CHAPTER 11

3.8K 79 2
                                    

CHAPTER 11

SEBASTIAN

Pag akyat niya sa taas ay agad kong tinawagan si Gabriel.

"Hey, man! Pumunta ka malapit sa TGM Coffee shop. I think nag pakita si Hunt kay Cali," ani ko nang masagot niya ang tawag.

"What do you mean?" he asked.

"Basta! Halughugin mo na lang ang lugar. Mag dala ka ng tao at i-check niyo ang buong lugar, malapit lang siya roon."

"Okay copy," sagot niya at pinatay ang tawag.

Umakyat na muna ako sa kwarto ko at nag palit ng damit. Basang- basa rin kasi ako. Pag labas ko ng kuwarto ay dinaanan ko muna si Calista sa kuwarto niya at sinilip sa loob. Mukhang naliligo siya dahil tumutunog ang shower.

Sinarado ko ang pinto niya at bumaba na para mag luto.

Sobrang lakas pa rin ng ulan sa labas. Mukhang may bagyo ata.

Tumungo na ako sa kusina para mag luto ng puwedeng kainin ngayon. Kanina pa nagugutom ang babaeng 'yon. Hindi na kami nakabili ng pagkain dahil sa nangyari sa kaniya.

Kanina ko pa sana gustong tanongin kung ako ang nangyari sa kaniya pero alam ko namang hindi niya ako masasagot sa mga oras na 'yon.

Sigurado akong may nangyaring kakaiba dahil hindi naman siya iiyak ng gano'n at mag lumpasay sa daan kung wala.

Binuksan ko ang kitchen cabinet para mag hanap ng puwedeng lutuin. Nahagip ng mata ko ang isang naka plastic na pasta kaya kinuha ko iyon. Total malamig ang panahon, masarap kumain ng sopas.

Binuksan ko ang ref at nag hanap ng sahog. Sakto naman may carrots, broccoli at repolyo pa.

Kumuha pa ako ng ilan pang isasahog at inumpisahan ng lutuin ang sopas.

Nang matapos akong mag luto ay umakyat muna ako sa kuwarto ni Calista para tawagin siya.

Kumatok ako ng tatlong beses ngunit walang sumasagot. Pinihit ko ang siradora ng pinto at nadatnan siyang nakahiga sa kama at natutulog.

Hindi man lang siya nakakain. Lumapit ako sa kaniya at kinumotan ito.

Kinuha ko ang remote sa bed-side table para pahinaan ang temperatura. Baka mamaya ay mag kasakit dahil sa lamig.

Aalis na sana ako nang biglang dumaing si Calista kaya napalingon ako sa kaniya.

"N-No...no..."Bigla itong napahikbi kaya nilapitan ko siya ulit at hinawakan.

"Shit!" Napamura na lang ako dahil sa init niya. Ang taas ng lagnat niya. Sabi ko na nga ba.

"No... no!" Patuloy pa rin ito sa kaniyang pag hikbi.

"Cali... Cal." Hinawakan ko siya sa pisngi at tinapik-tapik 'yon.

"No... no! No!!"

Bigla itong napamulat habang habol-habol ang kaniyang hininga.

"Are you okay? Ang taas ng lagnat mo," saad ko habang hawak-hawak siya sa balikat.

"S-Seb..." sambit niya habang nakatingin sa akin at hingal na hingal pa rin.

Mukhang nanaginip na naman siya ng masama.

"It's okay." Hinaplos ko ang pisngi niya at hinawi ang mga hibla ng buhok nitong nakatakip sa mata niya.

"Dito ka lang muna, kukuha ako ng pagkain para makainom ka ng gamot."

Bumaba muna ako para kumuha ng pagkain at gamot niya t'saka bumalik.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Where stories live. Discover now