CHAPTER TEN

17 2 6
                                    

CHAPTER TEN

👻👻👻👻👻

"Ahhh!…," Umaalingaw-ngaw na boses ang nangingibabaw sa kawalan. Nagmumula ito sa isang binatilyo. Hindi magkandamayaw kung paano pahuhupain ang sakit na nararamdaman ng buong katawan.

Maririnig din ang malakas na tunog ng gulok na tumatama sa isang kahoy at para bang may tinatadtad na kung anong bagay.

"Napakaiyakin mo naman, para ito lang nasaktan ka na!" Sarkastikong pahayag ng isang ginoo na may katabaan ang pangangatawan at hindi katangkaran. Nanlalaki ang mga mata nito na para bang aliw na aliw sa ginagawa.

Paunti-unti nitong tinatadtad ang mga daliri ng isang binatilyo na para bang karne ang tinatadtad. Nanunuot ang sakit sa buong kalamnan ng binatilyo hanggang sa buto nito. Halos mamatay o malagutan na ng hininga ang binatilyo.

Hindi akalain ng binatilyo na sasapitin niya ang ganoon karumal-dumal na gawain. Hindi makapaniwala ang binatilyo nang dahil lang sa simpleng pangungupit, sasapitin niya ang ganoon sa kamay ng isang ginoo na madalas niyang kasama sa tuwing may sinasamahan silang mga turista. Ang binatilyo ay isang tour guide at ito ang pinagkukunan niya ng perang pantustos sa mga pangaraw-araw na mga pangangailangan nito. Ngunit hindi nito maiwasan ang matukso kapag usapan pera na.

Hindi rin makapaniwala na may ganoong ugali pala ang ginoo na kapag nagagalit ay halos patayin na siya samantalang napakabait ng pagkakakilala nito sa matandang ginoo. Para itong sinasapian ng masamang espiritu.

Muling lumakas ang hiyaw ng binatilyo ng literal ng tinatalupan ng matandang ginoo ang balat ng binatilyo. Hindi ito makapalag sapagkat nakagapos ang buo nitong katawan sa isang malapad na lamesa.

"Ito ang nararapat sa mga taong gahaman at mukhang pera, sinungaling pa!" Nanlalaki ang mga mata ng ginoo at matatalim ang mga tingin na ipinupukol nito sa binatilyo.

Hindi na alam ng binatilyo kung ano ang gagawin kung kaya inihanda na nito ang sarili na tanggapin ang kamatayan nito pero bago pa man malagutan ang hininga nito nang dahil sa paulit-ulit na pananaksak ng ginoo sa katawan nito nakausal pa ito ng kapatawaran.

Patawad sa iyo Binibini!

Isang nakabibinging halakhak ang maririnig mula sa kawalan. Kasabay noon ay ang pagpanaw ng isang binatilyo sa oras kung kailan dapat mahimbing na itong natutulog.

👻👻👻👻👻

"Nasaan ako? Pakawalan ninyo ako! Sino ba kayo?"

"Sa oras na makawala ako rito, sisiguraduhin kong magbabayad kayo."

"Mabubulok kayo sa kulungan! Lagot kayo kay Daddy at Mommy!" Naghuhumiyaw ang isang dalagita na tinatayang nasa labing anim na taong gulang. Nagpupumiglas ito habang nakagapos sa isang upuan. Nakapiring ang mga mata nito.

Sa di kalayuan, naiiling na lamang ang isang babae na nasa mid 20's ang edad habang tinitingnan ang ginagawa ng babaeng nakagapos sa upuan.

"Napakaingay talaga ng babaeng iyan! Parehong-pareho sila ni Amanda. Mabuti na lamang isinama mo na siya sa impyerno." Naiiritang saad ng babaeng tinatatayang nasa dalawampu't lima ang edad.

May maganda rin itong mukha ngunit may katapangan ang aura. Makinis ang balat. Morena. May malusog na dibdib at hour glass na hugis ng pangangatawan. May mahaba rin itong buhok na palaging nakaponytail.

"Hoy, Satan! Anong balak mong pagpaparusa sa babaeng iyan?" Makahulugang saad ng babaeng nakaponytail habang nakangisi. Ngumisi rin si Satanas habang papalapit sa kinaroroonan ng babaeng nakaponytail.

Midnight PrisonerWhere stories live. Discover now