CHAPTER 21

3.7K 73 5
                                    

CHAPTER 21

SEBASTIAN

Nakita ng mga mata ko ang pag kasa ng baril ni Hunt at tinutok ito kay Calista.

“Cali, don’t! “ sigaw ko an makita siyang tatakbo papunta sa akin.

Pag pitik ko ng gatilyo ay ang pag tigil ng pag takbo ni Calista.

My jaw tightened, pinapaulanan ko ng bala si Hunt habang tumatakbo ako papunta sa kinaroroonan ni Calista.

“Cali!” unti-unti siyang bumagsak at nakita ko ang pag ubo niya ng dugo.

Hindi pa ako nakuntento, nang maubos ang bala ng baril ko ay binunot ko pa ang baril na nasa tagiliran ko at inubos lahat ng bala sa katawan ni Hunt hangang sa bumagsak na ito sa sahig.

“Cali! Cali!!”

Parang nanlamig ako ng makita ko siyang duguan sa sahig.

“C-Cali!”

Iniharap ko siya at ipinatong ulo niya sa lap ko.

“Babe! Babe!!” tinapik-tapik ko ang kaniyang pisngi. Pakiramdam ko ay may bumaon sa lalamunan ko dahilan upang bumigat ang aking pag hinga.

“B-Babe, wake up!!” Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong takot. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. “I-I cant… I’m scared, Cali! Wake up!”

Ayoko nang mawalan sa ikalawang pagkakataon. Hindi ko na kakayanin.

“Gabriel!” sigaw ko kay Gabriel na hawak-hawak ngayon si Luie.

“S-Seb...” Napatingin ako sa kaniya. Unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay upang hawakan ang aking pisngi kahit nanginginig ito.

“I-Im... s-sorry.” Nanginginig ang kaniyang boses habang sinasabi ‘yon.

“Ssshhh… Don’t talk.” My heart beating so fast. I can’t explain what I feeling right now.

“G-Gusto ko lang malaman… k-kung s-sino ako p-para sa ‘y-yo.” Muli itong umubo at may dugo ba namang lumabas sa bibig niya.

“P-Please, don’t talk..” I hug her, and my tears started to fall. Oh, God! Hindi ko na kakayanin ang mawalan ng minamahal sa ikalawang pagkakataon. Yes, I love this girl, I love Cali so much.

“S-Seb..”

“If you wanted to know what I felt for you… yes, I love you, I do, babe. So please, don’t make me feel broken again.” I sobbed as I hug her.

Ito ang unang beses na nasabi ko sa kaniya ang salitang ‘yon. Unang beses  na inamin ko rin sa sarili ko na mahal na mahal ko ang babaeng ‘to.

“S-Stay awake, magiging maayos ka.” Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at nakita kong bahagya itong ngumiti kahit kitang-kita sa kaniyang mukha na nahihirapan na siya.

“I-I’m fine,” mahina niyang saad na parang naging bulong na lang. Oh, God! My heart is so heavy seeing her in this situation. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko.

Pag baba ng building ay sinalubong kami ni Kishia.

“Seb!” sigaw niti habang tumatakbo papunta sa amin.

Nag sidatingan na rin ang ibang tao ko, itinalian nila si Luie na hangang ngayon ay walang imik. Namatay na ang kapatid niya ngunit wala pa rin itong imik.

“Kish, tawagan mo si Ate Pamela bilis!!” sigaw ko at isinakay si Calista sa sasakyan.

Mabilis na pinaandar ni Gabriel ang sasakyan na parang nililipad na namin ang daan patungo sa hospital.

OBLIVION 3: Sebastian Berk (Soon To Be Published Under Bibliotheque Publication)Where stories live. Discover now