brent, Kian at Nazzer sa kanilang upuan ng mga kabataan. Binibigyan sila ng inumin at pinapakain ng cake na mismong sila ang nag-bake. Kaming tatlo naman nila Aiah at Harmony ay nasa isang sulok. Pinagbibigyan din kami ng kung ano-ano. Yung isa pa ay niyaya akong siya ang maglalagay ng kiss mark na galing sa basang tissue na may lipstick.


“Ang ganda niyo po pala sa personal, Ms. Seah.” Anang highschool student na lalaki, nginitian ko na lang. Una niyang nilapatan ng kiss mark ang kanang pisngi ko. “Okay lang po ba sa inyo ‘yan?”


“Yeah…” tipid ko siyang nginitian at akma ng aakbayan para magpakuha ng litrato nang may kung sino ang bigla na lang dumunggo sa akin mula  sa likod.


Sa dami ng mga estudyante ay hindi ko na nagawang hanapin kung kanino galing ang clumsy’ng pagkilos na iyon. Ngiwi ko na lang na binalingan ang bata at muli na sanang aakabayan nang sumulpot naman si Aiah sa gitna naming at mabilis niya kaming pinaghiwalay. Nagugulat ko siyang tinitigan. Habang siya ay puno ng pagkabagot ang mukha.


“Ihahatid ko pa kayo, diba? Come on! Uuwi na ako…” reklamo niya at agad akong hinigit palayo roon.


Nakakunot ang kaniyang noo hanggang sa dalawa na lang kaming naglalakad sa kahabaan ng pasilyo. Panay ako pag-a-assume na nagseselos siya kaya niya ako bigla na lang inilayo roon. Kung anong kunot ng kaniyang noo ay siyang naghihihiyaw na ang puso ko sa kilig dahil sa ginawa niya. Hindi na naman niya alam na tahimik akong umaasa.


“Aiah! Aiah!”


Lumingon ako sa paparating na sina Brent. Sumunod na pala sila. Ang malas naman! Naroon na din ang tatlo pa sa likod niya. Kamot ko ang aking ulong nag-iwas ng tingin. Minsan ay sang-ayon ako sa pambu-bully ni Brent kay Aiah lalo na at tungkol sa akin. Pero kapag ganitong dalawa na lang kami ni Aiah tapos bigla pa siyang papasok sa eksena ay nakakainis na!


“Bakit umalis agad kayo?” tanong ni Harmony at nakangiting inabot sa akin ang isang hugis pusong lagayan ng tsokolate. “May nagpapabigay pala sayo.”


“Sino daw?” tanong ko na natuon na ang atensyon ko sa pagahanap ng pangalan sa lalagyan. Wala naman akong nakita kaya binuksan ko na. “Hindi naman ako mahilig sa chocolate, pero titikman ko tapos Harmony, pwede sayo na lang itong iba?” nakangiti ko siyang hinarap at agad naman tumango.


“Sige ba! Gusto ko yan! Lahat gusto ko!”


“Ibigay mo na lahat.” Hindi ko pa man nabubuksan ng tuluyan ay nakuha na iyon ni Aiah at inilipat sa kamay ni Harmony. “Hindi mo naman pala gusto. ‘Wag pilitin.” Nakangisi na siyang lumingon sa akin.


Kung para sa kaniya ay wala lang iyon ay sa akin naman ay sobra-sobra na ang meaning no’ng ginawa niya. “Titikman lang naman…” kunwari pa akong nagtatampo.


“Iba na lang ang tikman mo sabi ni Aiah…” agad na pabirong habol ni Brent dahilan para makuha niya agad ang atensyon nito.


“Tarantado ka…” wala pa itong ginagawa pero nagbabanta na ang delubyo sa pagsisimula ng lalaki.


“May iba pa bang magbibigay?” pa-inosente kong nilingon si Aiah saka bumaling kay Harmony.


“Wala… Pero si Aiah na lang daw ang tikma-”


“Anak ka ng gago! Brent!” walang kasing tulin ang takbo ng lalaki nang simulan siyang habulin ni Aiah!


Oh my god ka Brent!


Gago nga si Brent.


Kupidong  Gago!


Kyahhhh!

Swings Both WaysOnde as histórias ganham vida. Descobre agora