CHAPTER 27

3.6K 60 2
                                    

CHAPTER 27

"Sir, our transaction in Spain has been blocked. Weapons and drugs will not be delivered to us."

"Wait, what?!"

" Did I tell you to make sure the package arrives safely!? Do you really want everyone to die?!"

He was irritated and yelled into his phone, well almost bursting a vein in his neck."

"We were assured that there would be no delivery issues. Everything that can be blocked has been paid for. We have no idea why this happened, sir."

"It makes no difference if you pay for everything! If you don't want everyone to die, I'd like the delivery to arrive! Don't give me that excuse because I spent a lot of money on it!" sigaw niya at binaba ang teleponong hawak nito.

Napahawak ito sa kaniyang sintido at umupo sa kaniyang swivel chair.

Masiyadong mainit ang kaniyang ulo dahil sa balitang natanggap niya. Sino naman kaya ang mapangahas na humarang sa kaniyang transaction.

Biglang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at napatingin ito rito.

"Hindi ba uso ang kumatok ngayon ?"

Nginisihan lang siya nito at dumeretso sa sofa 'tsaka hinarap ito.

"Bakit naman ako kakatok, e bahay ko rin naman 'to?" Kinuha niya ang kape na nasa mesa at sinimsim ito.

"Bahay mo rin nga pero opisina ko 'to. At 'yang kape na iniinom mo, akin 'yan!"

Binaba niya ang tasang hawak niya at tinignan ang kapatid. "Well, parte pa rin naman ng bahay na 'to ang opisina mo at itong kape, hindi masarap." Tumawa ito at tinignan siya ng matiim.

"Anong kailangan mo?" Walang ganang tanong niya rito.

"Balita ko, may humarang daw sa transaction mo sa Spain?"

Tinignan siya nito ng seryoso. "Paano mo naman nalaman 'yon?"

"Hindi na importante kung paano ko nalaman 'yon, ang mahalaga alam ko kung sino ang taong may gawa no'n."

Nginisihan niya ito at tumayo sa sofa. "Si Morrei"

Kumunot ang kaniyang noo dahil sa narinig.

Aalis na sana ito nang tawagin siya. "Sandali, Michael! " Lumingon naman ito at payak na nginisihan ang kapatid.

"Sigurado ka rito?"

"Wala ka bang tiwala sa 'kin, Kuya Scorpio?" Muli itong ngumisi at tuloyan nang lumabas ng opisina

CALISTA

"Kumusta ka naman?" tanong ni Ally sa 'kin. Isang linggo na rin mula noong malaman ni Seb ang totoo. Mula noon ay hindi ko na siya ulit nakita at nakausap.

Pag tapos nang huli naming pag uusap noong araw ng kasal ay hindi na ako umuwi sa bahay niya. Bumalik na ako sa bahay ko. Pinadala niya na lang lahat ng mga gamit ko kay Ate Aileen. Masakit, hangang ngayon ay parang nanghihina parin ako, masakit parin ang puso ko. Pinag dadasal ko na sana ay panaginip lang lahat ng 'to para hindi ako nasasaktan ng ganito.

Payak kong nginitian si Ally at uminom ng gatas ko. "Ayos lang ako," kong sagot.

"Ayos ba 'yan? Ilang araw ka nang may sakit at nangangayayat kana. Tignan mo nga oh, nangingitim na ilalim ng nga mata mo," anas niya. Ilang araw na nga akong may sakit pero wala lang naman 'to kisa sa nagawa kong pananakit kay Sebastian.

"H'wag kang mag alala okay lang ako, wala lang 'to." Nilapag ko ang baso ng gatas ko sa bedside table at muling humiga sa kama.

"Oh sige, mag pahinga ka na. Uuwi na rin ako, lumalalim na ang gabi. Tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka, okay?" aniya habang kinukumutan ako.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Where stories live. Discover now