CHAPTER EIGHTEEN

0 0 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

👻👻👻👻👻

"Ekang, anak! May dapat kang malaman." Nag-aalangan na pagbubunyag ni Aling Leope sa anak nitong si Ekang na kasalukuyang umiiyak at nangangatal ang katawan.

"Tu… tungkol po saan?" Pasinghot-singhot na pahayag ni Ekang.

Hindi mawala-wala sa isipan nito ang mga nakita sa tila bangungot ulit na naranasan kani-kanina lang. Naninibago siya sapagkat parang totoo ang kanyang mga nasaksihan at naramdaman nang mga oras na binabangungot siya. Nagtataka rin siya kung bakit hindi ito naganap ng hating-gabi o alas dose.

"Umuwi na muna tayo sa atin para makapagpahinga ka, anak. Doon ko ipapaliwanag ang lahat." Pangungumbinsing pahayag ni Aling Leope kay Ekang.

"Tama ang inay mo, Ekang. Umuwi ka na muna sa inyo. Dadaan na lang ako mamaya sa bahay ninyo para mangamusta." Bahagyang ngumiti si Ms. Elena habang kinakausap nito si Ekang.

"Ma'am, gusto ko pong sumama sa inyo mamaya kapag nagpunta po kayo kina Ekang." Nagsusumamong pahayag ni Chelsea habang nakiyakap na rin kay Ekang.

"Ako rin po Ma'am Elena!" Segundang saad naman ni Wilson. Kagaya ni Chelsea, nag-aalala rin ito para kay Ekang.

"Mga bata hindi sa iniichapwera ko kayo, kaya lang pribadong usapan ang aming gagawin. Bukod doon kaming matatanda lamang ang maaaring makipag-ugnayan kay Ekang." Paliwanag ni Ms. Elena sa dalawang estudyanteng nagnanais na pumunta kina Ekang.

"Pero Ma'am Elena, nag-aalala rin po kami kay Ms. Ekang. Saksi po ako kung gaano siya natakot sa tuwing nakakaranas ng bangungot." Halos magmakaawa na si Wilson. Dati naman hindi ito interisadong alamin ang mga nagaganap sa buhay ng mga naging girlfriends nito pero pagdating kay Ekang naging interisado na ito.

"Pasensiya na mga bata pero para na rin sa kaligtasan ito ni Ekang. Babalitaan ko na lang kayo kung ano ang mga nangyari. Sa ngayon bumalik na muna tayo Chelsea sa klase ko at ikaw naman Mr. San Diego, bumalik ka na ulit sa klase mo. Pamaya-maya magsisiuwian na kayo pagkatapos ng inyong mga klase." May awtoridad na pahayag ni Ms. Elena dahilan para manlumo sina Chelsea at Wilson. Sinulyapan na lang ng tingin ng dalawa si Ekang na kasalukuyan naguguluhan pa rin dahil sa mga nangyayari.

👻👻👻👻👻

"Ginagalit talaga nila ako! Nang dahil sa pangingialam nila, nasira ang lahat ng plano ko. Humanda lahat sila! Magbabayad silang lahat!" Masidhing galit ang umaapaw nang mga oras na iyon na nagmumula sa babaeng nagngangalan Mariana. Ang babaeng puno't dulo nang lahat ng mga nakapangingilabot na pangyayari.

"Bakit hindi pa tayo sumuko Inay? Tumigil na tayo sa ginagawa natin. Nakaganti na tayo sa lahat ng mga taong dahilan kung bakit kayo napawalay sa amin."

"Hindi pa ba kayo napapagod?"

"Tanggapin ninyo na lang ang katotohanan na ayaw na sa atin ni Anghelika. Iba ang pinipili niya. Hindi tayo, kaya hayaan na natin siya."

"Nandito naman ako. Buong buhay ko, umikot na sa inyo. Hindi pa ba sapat iyon ginagawa ko? Hindi pa ba sapat akong maging anak mo?" Humahagulgol na paglalahad ni Anghelita sa harapan ng ina nito. Hinawakan nito ang mga kamay ng ina. Kumikirot ang puso nito sa tuwing mararamdaman na tila kasangkapan lang ang turing sa kanya at hindi anak ng kanyang ina.

"Tumahimik ka! Kahit kailan talaga, wala kang silbi!"

"Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang dahilan kung bakit naitakas ni Criselda ang kapatid mo?" Nanlilisik na saad ni Mariana habang tuluyang umitim ang buong mata nito. Ang mata nito ay kapareho ng mata ni Satanas.

Midnight PrisonerWhere stories live. Discover now