CHAPTER 32

3.5K 62 2
                                    

CHAPTER 32

CALISTA

“Tang*na! Mga wala kayong kwenta! Hanapin niyo si Berk kung gusto niyo pang mabuhay! ”

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Scorpio na nasa harap ko kasama ‘yung isang lalaking humuli sa akin kanina.

Nandito na naman ako sa k’warto kung saan nila ako kinulong. Hindi pa rin nila ako tinalian ngunit nilagyan na nila ng malalaking tabla ang bintana para makasigurado na hindi na ako makakatakas pa.

Bakas ang galit at inis ni Scorpio sa kaniyang mukha. Lihim naman akong napangiti nang malaman na ligtas si Sebastian kaya nanggagalaiti sa galit itong gagong ‘to.

“Sa tingin niyo ba, basta-basta niyo na lang mapapabagsak si Sebastian?” Napatingin sila sa aking gawi nang mag salita ako.

“Gising kana pala, ” anito at nilapitan ako. Hinawakan niya ang baba ko at nilapit ang kaniyang mukha sa akin. “H’wag kang mag alala dahil hawak ko ang kahinaan niya. ” Matiim ko lang siyang tinignan at mapanuyang nginisihan.

“Sa tingin mo ba, magiging successful ang plano mo?” Nakipag titigan ako sa kaniya at tinago ang aking takot na nararamdaman. Kailangan kong ipakita na hindi niya ako masisindak.

Humigpit ang kaniyang hawak sa aking panga ngunit nanatili lang ang maitim kong titig kaniya. “Don’t under estimate Sebastian dahil sa huli gagaya ka rin kay Hunt. Manamatay ka sa mga kamay niya.”

His jaw tightened. Lihim akong napangiti dahil tumalab ang pang-iinis ko.  Ang isang lalaki naman na kasama niya ay nanatili lang na nakasandal sa mesa na nasa tabi ng kama ko. “H’wag kang pasisigurado dahil bago ako mamatay, ay uunahin ko muna kayo.”

Mas lalong pang humigpit ang hawak niya sa aking panga nang makita niya akong ngumisi. “Siguradohin mo lang na mapapatay mo si Sebastian, dahil kung hindi, mag re-reunion kayo nila Hunt at Luie sa empyerno.”

His face darkened. Ganiyan nga, mainis ka lang na hayop ka. Unti-unti nang nawawala ang takot sa loob ko. Kailangan kong maging matapang alang-alang sa anak ko at kay Sebastian. Marami na ang nadamay sa gulong ‘to. Una, si Athena. Ako lang naman dapat ang dudukutin noong araw na ‘yon pero biglang dumating si Tina para subukan na tulongan ako kaya pati siya ay dinala na rin kasama ko. Iyong pag tulong niyang ‘yon ang naging sanhi pa ng kamatayan niya.

At ngayon, si Sebastian. Masiyado na siyang nahihirapan dahil sa akin. Kaya hindi ko hahayaan na maging mahina ako sa ganitong sitwasyon. Kailangan ko ring tulongan ang sarili ko, kailangan ko ring tulongan si Sebastian na tapusin ang probelmang ‘to.

Nanlisik ang kaniyang mga mata. Binitawan niya ako, binunot niya ang baril na nakakabit sa tagiliran niya at tinutok sa akin. Hindi ko pinakita sa kaniya na tatakot ako, bagkus ay malamig ko lang na tinitigan ito.

“Shoot me,” I said while smirking at him. Alam kong hindi niya ipuputok ang baril niya dahil kung gusto niya akong patayin ay sana matagal na. Mukhang may kailangan pa siya sa akin.

“Isang salita mo pa ay babasagin ko ‘yang bungo mo!” Umakto ako na parang natatakot. “Omg! H’wag po, maawa ka,” saad ko at humalakhak.

“Sabing tumahimik ka!” sigaw niya at pinutok ang kaniyang baril sa taas. Bahagya akong napatalon sa gulat ngunit hindi ko iyon pinakita. Nanatili lang ang titig ko sa kaniya.

“Baby, stop it!” Isang babae ang biglang sumigaw.

 I was stunned. That voice.

Unt-unti akong lumingon sa pintuan at otomatikong umawang ang mga labi ko. Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa babaeng nasa pintuan.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon