CHAPTER THIRTEEN

5 0 5
                                    

CHAPTER THIRTEEN

👻👻👻👻👻

"Pagkatapos ng nangyari sa iyo Ekang, nagkaroon ng imbestigasyon ang mga pulis. Inimbestigahan nila ang mga huling tao na nakasama mo bago ka nawala sa kagubatan at kabilang doon si Veronica."

"Walang gaanong nakuhang impormasyon o sapat na ebidensya na makakapagpatunay na may kinalaman nga si Veronica at ang mga kasamahan nito sa iyong pagkawala lalo pa at pinaninindigan ng mga ito na wala silang kinalaman."

"Noong mga panahon din na iyon, hindi ka pa maaaring kuhanan ng statement tungkol sa nangyari sa iyo sapagkat hindi pa mentally o emotionaly stable ang kalagayan mo kaya ipinagpaliban muna ang imbestigasyon."

"Nakiusap din ang iyong ina na huwag na muna kayong iugnay sa mga nangyari upang makaiwas na rin mapagpyestahan ng media kaya itinigil muna ang ginagawang pag-iimbestiga ng mga pulis na nag-aasikaso sa kaso mo."

"Akala namin ganoon lang kadali lilipas ang mga nangyari subalit bukod sa nalalaman ko pa rin ang mga nagaganap sa iyong buhay sa pamamagitan na rin ng paglalahad ng iyong ina, mas ikinagimbal namin ang nangyari kay Veronica at sa dalawa pa nitong kasamahan."

Seryoso ang mukha ni Ms. Elena habang ikinukwento kay Ekang ang lahat ng naganap noong mga panahon na nasa bahay lamang ang dalagita. Mataimtim naman na nakatitig si Ekang sa gurong nasa harapan nito. Hindi rin maipaliwanag ni Ekang ang kabang nararamdaman habang hinihintay ang iba pang sasambitin ni Ms. Elena.

"A… ano pong ibig mong sabihin Ma'am? May alam po ba kayo sa dahilan nang pagpapatiwakal ni Veronica?"

"Bakit kailangan sapitin ni Veronica ang ganoong klase ng pagkamatay? Ganoon po ba katindi ang nararamdaman niyang konsyensya para patayin ang sarili?" Naguguluhan paglalahad ni Ekang ng saloobin tungkol sa nangyari kay Veronica.

Hindi sa pinagdududahan ni Ekang kung may konsyensya ba o wala si Veronica ngunit nagtataka ito sa ginawa ni Veronica sa sarili nito.

Bagamat maituturing na krimen ang ginawa ni Veronica kay Ekang lalo na at hindi madaling kalimutan ang traumang idinulot nito sa dalagita, para kay Ekang, hindi nito ipagdadamot ang magpatawad kung sakaling hihingi ng tawad si Veronica. Hindi rin sumagi sa isipan nito ang gumanti o ang pag-isipan ng masama si Veronica kahit hindi maganda ang ginawa nito. Kaya hindi maunawaan ni Ekang ang rason ng pagpapakamatay ni Veronica. Nakakadama siya ngayon ng guilt dahil sa pagkamatay ni Veronica.

"Nang walang nakuhang impormasyon ang mga pulis, huminto na muna sila sa pag-iimbestiga subalit makalipas lang ng isang linggo, may nagreport sa mga pulis na nawawala raw si Veronica at kagaya ng nangyari sa iyo, hindi siya natagpuan ng ilan araw. Ipinamalita na ito sa tv, radyo, social media ng kanyang pamilya at kahit kami ay nanawagan na rin kung sino man makakita kay Veronica, ipaalam sa pamilya nito o sa amin."

"Subalit walang makapagsabi kung saan nagpunta si Veronica." Tuloy-tuloy na paglalahad ni Ms. Elena habang binabalikan ang lahat ng mga nangyari. Hindi naman maiwasan mamilog ang mga mata ni Ekang. Bumibilis din ang tibok ng puso nito sa tuwing nakakarinig ng mga hindi kaaya-ayang pangyayari.

Nang mga panahon din iyon walang ideya si Ekang na may nangyayari na palang ganoon kay Veronica sapagkat kahit siya dumadaan din sa pagsubok at halos ngayon lang siya nakakabangon.

"Pagkatapos ng ilang araw o halos magtatatlong linggo na pagkawala ni Veronica, bigla itong nagpakita."

"Ayon sa report ng isang saksi na nakasaksi sa mga pangyayaring naganap sa bahay nina Veronica, bandang alas-dose ng hating-gabi biglang may naghihiyaw sa harapan ng bahay nila Veronica. Inakala ng mag-asawang De Torres na ito'y ibang tao lamang na walang magawa ngunit napag-alaman nilang ang anak nilang si Veronica pala ang naghuhumiyaw sa tapat ng bahay nila." Kumakabog ang dibdib ni Ms. Elena habang nagkukwento sapagkat hindi pa rin nito makalimutan ang nangyaring karumal-dumal na sinapit ng ama ni Veronica. Napapasapo naman ang mga palad ni Ekang sa bibig nito.

Midnight PrisonerWhere stories live. Discover now