CHAPTER 13

4K 64 5
                                    

CHAPTER 13

CALISTA

“Hey, bumangon ka na diyan.” Hinalikan niya ang batok ko at hinawi ang buhok kong naka takip sa aking pisngi.

Masama pa rin ang loob ko at gusto ko na namang umiyak. Nawalan na ako ng ganang gumalaw- galaw.

“Still upset?” he asked habang nilalaro ang hibla ng buhok ko. Nakatalikod kasi ako sa kaniya habang nakahiga.

“Masama lang anf loob ko. Sino ba naman ang hindi sasama ang loob kung tinanggal ka sa trabaho, “ walang gana kong sagot.

Napakawalang hiya talaga ng matanda na ‘yon. Kung profession lang ang pag uusapan ay mukha pa akong tunay na prosecutor kisa sa kaniya. Wala rin naman siyang ibang ginawa sa prosecutor's office kundi ang mag bunganga at mandaya sa kaso.

Ilang araw na ang nakalipas pero masama pa rin ang loob ko.

Dali-dali akong tumungo sa Prosecutor’s office. Sinamahan ako ni Sebastian para makasiguradong ligtas ako ngunit naiwan siya sa labas.

Pag pasok ko ng building ay agad akong sinalubong ni Ally.

“Na saan siya?” tanong ko. Nag iinit ang ulo ko dahil sa matandang ‘yon.

“Na sa office niya.”

Mabilis akong nag lakad patungo sa office niya habang si Ally ay nakasunod sa akin.

Pag dating ko sa harap ng office niya ay hindi na ako kumatok. Pabagsak kong binuksan ang pinto kaya nagulat siya nang makita ako.

“Ms. Javier, what are you doing here?” patay malisya niyang tanong.

Matiim ko siyang tinignan at nag lakad papunta sa harap ng table niya.

“Why you terminated me?” malamig na tanong ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay niya at pinag krus ang mga braso nito sa kaniyang dibdib.

“Wht not? Ilang linggo ka nang hindi pumapasok without filing a leave!” Napapikit ako dahil sa inis.

“May sakit nga ako ‘di ba? Ano po ang hindi niyo maintindihan doon, sir?”

Tumalim ang titig niya sa ‘kin. “Don’t fool me, Calista. Nakita ka ni Michael together with Berk! Kaya pala you’re acquitted him dahil may relasyon kayo!”

What the fuck! Si Michael, ‘yong sira-ulong lalaking ‘yon?

“Really, sir? Naniniwala ka talaga doon?” He smirked at me.

“You are already fired, Calista. You may now get out of my office.” Tinuro niya ang pintuan.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, bagkus ay tinignan ko lang ito.

“You hear me, right? I said get out!” he pointed the door again, ngunit hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko.

“No, sir! I will file a complain for this!” matigas na sagot ko sa kaniya.

“Go on. Do you think mananalo ka? Pinalaya mo ang isang criminal at iniwan ang trabaho mo para sumama ro’n!”

“He’s not a criminal!” Hindi ko na napigilan ang galit at inis ko. Sumusobra na ang matandang to.

“Napatunayan sa korte na inosente siya, kaya h’wag niyo siya matawag-tawag na criminal! That’s a Slander or Oral defamation, sir! Revised Penal Code of the 1991 Philippinesal! Wala kang karapatan na sabihan siyang kriminal na wala kang sapat na ebidensiya!”

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Where stories live. Discover now