CHAPTER ELEVEN

10 1 7
                                    

CHAPTER ELEVEN

👻👻👻👻👻

Hindi ako tunay na anak ni Inay Leope! Kung… kung hindi si Inay ang tunay kong ina, nasaan ang mga tunay kong magulang?

Mahinang humihikbi si Ekang habang nakahiga sa kama nito katabi ang ina nitong si Aling Leope. Nakapayapos ang mga braso ni Aling Leope sa katawan ni Ekang.

Hindi makatulog si Ekang hindi dahil nakaranas na naman ng bangungot kundi dahil hindi nito makalimutan ang mga narinig na usapan sa pagitan ng kanyang ina at ni Aling Josefina.

👻👻👻👻👻

"Kumare, alam kong mahal na mahal mo si Ekang. Simula nang dumating sa buhay mo iyon bata, naibsan ang pangungulila mo sa iyong asawa at pamangkin na si Criselda."

"Subalit sa ngayon mas kailangan mo ang suporta ng totoong mga magulang ni Ekang." Suhestiyon ni Aling Josefina bagamat nag-aalangan na baka mapasama ang dating nang sinabi nito ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pagbibigay ng opinyon nito.

"Alam kong hindi madali sa iyo ang gawin ang ganoon pagpapasya subalit hindi magagawang makabawi o magagawa ng totoong mga magulang ni Ekang ang mga obligasyon nila bilang magulang ng bata kung hindi nila malalaman kung ano na ang nangyari sa inabandona kamo nilang anak."

"Josefina, ikaw na nga ang may sabi na inabandona nila si Ekang na parang kuting noong tatlong taon gulang pa lamang ito."

"Tapos ang gusto mo ay ipagkatiwala ko ang anak ko sa kanila na para bang wala silang ginawa na atraso roon sa bata."

"Bata pa si Ekang noon. Walang kamuwang-kamuwang na basta na lamang iniwan na walang pasabi ng mga totoo niyang magulang."

"Ang sabihin mo, wala silang puso at konsensya dahil nagawa nila iyon sa isang batang paslit." Nagpupuyos ang damdamin na pahayag ni Aling Leope. Bagamat alam ni Aling Leope na may punto rin naman ang sinabi ni Aling Leope, pero para sa ginang hindi madali sa kanyang gawin ang ibalik ang anak na si Ekang sa totoong mga magulang nito sapagkat napamahal na sa kanya si Ekang.

Hindi nito kakayanin na pati ang kaisa-isang nagpapasaya sa kanya ay malalayo pa sa kanya. Pinanghahawakan din ni Alng Leope ang pangakong binitawan sa pamangkin na si Criselda na huwag na huwag ibibigay sa totoo nitong mga magulang si Ekang kahit ano man ang mangyari.

👻👻👻👻👻

"Nakikiramay po kami. Nakakalungkot ang nangyari sa inyong pamangkin na si Criselda." Nakikisimpatyang pahayag ng mga taong nagpunta sa burol ng pamangkin ni Aling Leope.

Ang namatay na babae ay nagngangalang Criselda Ramos. Isa itong kilalang tv news reporter o correspondent na nagtatrabaho sa isang kilalang local news channel. Tinatayang nasa trenta'y uno na ang edad nito nang pumanaw sa kadalahinang biktima ito ng suicide.

"Ito pa nga po pala ang iba pang naiwang gamit ni Miss Criselda doon sa apartment na tinutuluyan namin. Kayo na po sana ang bahala sa mga ito." Malumanay na paglalahad ng isa sa mga naging kaibigan ni Criselda habang iniaabot ang isang katamtaman laki na kahon kay Aling Leope. Ang kahon ay naglalaman ng mga importanteng dokumento at gamit ni Criselda.

Napahagulgol na lang si Aling Leope sapagkat hindi pa rin ito makapaniwala na wala na ang pamangkin na inalagaan ng matagal na panahon.

Si Aling Leope ang halos tumayong pangalawang ina kay Criselda ng maulila ito sa ina at ama. Anak si Criselda ng kapatid na bunso ni Aling Leope. Si Aling Leope naman ay hindi biniyayaan ng anak dahil sa pagiging baog nito kung kaya ng maulila si Criselda sa magulang siya na ang nag-alaga sa pamangkin. Maaga rin nabalo si Aling Leope kaya tanging si Criselda lang ang nakakasama nito sa buhay subalit ngayon nga ay wala na ito. Ang huling pagkikita nila ni Criselda ay noong minsan mapadalaw si Criselda sa Maynila.

Midnight PrisonerWhere stories live. Discover now