CHAPTER 25

3.6K 66 0
                                    

CHAPTER 25

CALISTA

"Woah! You look perfectly gorgeous!" ani ate Pam habang iniikutan ako.

"Aw! Ang swerte naman ni Mr. Berk magkaroon ng isang napakagandang Asawa," komento naman ni Ally habang tinitignan ako.

Matamis akong ngumiti at tinignan ang repleksyon ko sa isang human size mirror. Hindi ko maitago ang tuwa at saya ng makita ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Finally, ang dream wedding dress ko ay suot-suot ko na ngayon. Hindi ko aakalain na masusuot ko ito, at para pa kay Sebastian.

This is the day! Ang araw na matagal ko nang hinintay. The most special day of my life! Parang kailan lang noong nagkakilala kami ni Sebastian. Naalala ko pa ang una naming pagkikita noon ay sa parking lot ng bar ng kaibigan niyang si Zircon kung saan nagkasagutan kaming dalawa.

Inis na inis pa ako noon sa kaniya dahil sa sobrang hangin at yabang niya.

Mayabang at antipatiko talaga ang first impression ko sa kaniya, mali pala ako ro'n.

Sebastian is a sweet and a nice guy. Ilang beses niya akong niligtas sa kamatayan ko. Kung hindi dahil sa kaniya ay patay na ako ngayon.

"This is it, sis! Magiging sister in law na kita!" Natutuwa at parang kinilig pa na anas ni ate Pam at saka niyakap ako.

"You're so beautiful," she whispered.

"Thank you, ate. Thank you for making me beautiful." Nginitian niya lang ako.

Si ate Pam ang nag ayos sa akin dahil nga magaling din siyang humawak ng make-up kit hindi lang mga surgery tools sa hospital.

"Nandito na sila!" ani Ally ng tumunog ang doorbell. Ilang sandali lang ay pumasok na sina Ate Kate at Joshua.

"Wow! Ang ganda naman ng ating bride!" Manghang pag-puri ni ate Kate.

"Siguradong ganado si Mr.Berk sa honeymoon," sabat naman ni Ally at tumawa.

Sinamaan ko ito ng tingin. Babaeng 'to talaga masiyadong pahalata. Haha.

"Nakuha pala namin 'to sa labas ng gate. Mukhang may bisita kang hindi makakapunta kaya nag iwan na lang. gift." Inabot sa akin ni Joshua ang isang puting kahon na may color black na malaking ribon.

Tinignan ko ito ngunit wala namang pangalan na naka lagay.

"Buksan mo, dali!" ani Ally na pawang na e-excite.

"Teka, p'wede ba mag bukas kahit hindi pa tapos ang kasal?" Nag aalangan ako, baka mamaya may pamahiin na naman tungkol dito.

"Wala naman tayong Law na bawal mag bukas ng regalo bago ang kasal," saad ni ate Kate at tumawa.

Oo nga naman, pero kasi baka may pamahiin na naman si Kishia about dito.

"Sige na, buksan mo na," ani ate Pam na nae-excite rin.

"Ma'am, sabi po ni sir Gabriel naka alis na raw po sila ni sir Sebastian sa condo at patungo na raw po sila sa sa simbahan," saad ng isang stylist ko na pinadala ni Sebastian dito kanina upang tulongan si Ate Pam sa pag aayos sa akin.

"Oh, papunta na pala ang groom!" saad ni Ate Pam at niretouch ang make-up ko.

"Tara na?" Pag aaya niya sa akin

"Sige po ate. Give me three minutes, medyo ninenerbyos ako," ani ko.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Humalo ang kaba, excitement at nerbyos ko.

"Sige lang, just calm yourself. Ganiyan talaga siguro ang feeling ng ikakasal," sagot niya at tumawa.

Nag si-alisan na silang lahat hanggang kami na lang ng stylist ko ang natira.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant