CHAPTER FOUR

21 5 18
                                    

CHAPTER FOUR

👻👻👻👻👻

"Kinakabahan ako sa ating gagawin sa kanya. Hindi kaya tayo ang mapahamak kapag itinuloy natin ang balak na pananakot sa kanya?" Medyo garalgal na saad ng isang dalagitang may katangkaran at maiksi ang buhok. Palipat-lipat ang tingin niya sa tatlo pang dalagita na kasama.

"Mapapahamak tayo kung may magsusumbong sa inyo at para hindi mangyari iyon itikom ninyo ang mga bibig ninyo." May pagbabantang saad naman ng isa pang dalagita sa tatlong dalagita na nakapalibot dito. Pinandidilatan din niya ng mga mata ang tatlong kasamang dalagita.

Nagpupulong ang apat na dalagita. May pinaplano silang hindi maganda sa isa nilang kaklase. Kasalukuyan silang nasa isang bahagi ng kagubatan kung saan nakahiwalay sila sa iba pang mga estudyante na kasamahan din ng isa sa apat na dalagita.

Nang malaman ng dalagitang si Veronica na nasa Barangay Dalupirit na ang tatlo niyang kaibigan, nawala ang pagkabarino niya sapagkat may makakausap na siya. Maitutuloy na rin niya ang matagal ng binabalak.

"Kailan ba natin gagawin at paano? Kinakabahan din ako sapagkat baka mahuli tayo nina Ms. Elena at Sir Alwind."

"Huwag kayong mag-alala. Hahanap lang ako ng tiyempo." Paniniguradong tugon ni Veronica habang nakangisi at nakatingin sa puwesto kung saan nandoon ang kaklaseng matagal ng gustong pagbalingan ng kanyang inis.

Tingnan na lang natin kung hanggang saan ang tapang mo.

👻👻👻👻👻

"Nandito tayo ulit sa isang bahagi ng kagubatan kaya iyon bilin ko huwag kayong lalayo o pupunta kung saan-saan nang hindi nagpapaalam sa akin o kay Sir Alwind at Mang Bert. Maliwanag ba ang mga sinabi ko?" May awtoridad na pahayag ni Ms. Elena sa harap ng mga estudyante. Matamang nakikinig naman ang mga estudyante sa ipinahayag ni Ms. Elena.

Binubuo ng dalawang grupo ang mga estudyante. Ang isang grupo ay binubuo ng mga estudyante ni Ms. Elena at ang isa naman grupo ay binubuo ng mga estudyante ni Sir Alwind Flores. Kasama rin nila ang mga tour guide na sina Mang Bert at ang binatilyong si Michael upang gabayan sa pag-ikot sa ibang bahagi ng kagubatan.

Apat na araw na rin nilang nililibot ang Barangay Dalupurit. Halos nalibot naman nila ang ibang bahagi ng barangay maliban sa kagubatan. Malawak ang kagubatan at halos gitnang bahagi pa lamang ng kagubatan ang napupuntahan nila.

👻👻👻👻👻

"Ang kati na ng mga binti ko. Wala bang katapusan ang paglalakad natin?"

"Ang arte mo Sandy! Paglalakad na nga lang ang gagawin mo, nag-iinarte ka pa. Sige maiwan ka rito."

"Sir Alwind o! si Marcus po, nambubully."

"Ang arte talaga."

"Kayong dalawa, sa halip na mag-asaran kayo, gawin ninyo na ang assignment para sa araw na ito at mamaya ichecheck ko kung may ginawa kayo."

"Yes, sir! Sir, pwede ba akong sumama sa grupo nina Ms. Elena? Pareho lang naman po ang mga gagawin namin." Nakangising saad ni Sandy sa kanyang guro na si Mr. Alwind. Nagbabakasakali si Sandy na papayagan siya ng kanyang guro upang makisali sa grupo nina Veronica.

"Okay sige pero huwag kang pasaway doon."

"Syempre po. Thank you po Sir!"

"Kami rin Sir, puwede?" Magkasabay na sabat ng dalawa pang babae na estudyante na kabilang sa grupo ni Mr. Alwind. Subalit umiling ang guro dahilan para sumimangot ang dalawa.

Midnight PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon