CHAPTER ONE

17 6 11
                                    

CHAPTER ONE

👻👻👻👻👻

"Patayin ang mga salot na iyan!"

"Sunugin ang kanilang bahay upang hindi sila makatakas!"

"Tama! Patayin sila!"

👻👻👻👻👻

"Babalikan ko kayong lahat! Isinusumpa ko! Ni isa sa inyo walang makakatakas sa galit ko."

Nagbabagang apoy ang kumakalat sa buong paligid. Pinalilibutan nito ang isang katamtamang laki na bahay kubo. Nanonood lamang ang mga taong nakakasaksi sa nasusunog na bahay. Hindi nila inaapula ang apoy. Humihiyaw sila ng mga pananalitang hindi nararapat bigkasin o hindi ito nakakatawa na pakinggan.

May umiiyak na batang babae at nakatayo ito sa isang puwesto na di kalayuan sa nasusunog na bahay kubo.

Nagngangalit ang ngipin ng batang babae. Matatalim ang mga tingin na ipinupukol nito sa mga taong nakapalibot sa nasusunog na bahay. Ang ilan sa mga taong naroroon ay nagtatawanan at tila ba hindi nakakaramdam ng konsensya ang mga ito habang tinitingnan lang ang nasusunog na bahay.

Mababanaag sa mata ng batang babae ang matinding poot. Naghihimagsik ang kalooban nito ngunit piniling magkubli upang hindi makita ng mga taong naroroon malapit sa nasusunog na bahay kubo.

👻👻👻👻👻

Nanlalaki ang mga mata niya habang tinatanaw ang isang nasusunog na bahay kubo. Gumapang din ang kilabot sa buo niyang katawan dahil sa nakikita ng kanyang mga mata. Natatanaw din niya ang mga taong nakapalibot sa nasusunog na bahay. Sumisigaw ang mga ito ng mga katagang hindi kanais-nais sa tenga.

Hindi siya makapaniwala sa mga nasasaksihan.

Gusto niyang pigilan ang mga tao sa ginagawa nila ngunit hindi siya makakilos mula sa kinatatayuan niya. Humihiyaw na siya ngunit wala man lang tunog na lumalabas mula sa kanyang bibig.

Pamaya-maya nanibago ang pakiramdam niya. Napakainit ng pakiramdam ng kanyang katawan. Nanunuot ito hanggang sa buto niya. Gusto niyang humiyaw dahil sa sakit na nadarama ngunit wala talagang lumalabas na tunog mula sa kanyang bibig. Tila umurong ang kanyang dila.

Pamaya-maya kinakapos na siya ng hininga. Unti-unti siyang nakakaramdam ng panghihina. Pakiramdam din niya tinititigan siya ng isang pares ng mga mata.

Unti-unti na rin nanlalabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

👻👻👻👻👻

Nawalan ng malay ang isang babae. Hindi nito nakikita na may nakatambad na pala sa harapan ng mukha nito. Hindi mawari kung ano o sino itong nakatanghod sa walang malay na babae. Nakangiting tinititigan nito ang maamong mukha ng babae.

Ang itsura ng mukha nang tumititig sa babae ay hindi mo halos makikilala. Lumuwa na ang kanan mata nito at halos matanggal na sa pinaglalagyan. Sunog na sunog ang mukha nito. Halos lumabas na rin ang bungo nito at ang utak ay halos humiwalay na sa ulo. Dahan-dahan inilapit nito ang mukha sa mukha ng babaeng walang malay at tila may ibinulong ito ngunit hindi na naririnig ng babae kung ano ang binibigkas nito.

👻👻👻👻👻

Biglang nagmulat ang mga mata ng isang dalagita ngunit tila wala ito sa ulirat. Nanlalamig ang mga kamay at paa nito. Habol-habol ang hininga. Napatingin sa orasan na nakasabit sa pader ang dalagita. Alas dose pa lang pala ng hatinggabi ang nakita nitong oras.

Midnight PrisonerWhere stories live. Discover now