CHAPTER SEVEN

13 2 6
                                    

CHAPTER SEVEN

👻👻👻👻👻

"Siguro naman sapat na iyan 500,000.00 para magawa mo ang mga ipinagagawa ko sa iyo." Paangil na saad ng isang babae sa kaharap nitong babae. Ang babaeng nag-aalok ay isang eleganteng babae kahit nasa kwarenta anyos na ito. Anak-mayaman at nagmula sa angkan ng mga pulitiko. Nagdadalang-tao rin ito.

Ang babaeng inaalok naman ng malaking halaga na pera ay isa naman prostitute sa isang strip club. Nasa ugali nito na kung saan may pera doon siya kahit gaano pa kadumi o kasama ang gawin niya kumita lamang ng pera.

"Heto lang ang ibibigay mo? Nang-iinsulto ka ba? Konti pa ito! Kaya may utang ka pa sa akin." Umaangil na tugon din ng babaeng kausap ng babaeng buntis. Inamoy-amoy pa ng babae ang hawak na pera na para bang pagkain ito.

"Napakagahaman mo! Sa palagay mo ba papayag ako sa gusto mong mangyari. Baka nakakalimutan mo na kaya kitang ipapatay sa mga tauhan ko, kaya hindi mo ako maiisahan." Nagbabantang saad ng babae habang matatalim ang mga tingin nito sa babaeng prostitute.

"Talaga ba? Takot ako!" Nanunuyang saad ng babae sabay tinapunan ng nakaiinsultong mga tingin ang babaeng buntis.

"Kung ako ay gahaman, ikaw naman ay isang mamamatay tao!" Nanggigigil na tugon ng babaeng prostitute sabay duro ng mga daliri sa babaeng buntis.

"Saka huwag mo nga akong pinagbabantaan dahil sa oras na may masamang mangyari sa akin, ikaw ang maituturong may kinalaman."

"Kung ang tingin mo tanga ako na basta na lamang isasangkalang ang buhay ko para lang sa wala, nagkakamali ka. Hindi mo ako kilala! Pero ikaw kilalang kilala ko kaya mag-iingat ka sa mga binibitawan mong mga salita." May pagbabanta na rin pahayag ng babaeng prostitute.

Nagpapalitan sila ng mga matatalim na tingin na para bang gustong saktan ang isa't isa.

Kumukuyom naman ang mga kamao ng buntis. Bagamat may baril sa loob ng maliit na drawer ng study table ng babaeng buntis. Nagpigil ito at nagbitaw ng malalim na hininga.

"Kagaya ng napag-usapan, may utang ka pa sa akin. Paunang bayad pa lamang ang ibinigay mo ngayon." Muling saad ng babaeng prostitute habang inihahayag ang mga gusto nitong mangyari sa kasunduan.

"2 million ang kailangan ko. Pasalamat ka at pumayag akong kalahating milyon pa lang ang ibinabayad mo ganoong napakahirap nang ipinagagawa mo sa akin."

Nanlaki ang mga mata ng babaeng buntis dahil sa mga hinihingi na kundisyon ng babaeng prostitute subalit ng mga oras na iyon nagpigil ng galit ang babaeng buntis.

"Pero huwag kang mag-alala. Malinis akong tumarabaho. Wala kang kalat na makikita. Safe na safe ang mga sikreto mo sa akin maliban na lang kung tatraydorin mo ako, alam mo na ang mangyayari." May pagbabanta sa tono ng pananalita ng babaeng prostitute.

"Siguraduhin mo lang na magagawa mo ang trabaho mo. Kailangan mawala na sa landas ko ang babaeng mangkukulam. Tao pa rin naman siya kaya sigurado akong walang magagawa ang kapangyarihan niya." Nanlilisik ang mga mata ng babaeng buntis. Muhing-muhi rin ito sa isa pang babae sapagkat nais nitong mawala na sa mundo ang babae o ang tinuturing nitong kaaway at karibal sa asawa. Para rin sa babaeng buntis kung puwede nga lang nitong pagsabayin na kitlin ang buhay ng dalawang babaeng kinasusuklaman nito, gagawin nito.

Kung sa akala mo nanalo ka na Mariana dahil nasira mo ang masaya namin pagsasama ni Sebastian, nagkakamali ka Mariana.

Hindi ako makakapayag na isa lamang hamak na mangkukulam na kagaya mo Mariana ang sisira sa buhay ko at sa pamilya ko. Pagbabayarin kita kasama ang mga anak mo. Sinusumpa ko iyan.

Midnight Prisonerजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें