CHAPTER 15

3.6K 69 2
                                    

CHAPTER 15

CALISTA

"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Na sa byahe kasi kami at hindi ko alam kung saan kami paroroon.

"Bibisitahin natin kapatid ko, " sagot niya habang nasa kalsada ang tingin.

"May kapatid ka pala?" Mag daldawang buwan na rin kaming mag kasama ni Sebastian pero wala pa akong alam sa family background niya.

Tinignan niya ako at malamlam na nginitian. The sadness crossed his eyes. "Yeah," maiksi niyang sagot at muling ibinalik ang tingin sa kalsada. Did something happened?

Nang huminto ang sasakayan namin ay bigla akong natigilan. Oh, God! Don't tell me...

"Babe, let's go, " tawag niya, nakalabas na pala siya. Bumaba ako sa sasakyan at nilibot ang aking tingin sa lugar. Isa itong public cemetery.

Binuksan ni Seb ang compartment ng sasakyan at kinuha ang isang malaking bouquet of roses. Akala ko pa naman kanina ay akin, nakakahiya talaga ako.

"C'mon." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na nag lakad. Huminto kami sa tapat ng isang lapida. Nilagay ni Seb ang dala niyang bulaklak at nag sindi ng kandila.

Athena Elisse Berk, babae pala ang kapatid niyang namatay.

Matapos niyang mag sindi ng kandila ay tumayo na ito at ipinulupot ang braso niya sa bewang ko.

"Hello, my little turtle. Kumusta kana r'yan? Are you in peace? " aniya habang nakatingin sa puntod ng kapatid niya. Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses habang nag sasalita. Siguro ay miss na miss na niya ang kapatid niya.

"It's been 3 years when you left us, but until now I still can't accept your loss. " Nakita ko ang pag tiklop ng kaniyang palad.

"I will vengeance your death. Hindi ako titigil hanggat hindi nag babayad ang mga taong dahilan ng kamatayan mo." Napatigin ako sa kaniya. So it means, hindi natural ang caused of death niya?

"By the way, little turtle. As you can see, may kasama ako. " Tinignan niya ako at nginitian.

"She's Calista, my girlfriend." Tinignan ko naman ang puntod niya. "Hello, I'm your brother's girlfriend, " ani ko habang naka ngiti. I'm claiming myself as Sebastian's girlfriend even though hindi pa ako nakakarinig ng I love you mula sa kaniya. Natatakot din ako sabihin ang nararamdaman ko baka hindi kami parehas. Sinabi niya lang sa akin dati na gusto niya ako pero hindi ko alam ngayon kung nag bago ba iyon at mahal na niya ako o nanatili pa rin sa gusto niya lang ako.

"Siya ang prosecutor na tumulong sa akin dati na mapawalang sala ako sa krimen na kinasangkutan ko. She's my savior, " aniya at tinignan ako. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Savior ko rin naman siya dahil ilang beses na niyang iniligtas ang buhay ko sa kamatayan.

"Do we look good together?" Hinapit niya ako papalapit sa kaniya.

"Kilabutan ka pag sumagot 'yan, " ani ko na mahina niyang ikinatawa.

Nag stay pa kami ro'n ng ilan pang minuto hangang sa mapag desisyonan na namin ang umalis.

"Uwi na tayo?" I asked. "No, may pupuntahan pa tayo," sagot niya.

"Where?"

"You will know it later." Hindi na ako nag tanong pa dahil hindi niya naman ako sasagutin. After ng isang oras na byahe ay huminto kami sa isang kakahuyan. Wala masiyadong kabahayan puro kahoy lang ang nakikita ko. Nasa isang liblib na lugar 'to.

"Na saan tayo?" tanong ko ng makababa ako ng sasakyan.

Hinawakan niya ako sa kamay at giniya papasok sa kagubatan. "Hindi ba private property 'to? Baka mamaya ay may mga wild animals pala rito. " Tumawa lang siya habang patuloy pa rin kami sa pagpalakad. "Sa kambal na Yves at Yvan itong lupain na 'to, " sagot niya.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Where stories live. Discover now